Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

senior citizen aerobics

mainit sa basketball court nung martes ng umaga pero parang hindi ito napapansin ng mga miyembro ng senior citizens club ng villa marcos. sa katunayan, handang-handa na sila sa kanilang lingguhang aerobics class.

limang minuto pagkatapos nilang magsimula ay biglang dumating si aling kres. agaw hininga ito at paiyak niyang isinigaw: “patay na si manang saturnina. inatake siya sa puso habang naliligo kanina!”

nahinto ang aerobics bigla at parang isang barangay silang sabay-sabay na humagulgol sa iyak. kasama kasi nila si manang saturnina at sa maraming pagkakataon pa nga eh siya ang promotor ng kanilang mga aktibidad.

pagkatapos ng animo’y walang katapusong pag-iiyak eh dumating naman si celia, agaw hininga rin at halos mawalan ng malay. “hindi pa patay si manang saturnina” ang sabi niya, “malubha pa lamang daw at agaw buhay sa lanting general hospital ngayon”

nangiti si rosanna at pasigaw na sinabing, “yehey, tuloy ang aerobics!”

Super Duper Fish Head Curry at Kok Sen

lumipat na ako sa amerika pero muli kong binabalik-balikan ang aking pinakamamahal na fish head curry sa kok sen.

dumating kami ngayong gabi at punong-puno ang restaurant pero yung auntie na hindi ako nakita ng tatlong taon ay bukas kamay na sumalubong, nag bigay agad ng lamesa at alam na agad niya kung ano ang gusto kong kainin. hindi nagtagal at naluto na rin ang inorder, kakainin namin ito sa labas ng kalye, pinapawisan dahil sa anghang pero enjoy na enjoy.

powderfinger

una kong narinig ang powderfinger nung lumabas ang rust never sleeps nung 1979. labintatlong taong gulang ako noon – jakolero na pero di pa talagang binata.

pagtapos ng mahigit tatlumpu’t apat na taon, heto na tayo sa 2013 at ‘di pa rin nangungupas ang mga kanta rito. sa katunayan, ang powderfinger ay laman pa rin ng playlist ko hanggang ngayon. electronic na nga lang ang format pero sige pa rin. ‘di ko na siguro ito tatanggalin hanggang sa kunin ako ni baby jesus.