Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

THE PINK URINAL OF MANILA

my pink urinal

eto na ngayon ang pumalit sa mga “BAWAL UMIHI RITO” signs sa metro manila: mga pink na urinals. tuwang tuwa nga ako nung una ko itong makita. ang galing. tayong mga pinoy lang ang makaka-isip ng ganito. at pink pa ang kulay – with polka dots! hehe. paano ba ito gamitin? simple lang. “no frills”, ika nga nila. enter, take cover, pee, leave. yon lang. eto ang procedure:

1. pasok ka through the right side (doon sa may nakalagay na “MA-002”), 2. harap sa kaliwa, 3. buksan ang zipper, 4. ilabas ang pototoy at umihi sa sahig (pagmasdan ang medyo basang sahig sa lower left).

magkakaron kaya ng female urinal? kung ako ang gagawa ng design, lalagyan ko ng mga monkey bars para pwedeng lumambitin. dapat din sigurong lagyan ng pinto para may privacy. teka, masalimuot ang mga design considerations. kailangan pag-isipan itong maigi.

MUNTIK KO NANG MAIWAN ANG SANITY KO SA NAIA KANINA

chaotic kanina sa naia. sa labas pa lang eh ang haba na ng pila. pagkuha pa lang ng pushcart eh life and death struggle na. hehe. sabi sa dyaryo, magbigay ka raw ng extra 30 minutes doon sa normal na three-hour check-in requirement. how true. dumating kami ng 2 and 1/2 hours before the flight eh natapos kami sa processing, 15 minutes before take-off na. pag dating nga namin sa gate ng singapore airlines eh boarding na. di tuloy ako nakabili ng dried mango at ube ice cream na kinalolokohan ng mga singaporeans.

kanina siguro ang pinakamahirap na departure ko sa pilipinas. in the heat of it all, parang gusto mong sumpain ang naia. parang ayaw mo nang bumalik sa pilipinas. hehe. drama lang yon. nung lumamig nang ulo ko, tinanong ko sa sarili ko kung babalik pa ako sa pilipinas kahit na napakihirap sa airport. ang sagot ng aking kunsensya ay isang malakas na: OO, kahit si satanas pang sumalubong sa akin sa airport kasama ang sanlibong bumbay na may anghit, uuwi pa rin ako!

BAGONG TAON POSTSCRIPT

bukod sa marami na namang nasunugan, natamaan ng mga ligaw na bala at naputukan sa iba’t ibang parte ng katawan nung “relatively peaceful” new year (“relatively peaceful” my pwet!), ang pinaka weird na news ay yung napanood ko sa MGB kanina: isang lalaki ang naospital dahil kinagat ng kainuman ang kanyang tenga. ang sabi sa interview eh nag-away daw sila dahil walang pulutan.

TOKWA'T BABOY ONE LAST TIME…

narito ako ngayon sa bahay, nagesesnti. medyo malungkot dahil bilang nang araw namin dito sa pilipinas. sa lunes, lipad na kami pabalik ng singapore. para bigyang dahilan ang pananatili namin doon, iniisip ko na lang na “weathering the storm” lang ito. balang araw dito na talaga kami sa pilipinas for good. sayang, kung patas lang sana ang labanan, di ako aalis. kagabi, kasama ko ang mga barkada ko. pinag-usapan namin ang aming mga collective futures. marami sa kanila ang nag-iisip na ring umalis. the best and the brightest people i know are seriously thinking of moving out. pakingsheet. i’ve moved out earlier than them. a fact that fills me with guilt sometimes. di ko alam. minsan iniisip ko kasi, swerte ako dahil kumikita ako ng maganda samantalang…. fill in the blanks: a. marami akong kaibigang naghihirap dahil walang opportunities, b. di pa rin nawawala ang poverty sa bayan ko, c. di ko maasikaso ang mga kamag-anak kong maiiwan.

Continue reading

TOKWA’T BABOY ONE LAST TIME…

SI IDOL IBET, SI BOSS TEDDY AT ANG ARAW NG KAMATAYAN NI RIZAL

isa sa highlights ng pag-uwi namin ni jet ay ang makasama ang mga iba’t ibang tao na nakilala namin over the year through the internet. karamihan sa mga nakatagpo namin ay mga kaibigan ni jet. siya na siguro ang bahalang magkwento sa mga encounters namin with them. ako, dakilang driver lang at tagahatid sundo sa kanya. pero mayron kaming mga mutual friends tulad ni ayeza at in a way si neil na i was glad to meet. si belle, ang idol kong makata ng UP ay nakita ko na rin sa wakas. binigyan pa nga niya ako ng “university of the philippines” t-shirt which i proudly wore yesterday. si tanya (ang producer-director) rin with nick, (coming all the way from ilocos) met us on the 29th and we had a great time exchanging stories.

Continue reading

KATAKAWAN DOES NOT PAY

christmas day, 2003 will forever be remembered as a day of infamy. naimpatso ako dahil sa sobrang katakawan. bwakanginangyan. napagtripan ko kasing kainin ang crispy pata at barbeque sa bahay ng parents ni jet. masakit pala ang hindi matunawan. all afternoon hanggang sa pagtulog ko eh mahapdi ang aking sikmura. nag maneho nga ako from novaliches to antipolo tilted side view na parang jeepney driver sa pilipinas.

ngayon lang nangyari ito sa akin as far as i can recall. kinuwento ko nga sa mommy ko kaninang umaga dahil nag-alala rin siya. sabi niya, nung bata ako eh parati raw akong naiimpatso at nilalabatiba nga raw nila ako para ako matae (excuse me, hehe). perhaps, it’s my body’s way of telling me to slow down. i just turned 38. kailangan mag ingat na ako if i want to enjoy my retirement later on.

anyway, ok na ako ngayon pero sabi ni nurse jet eh wala raw akong solid food for the whole day. dang. question: yung kare-kare ba eh considered na solid food?

PLANT YOUR LOVE AND LET IT GROW

nip, cut, trim and simplify. gardening is so much like life. less is more. the main objective is to reduce the garden to it’s simplest form until only the essential remains and a sense of order emerges. however, some plants are born to be wild (like me) so don’t forget to let loose a few and let it grow semi-gubat. you don’t want your garden to be all organized and proper. that’s too boring. did i mention simplify?

read all the gardening books you can find to get a few tips. you’ll soon find out however, that experience is the best teacher. some plants will live, others will die (ok ka lang? ganyan talaga ang buhay). those that thrive however will show you the way. a garden is a perpetual work in progress where everything evolves and grows. add new plants from time to time but pay attention to the older ones. especially the ones that you had when you started. these plants are special and more often than not will stay with you till the day you die.

before i forget, don’t spend too much time under the family tree. life is so much richer out in the open with the wind at your back and the sun turning your skin into golden brown (like my kutis betlog). did i fail to mention simplify? nip, cut, trim and simplify. gardening is so much like life.

'D GREAT BIG "SEND-OFF TO HELL" BREAKFAST

kung ikaw ay nasa death row at bukas ng umaga nang bitay mo, eto ang masarap na last meal. pwede itong kainin na one ulam at a time per breakfast. pero sa katulad kong matakaw, mas maganda pag nakahain siya ng sabay-sabay. this is my all time favorite pinoy breakfast. isa-isahin po natin ang aking menu:

1. hot pandesal with prinitong kesong puti. bili ka lang ng kesong puti along the highway in any town sa laguna. ang sikreto sa masarap na kesong puti ay i-prito muna siya ng mga 20 seconds, preferably sa isang teflon pan para walang mantika. flip once over tapos ipalaman na agad sa pandesal. medyo malambot na ito by this time and will melt in your mouth pagka subo.

2. garlic rice. left over kaning puti from dinner of the previous night, mas maganda pag may konting tutong. lots of garlic. i-prito hanggang medyo golden brown na ang kanin.

3. langgonisang lucban. para talagang authentic, ikaw na mismo ang bumili sa lucban, quezon. take the backroads of rizal, up the mountains of pagsanjan para maganda ang view, wala pang traffic. mas gusto ko yung medyo malaking size na langgonisa. prito till crispy outside, wet and juicy inside.

4. daing na espada from pangasinan. fried extra crispy para makain pati ulo, buto at buntot. eto ang medyo pang harmonize sa langgonisa – parang counter point kung baga. marami nito along the highway going to baguio or ilocos.

5. paksiw na tiyan ng bangus. parang adobo, ang paksiw ay masarap kung isang linggo nang nailuto at continously mo na lang na pinapainit. by this time, halos wala na itong sabaw at maasim na maasim na ang lasa ng tiyan ng bangus at sahog na gulay. samahan mo na ng sawsawan na patis, durugin dito ang sili na ginamit sa pag gawa ng paksiw.

6.pritong itlog. sunny side egg, gawing toppings sa sinangag. basagin ang pula sa kanin at ihalo halo. kung medyo oragon ka eh, lagyan ng ilang patak na green tabasco.

7. sukang iloko. home made sukang iloko na galing sa ilocos ang pinakamasarap na sawsawan sa langgonisa at daing na espada. haluan ng isang maliit na siling labuyo para may sipa. damihan ang suka para pag bitin ka eh pwede mong higupin ito ng kaunti.

o, ano pang hinihintay nyo? kain na tayo!

‘D GREAT BIG “SEND-OFF TO HELL” BREAKFAST