TURNING JAPANESE, PART 6

schedule ko bukas my love…

9:00 check out and go to wonderware office.
9:00-12:00 meeting with wonderware staff
12:00-1:00 lunch
1:00-1:30 travel to seminar venue
1:30-3:00 seminar
3:00-5:00 travel to airport
5:00-7:00 wait for flight
7:00-1:20 flight to singapore
1:20-2:00 immigration, bag check, etc.
2:00-2:20 travel to bahay
2:20 YEHEY, kita na ulit tayo!!!!

Continue reading

TURNING JAPANESE, PART 5

halo my lab.

simple lang naman ang binili kong gift sa iyo. sana magustuhan mo. oo nga pala, nakabili na ako ng japanese biscuit. ubusin mo yon ha! mahal eh. hehehe. pag dinner ko dito sa tokyo ay bumibili lang ako sa train station at dito ko sa hotel room kinakain. una, ayokong kumain sa labas at pangalawa nahihirapan akong umorder dahil di sila marunong mag-english. pero mababit naman ang mga japanese. di naman ako mukhang hapon pero di ko nararamdaman na mayrong discrimination sa akin. baka nalalakihan sa akin at natatakot. hehehe… buti na lang matangkad ako.

Continue reading

PEACE RALLY IN TOKYO

6:30 lang pala dito ngayon. parang 9:30 nang pakiramdam ko… maaga kasi magdilim dahil winter. nandito na ako sa hotel at nagpapahinga. umuulan buong araw ngayong linggo dito sa tokyo. may konting snow pa nga ata kanina pero konging konti lang. sayang… gusto kong makakita ng malalaking snow flakes na bumabagsak pero malalaking patak lang ng ulan ang tumama sa mukha ko. hehehe… gagayahin ko sana yung commercial ng emerates air lines tungkol doon sa dalawang africans na di pa nakakakita ng snow sa labas na nagtawagan at tuwang tuwa dahil nag-iisnow sa labas ng kanilang hotel.

Continue reading

TURNING JAPANESE, PART 4

my love… kamusta ka na?

di naman luma ang hotel dito sa tokyo. iba lang ang tunog ng dial tone nila. parang busy signal kaya di makapasok ang internet connection ng pc ko. dito sa hotel sa tokyo ay may separate na port para sa internet kaya nakakapasok ako dito.

Continue reading

An Accidental Tourist in Tokyo

Kadadating ko lang sa hotel at pagod sa buong araw na sightseeing. Hirap palang sumama sa isang tour guide na may plano kung saan pupunta. Pati na lang pasyal eh may plano ang mga hapon… una, punta kaming Tokyo Tower. Ito ang equivalent nila ng Eiffel Tower. Labas kami ng train station at lakad ng malayo papunta sa tower. Along the way ay may nadaanan kaming temple at siyempre Kodak ako.

Sa gilid ng temple ay maraming maliliit na buddah figures na parang mga batang maliliit ang mga mukha. Cute nga eh kaya kinuhanan ko tuloy. May mga nag-aalay ng bulaklak sa kanila. Akala ko nga ng una eh libingan ng mga baby.

Continue reading

TURNING JAPANESE, PART 3

hello ulit my love.

lumabas ako ngayong lang para bumili ng maiinom. kahit allowed kami eh ayoko kasing galawin ang mini bar dahil nanghihinayang ako. bumili ako ng 2 malaking bote ng oolong tea. isa pa, gusto kong maglakad lakad ng kaunti para maramdaman naman ang winter evening. hehehe. sigurado kasi pag-uwi ko diyan sa singapore eh papawisan na naman ako.

Continue reading

VALENTINES DAY IN JAPAN

gandang gabi my love…

just arrived at the hotel sa tokyo. tapos nang osaka leg ng trip ko at mukhang ok naman ang seminar namin. sa wakas nakasakay na rin ako sa pinagyayabang nilang “shinkansen” (aka bullet train). masarap naman talagang sakyan dahil mabilis at very convenient. nakatulog nga ako eh. hehehe. nawala tuloy yung balak kong tumingin outside the window of the train to look for mt. fuji. sana di ako humilik – nakakahiya sa kasama kong hapon.

Continue reading

TURNING JAPANESE, PART 2

hello my love. kamusta ka na? sana ay ok ka lang diyan at di masyadong namomroblema dahil nag-iisa.

kakadating ko lang sa hotel at medyo pagod. nagpunta kami ngayon sa office ng distributor namin sa japan. nag dry run kami sa conference room nila kasama ang interpreter ko. hehehe… mahirap palang mayrong interpreter. di ka pwedeng mag-sabi ng kung ano-ano lang at siguradong mahuhuli ang pambu-bullshit mo. dapat ay puro katotohanan at every sentence ko sa english ay tina-translate sa japanese. di pwede ang style ng mga singaporeans na “etc. etc. and so on and so forth” o kaya “blah blah blah” na ginagawa nilang filler at the end of the sentence, kung di nila ma-express ang sarili nila sa english. medyo nakuha ko na ang style pag may interpreter – kailangan ay mabagal ang pagsalita mo at kailangan simple lang ang mga salitang gagamitin mo. pero yung interpreter ko ay magaling mag-english dahil laking amerika.

Continue reading

TURNING JAPANESE

good morning my love.

pasensya ka na’t di ako makatawag. walang signal ang cell phone ko rito sa japan. di ko alam kung harang lang ang signal dahil sa position ng hotel room ko or wala talagang roaming sa japan. anyway, nandito na ako sa hotel after a long bus ride and a longer plane ride. malamig dito ngayon at sana nandito ka sa tabi ko.

Continue reading