CHINA WITH JET

marami rin kaming napuntahan dito sa beijing. we arrived last sunday morning. diretso agad kami sa forbidden city (kahit bawal – hehehe). iniisip ko kung anong pakiramdam ng isang chinese na tumira nung kasikatan ng kanilang kultura. ang china ay isa sa mga sentro ng civilazatioin dito sa asia at makikita mo ito sa architecture ng kanilang mga historical site.

this is my first time in china and it is really an eye opener. so much is happening here so fast and you can feel the energy in the air. iba ang pulso ng china – parang sasabog sa opportunity. malinis sa beijing, malalaki ang mga kalye at maganda.

oo nga pala – nagpunta rin kami sa great wall nung wednesday. talagang maganda ito. mahirap lang ngang lakarin dahil matarik ang mga paakyat-pababa. yung mga kasama kong intsik dina sumama. siguro sa kanila, parang regular lang na bakod ang great wall of china.

BEIJING

nagpasyal kami kanina sa mga eskinita ng beijing. nakasakay kami sa tricycle na de-padyak. dinalaw namin ang lumang bahay ni chairman mao. very historic ang lugar – ghetto sa beijing, maliliit na kalye, maliliit na bahay, mababait ang mga tao.

maganda rito sa china, lalo na dito sa beijing. ibang klase ang dating. malayo na ang narating nila – from a communist state to a soon to be economic super power. lahat ng mga signs ay nandito na. sigurado ako na di magtatagal ay aabutan na nila ang mga maunlad na bansa sa europa at malamang pati na rin ang usa.

malamig dito ngayon at malapit nang mag-winter. pupunta kami sa great wall sa wednesday. sana may snow… hehehe

FORBIDDEN CITY

dito kami ngayon ni jet sa beijing. nag-punta kami sa forbidden city kanina. ang galing! 3 oras palang libutin iyong palace. may guide pa nga kami na may hawak na dilaw na flag. para tuloy kami yung mga turistang intsik na nakikita ninyong takbo ng takbo sa la, sf at new york. hehehe.malamig ngayon sa china. kaya kumpleto rerkado kami sa jacket, scarf, sumbrero at gloves. si jey nga nanginginig sa labas. ngayon lang siya naka-experience ng temperature na below freezing. sa wednesday, may field trip kami sa great wall.

ingat mga kapatid!

ON THE WAY TO THE MIDDLE KINGDOM

tuloy kami ni jet bukas ng madaling araw sa china. its time for my company’s asia-pacific distributor conference. ngayon ko lang maisasama si jet – hehehe. ginamit ko yung frequent flyer miles ko para libre ang flight niya.

one week kami sa beijing kasama ang mga iba ibang kaibigan from the asia-pacific region. enjoy siguro itong trip na ito… medyo malamig ngayon sa beijng. ang forecast ay -6 to 5 deg c. bili nga kami ng winter clothing bukas sa mall. hehehe… ewan kung magamit pa ito. siguro naman ay may ibang trip pa kami next time.

next log ko siguro ay nasa china na kami.

SULAT SA PINSAN

si donna ang pamangkin ko, nasa san francisco ngayon at kasama ang mga pinsan ko… nag-usap nga kami kanina sa phone. namiss ko tuloy sila… sinulatan ko nga si simon, yung pinsan ko. matagal ko na siyang di nakikita. sana next year…

buenas dias senor!

sorry at di ako nakapunta sa iyo nung nagpunta ako sa pomona last time akong na california – yung kasama ko kasi eh nagmamadaling pumunta sa palm springs.

Continue reading