BEEF STEAK TAGALOG

ang ulam ko ngayong gabi ay… beef steak tagalog na left over kagabi, kanin, pakwan, celery soup en my current peborit drink – oolong tea. sarap nga eh. kumain kami ni jet habang nanoonod ng “the fugitive” sa HBO.

kaninang lunch naman ay pumunta kami sa bedok ng office mate ko na si henry at kumain kami ng “nasi bryani chicken”. sikat na restaurant ito sa singapore at dinadayo ng marami. ang may-ari ay bumbay at specialty nila ay chicken curry with bryani rice. tuwing lunch time ay siguradong puno ito ng tao at nakapila sa harapan ng restaurant. ang pwesto ni bumbay ay simple lang. para nga lang itong carinderiang bulok sa pilipinas. iyon ang isang maganda rito sa singapore, makakapunta ka sa mga maliliit ng turo-turo na murang mura ang pagkain pero super naman sa sarap.

TOM JONES

sige na nga, aaminin ko na. idol ko rin si tom jones. gusto ko ang “it’s not unusual”” at “green green grass of home”. sa paniniwala ko, isa siya sa may pinakamagandang boses sa lahat ng mga singer. in fact, idol rin siya ng isa pang idol ko na si elvis.

napanood nyo ba siya sa pelikula na “mars attacks”? nga pala gawa ito ng isa ko pang idol na si tim burton. kasama sa pelikulang iyon sina idol kong jack nicholson at glenn close.

Rolling down that hill into the night

Maybe the hardest thing I’ve ever done
Was to walk away from you
Leaving behind the life that we’d begun
I split myself in two
Proud and alone, cold as a stone
Rolling down that hill into the night
I could see the surprise and the hurt in your eyes
From behind each flashing city light
Love needs a heart and I need to find
If loves needs a heart like mine

Love won’t come near me, she don’t even hear me
She walks past my vacancy sign
Love needs a heart, trusting and blind
I wish that heart was mine

“love needs a heart” from the 80’s classic “running on empty” CD of jackson browne. dedicated to the recently loveless, mga SMAP (samahan ng mga malalamig ang pasko), at mga kasalukunyang nag-iisa, saan man kayo sa mundo ngayon. this is probably in my top five records to bring if i’m stranded on a desert island (medyo high-fidelityish. have you read the book or seen the movie?).

Continue reading

THE STONES ARE COMING TO TOWN

the stones are coming to town. oh baby. right here and now. The Rolling Stones Licks World Tour 2003 heads for singapore on march 24 and 26. si idol carlos din ay pupunta rito sa april 8 for the Santana – Shaman World Tour 2003. two great live performers… WOW galing man.

ngayon etong problema. gusto naming manood sa either of the two concerts pero sino ang pipiliin? mahirap na desisyon ito. pom o chicano? stones na lang. mas matanda na sila at baka biglang magretire ang mga lekat at di ko na ulit mapanood ulit. medyo mahal ang ticket pero what the heck. di na ito mangyayari ulit at ayokong manghinayang sa huli. mas maigi nang manghinayang ako sa pera ngayon, pero bilhin pa rin ang ticket at manood ng concert.

Continue reading

DAVAO ON MY MIND

sa lahat ng mga lugar sa pilipinas, isa ang davao sa paborito ko. una, mababait ang mga davaoeno. pangalawa, ang davao city ay isang malaking siyudad na may hometown feel. di tulad ng cebu o maynila na sobrang gulo at dami ng tao. ikatlo, maraming pupuntahan sa davao. both sa city proper at sa outskirts – may tatalo pa ba sa mt. apo? ikaapat, masarap ang pagkain sa davao. from seafood to fruits – ang davao ay walang katulad.

Continue reading

030303

kahapon ang date ay 030303. suwerte raw ito sa mga cantonese kaya 170 couples decided to get married. this is more than twice the average daily marriages in singapore… what does this tell you? mahilig talaga ang mga intsik sa mga numero. very ominous ang mga meaning ng numbers sa kanila… sa mga chinese paintings ng mga isda at tao – karamihan ay 9 fishes swimming in a pond or 9 people walking on a path. that sort of thing… uy, gagawa ako ng tula:

9 fishes swimming in a pond,
9 people walking on a path.
9 agnostic sheep dream men jumping fences,
insomnia got them in the end.

Continue reading

IT STINKS

sige na nga, pag usapan na natin ang kabahuan. racist ba ako pag parati kong pinupuna ang mga nakakatabi kong mabahu? ewan ko lang, sa tingin ko naman ay hindi dahil pinupuna ko rin ang mga pinoy na mabahu. hirap naman kasing di punahin dahil parang ginugupit ang ilong mo pag may katabi ka sa bus or train or (god help us) sa eroplano na mabahu. minsan di ko alam kung anong dapat kong isipin, lalo na dito sa singapore.

Continue reading

SUMMER FLING

march 1 na. sa pilipinas, umpisa na ng kalbaryo. malapit na namang uminit ng husto. malapit na rin ang summer vacation. alala ko tuloy ang kanta ni k.d. lang na “summer fling”. if you plan to go on a trip during the philippine summer vacation, make sure to play this song while you’re driving to your bakasyon place.

Continue reading