monday morning rush to work. nakatayo sa loob ng train at nagmamasid ng mga pasahero. pasok ang mag-asawang bumbay. isa lang and silyang available para sa kanila. binigay ni mr. ang mga bag sa misis niya at umupo. lumakad ang train. habang lumalakad, nag-uusap sila – si mister nakaupo pa rin at si misis ay may hawak na bag ay nakatayo.
Author Archives: batjay
CHARACTERS
ganda ni tj ano? si tj ay anak ni donna. si donna ay anak ni gigi. si gigi ay anak ni angela. si angela ay mommy ko. lahat sila ay magaganda. pinapatay kasi ang pangit sa amin eh. matalino si tj, mahilig siyang magbasa ng mga libro na bigay ng kanyang mabait na tito jay at tita jet. three years old na si tj. diretso na siyang magsalita at may accent ang english niya na slang na amerikano (di ko alam kung saan niya napulot ito). minsan naman ay sumasayaw din siya. mahilig siyang magpatugtog ng cd (alam na niyang i-operate ang cd player sa bahay) at mayron siyang sariling music collection. pag nag-swimming kami ay ayaw niyang umalis sa pool kahit nanginginig na sa ginaw. magaling siyang kumanta. manang mana sa mommy niya, sa lola niya, lola at lolo niya sa tuhod at sa kanyang mga tito at tita – lahat sila’y may magagandang boses. bukod sa lahat ng mga nursery rhyme songs ay kabisado niya ang “dancing queen” ng abba at lahat ng mga kanta ng sex bomb girls.
luneta, chrismas vacation 2002: from left to right – si kuya bong, lucas, darlene, jet, dennis,axl at si ate lannie. si kuya bong ay classmate ko simula kinder. simula 1972 (30 years) ay kakilala ko na siya at isa sa pinakamalapit kong kaibigan. si darlene ay kapatid ni jet. anak nila si lucas. si lucas ay makulit. nagkakilala si kuya bong at darlene dahil napangasawa ko si jet. pinanganak si lucas dahil kaklase ko si kuya bong simula kinder. si axl ay si axl dahil rocker ang tatay niyang si dennis. si dennis ay bilas ko dahil napangasawa niya si ate lannie na kapatid ni jet. si ate lannie ay interior designer tulad ni darlene. di masabi ni axl ang pangalan niya kaya tawag niya sa sarili niya ay “atoy”. si atoy ay tahimik at parating umiiyak pag nilalapitan ko siya. si axl at lucas ay magpinsan, ibig sabihin nito ay bilas ko rin ang kaibigan kong si kuya bong. lahat sila ay magaganda at guwapo. pinapatay din kasi ang pangit sa pamilya nina jet.
linggo ngayon at family day. dahil family day, ipinapakilala ko sa inyo dahan dahan ang pamilya ko.
ito si mang boy. kapitbahay ko siya sa antipolo. magaling siyang magluto ng bibinka, palitaw at ginataan. hindi ko siya kamag-anak kaya di ko masasabi na guwapo siya. malamang ay hindi pinapatay ang pangit sa kanila kasi buhay pa siya. pero sa kasuwertehan ay maganda naman ang kanyang anak. ganumpaman, katulad ng marami kong kapitbahay sa antipolo, likas siyang mabait, mapagbigay at marunong magpintura, magtanngal ng anay at gumawa ng mga sirang tubo.
disclaimer: (sabi ni jet ay gumawa daw ako ng disclaimer eh dahil baka raw may ma-offend ako, kaya eto…) sabi nila ay “beauty is in the eye of the beholder. sabi rin nila ay “beauty is relative”. kaya, para sa akin na beholder, lahat ng mga relatives ko ay magaganda at guwapo. kung sa tingin ninyo ay di kayo maganda o guwapo, sorry na lang. para kasi sa akin ang kagandahan at kagwapuhan ay hindi lang sa mukha. lahat ng nasa litrato sa taas (kasama na si mang boy) ay tunay na tao. mga magaganda’t guwapo sa aking paningin. in short, yung main lesson ng “the little prince” ang nangingibabaw sa aking definition ng beauty, i.e. what is essential is invisible to the eye. maliwanag ba? ok. bilang panghuli: doon naman sa mga naniniwala na “pinapatay ang mga pangit sa amin”, eto lang ang masasabi ko: mga uto-uto!
ayan, happy ka na my lab?
MPH BOOKSALE
kung taga singapore ka at mahilig kang mag-basa, make sure to visit the Singapore Expo this week-end.
why? it’s the annual MPH bookstore sale!
ito, talagang book sale. hindi tulad sa national bookstore sa manila na 10% lang ang discount. dito sa book sale ng MPH, 10% lang ng value ang babayaran mo. hehehe. i bullshit you not. sa loob ng singapore EXPO ay isang malaking airconditioned na exhibit hall ay pinupuno nila ng libro – hardbound, paperback, magazines, etc. iba ibang genre, iba ibang bansa.
last year, malaking pera nawala sa amin ni jet. hehehe… di naman kami nahold-up. bumili kaming 4 na shopping bag na libro. di naman ako deprived sa libro nung bata ako. talaga lang mahilig kaming mag-basa. and so, ladies and gentlemen, liligo na ako at lalarga na papuntang EXPO (SARS be damned).
pero siyempre, ingat pa rin kami.
MR. GABERTAN – NOTRE DAME OF MANILA HIGH SCHOOL
sa pag-retire ng isang high school teacher: a short tribute to gabby, galing sa mga makukulit at antukin mong estudyante ng notre dame batch 1983
Dear Mr. Gabertan,
Maraming salamat sa natutunan naming history sa inyo. Maraming beses din akong nakatulog sa lecture mo at ilang beses ay nahuli mo ako. One time ay nahuli mo akong natutulog at bigla akong mapatayo sa silya. Di na ako tuloy nakatanggi nang bigla mo akong alukin na sumali sa debating team.
I still remember the debates. I was with Rey Opena and Arnold Ressurection. Our opponents were Ricardo Victorio (our Validictorian), Cornelio Lozada (Salutatorian) and Ricky Magpoc (now a gynecologist, kaya puro pek-pek nakikita niya araw-araw. Di ka ba naiinggit sa kanya sir?). Our debate: “Resolved that Japan be Re-armed”. I won a trophy (as Best Speaker). It was the only one I won in Notre Dame, and, it still holds a special place in my Library at home in Manila. To take part in the debates was probably one of the best decisions I made in High School. It made me a better person. I learned to be more confident speaking (and fighting) with people.
Ingat kayo at sana marami pa kayong magawa after retirement and I wish for you the best. Thank you very much for being part of the group of beloved teachers who’ve shaped my life.
Yours Truly,
Nick David
Letter Number 2:
Dear Mr. Roger,
Thank you din po sa mga history lessons nyo. Kaso nga lang 50% lang ang natutunan ko kasi yung kalahati, nananaginip ako. Minsan nga, sa sobrang sarap ng tulog
ko, bumaha ng laway sa sahig. Nagising lang ako kasi ang lakas ng tawa ni jayjay tsaka ni danny e.
Tsaka pahabol pa po, kung hindi dahil sa inyo hindi ako este kami pala gumaling sa game&watch, 999 score ko.
Ingat kayo at sana marami pa kayong magawa after retirement.
Gumagalang,
Bong Pedro
Letter Number 3:
Dear Sir,
Ako rin ay nagpapasalamat sa history lessons na naibigay ninyo sa amin. Kung hindi dahil din sa inyo, basta basta na lamang akong makakatulog kung saan saan.
Nagkaroon ako nang abilidad na umupo nang diretso kahit na gaano pa ako kaantok. Malakas kasi akong humilik kaya siguradong bistong- bisto mo ako. Natapatan ko ata ang ginawa ni Dolphy sa “Ibong Adarna” para huwag siyang maging bato.
Take care and Good luck sa inyong retirement !!!
Gumagalang din,
Vic Perlas III
MORE THAN A FEELIN'
tangna, sarap ng pakiramdam ko ngayon. ewan ko kung bakit. feeling ko, para akong si maria… “blessed are you among…”. siguro dahil bagong ligo ako. hehehe… bukas ang pc, patay ang tv (ayoko nang manood ng news – puro guerra, puro guerra), tumutugtog si gershwin ng “someone to watch over me”, si jet nakaupo sa dilim sa likod ko’t nag mu-muni-muni. patay lahat ang ilaw except yung lamp dito sa tabi ko. sarap man. ayoko pang matulog…
MORE THAN A FEELIN’
tangna, sarap ng pakiramdam ko ngayon. ewan ko kung bakit. feeling ko, para akong si maria… “blessed are you among…”. siguro dahil bagong ligo ako. hehehe… bukas ang pc, patay ang tv (ayoko nang manood ng news – puro guerra, puro guerra), tumutugtog si gershwin ng “someone to watch over me”, si jet nakaupo sa dilim sa likod ko’t nag mu-muni-muni. patay lahat ang ilaw except yung lamp dito sa tabi ko. sarap man. ayoko pang matulog…
SARS UPDATE AGAIN
News Flash..”di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng Ruby Blade Pomade, ang Pomada ng mga Nag-aahit… ding-dong (sound epeks ng time check)…
BALITANG SINGAPORE: patuloy pa rin ang pagka-nerbiyos ng mga tao rito dahil sa SARS. takot na takot ang mga singaporean sa mga taong naka-puti. lahat ng mga nurse dito sa isla ay kawawa. tumutulong na nga sila sa mga maysakit, pag uwi pa nila, iniiwasan sila ng mga tao sa bus at train. yung ibang mga housing blocks daw, may mga sign na nagsasabing bawal gumamit ng elevator ang mga nurse at baka ma-contaminate daw. may isang buntis (7 months) na nurse ang nagreklamo: “paano na ako, buntis ako ng 7 months. hindi ko na kayang gumamit ng hagdanan papunta sa bahay ko sa 7th floor”. (hindi po marunong magtagalog ang mga singaporean, trinanslate ko lang).
anyway, tangnenek talagang ibang mga tao rito – nagseserbisyo na nga ang mga nurse para sa bansa, minamata pa nila. abangan ang susunod na balita.
SARSaPraninglia…
medyo at edge ang mga tao rito ngayon sa singapore. halos lahat ng tao ay natatakot sa Severe Acute Respiratory Syndrome ( or SARS). ramdam na ramdam mo ito sa mga bus at train. ang mga tao ay di mapakali. may uubo lang eh, naglalayuan na sila. may hahatsing? naku, kulang na lang tumakbo ang mga katabi.
malapit nang ma-praning ang mga tao rito.sa dyaryo ngayong umaga, 9 pages ang devoted sa SARS at 4 pages lang ang sa gulf war. sa office last monday, nag meeting ang mga boss at pinagusapan ang mga contingency:
- lahat ng galing sa hong kong ay may 10 day leave na free
- walang pupunta sa china this month
- sa business group ko – walang travel this month, period
- lahat ng nag sick leave the past two weeks ay pinapa-imbestigahan
- may sanitary soap na sa lahat ng mga pantry
- maraming memo about safety and precautions
INSTRUMENT ENGINEER
nung araw, may nagtanong sa aking kaibigan kung ano ang trabaho ko. sabi ko – “instrument engineer”. sabi niya sa akin: “marunong ka bang gumawa ng gitara?”. hehehe… simula noon di ko na nilalagay ang “instrument” doon sa engineer pag may nagtatanong.
sinasabi ko na lang – “engineer” po ako. pag may namilit kung anong klaseng engineer, sasabihin ko: “systems engineer”. pag tinanong pa ulit kung anong system, ang sagot ko: “automation and controls”. pag nagpursige pa sa tanong na, ano ang ino-automate, idadagdag ko: “mga process sa factory at planta”. pag tinanong kung anong klaseng process, sagot ko: “temperature, flow, pressure, pH, level, etc.”. eh, isa pang tanong, ano ang kino-control. tugon ko: “mga motor, valves, heating elements, etc”.
aaaaaahhhh…. (mag-iisip ng matagal) sabay bigkas: ano na nga ulit ginagawa mo?
MAHILIG AKO SA COMICS
simula pagkabata, nahiligan ko nang magbasa ng mga comics. naalala ko pa nung araw, pupunta kaming “downtown” (avenida or sta. cruz para sa mga bagets) ng daddy ko, para lang bumili ng mga comics. batman at superman ang paborito ko. naalala ko pa ang daddy ko, nakasimangot siya pag nag-lambing akong bumaba sa sta. cruz dahil napaka-hirap sumakay ng jeep doon dahil maraming tao (yung kanta ni ryan cayabyab na limang dipang tao, tutuo yon!). pero dahil ako si bunso, pinagbibigyan niya ako parati. kaya every month ay may comics ako!natigil ito nang umalis siya dahil may nakilala siyang ibang chickababes. medyo naghirap ang buhay namin at nawalan ako ng pambili ng comics at siyempre naging abala ako sa mga ibang bagay (like growing up fast).


