Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

WEEKEND PARENTING

ang maugong na balita ngayon sa dyaryo dito ay ang patuloy na problema sa mababang birth rate ng singapore. in spite of all the incentives na bininigay para sa mga mag-asawa na magparami ng anak, di pa rin nila ma-abot ang kanilang target na 2.1 babies per married couple to sustain their growth. last year was a historic low with only 31,171 babies being born or something like 1.2 babies per couple, which is exactly the average dito sa aming office. lima ang singaporean na may may asawa. doon sa lima, isa lang ang may dalawang anak. the rest are couples with one child.

ang naririnig kong reklamo ng mga ka-opisina ko ay ang malaking gastos sa pagpapalaki ng kanilang anak. singaporeans (like filipinos) have close family ties at normal for children na magpatuloy tumira sa bahay ng kanilang mga parents until they get married (15% of singaporeans between the ages of 40-44 are single. wow!). mahirap din ang child care for parents who both work and cannot afford a full time nanny.

dahil pareho silang nagtatrabaho ng kanilang mga asawa, yung dalawa sa officemates ko resorted to having their newborn babies being taken cared of by other people. ganito ang ginawa nila: nag avail yung sila ng nursery services malapit sa bahay nila, para may mag-alaga ng kanilang anak during the weekdays. nandoon yung bata, araw at gabi from monday to friday. kinukuha lang nila pag biyernes ng gabi. tapos, they return the child sa nursery ng sunday evening. in effect, mga weekend parents lang sila.

don’t ask me how they do it. i mean, hindi ko alam kung paano nila na te-take na wala sa tabi nila ang kanilang anak. ganoon lang siguro talaga – you train yourself to bear the absence of your children para makamit mo yung mga pinapangarap mo para sa iyong pamilya. ganon din naman ang karamihan nating mga sellout na OFW di ba? naiiwan ang asawa’t anak sa pilipinas para magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya.

PISO NA LANG NASA IMPYERNO NA

nagpunta ako sa ministry of manpower kanina para ipa-transfer yung employment pass ko from my old to new passport. medyo malayo ito sa office kaya mga 11:30 pa lang ng umaga ay lumarga na ako. mahaba ang pila kaya mga 2:00 na ako hinarap ng processing officer. impressed nga ako sa service nila dahil inayos nila yung request ko in less than 5 minutes. sa harap ko pa ini-stamp at pinirmahan ang work permit ko sa bagong passport. palapit pa lang ako ay nakangiti na ang staff. either mabait talaga sila o nakakatawa ang mukha ko.

mahaba rin ang nilakad ko from the train station to the manpower office kaya nakabilad ako sa araw ng matagal. gusto ko na ngang mag shower para matanggal ang paninikit ng aking buong katawan. isasama ko na rin sa pagligo ang aking singit na kanina pa kinikiliti ng tumutulong pawis. eto lang ang masasabi ko tungkol sa panahon ngayon: bwakanginang sobrang init dito!

naalala ko tuloy one summer day, nung college ako: nagreklamo ako sa init sa loob ng classroom. from out of nowhere, biglang may sumigaw ng – “FREYZ GOD, BRADER! MAS MAINIT PA RITO SA IMPYERNO, KAYA MAG BALIK LOOB NA KAYO KAY LORD JEEEE-SAZ!”

THERAPY

ito ang typical park sa singapore. masarap lakaran o kay pag bisikletahan. maraming puno at maraming mga park bench kung saan pwede kang mag pahinga. kaunti lang ang nagpupunta sa mga park pag regular days kaya masarap ditong mamasyal para mag muni-muni.
labas sa oras na magkasama kami ng aking asawa, the most relaxing part of my day is my early morning walk and evening “bisikleta ikot ng ikot hanggang mahilo” routine. ginigising ako ni jet sa umaga ng mga 6:15 at naglalakad ako around our block ng mga 30 minutes. sa gabi naman, nag bibisikleta ako ng 9:00 hanggang 10:00. altough ang main goal ko ay mag loose ng weight (which is not as easy as it used to with a 38 year old body refusing to metabolize), ang offshoot of all this activity is that i have time to spend alone.

maliwanag pa sa singapore ng mga 7:00 pm kaya pag naka-uwi ako ng maaga (say 6pm), may oras pa akong pumunta sa beach in my bike. ang weekday beach run sa takipsilim ay magandang opportunity for reflection. bukod sa mga nagpupuluputan na mag-syota (get a room, will ya!) at mga matatandang joggers, walang masyadong tao sa paligid.

madilim pa pag lumalabas ako sa umaga ng mga 6:15. di naman ako natatakot. wala namang gagalaw sa akin dahil malaki akong tao at saka puro supot ang mga magnanakaw sa singapore. yung mga matatanda lang kasi ang mga ninanakawan nila. pero nung isang araw muntik na akong atakihin sa puso. nung maglakad kasi ako ng early morning may nakasalubong akong isang lady in red na tumatakbo. dahil maraming puno, naglaro yung light and shade sa katawan niya at nagmukha siyang multo na parang may umaagos ang dugo sa kanyang t-shirt. literally, napatalon ako sa takot. muntik na akong napasigaw at naihi sa salawal. ngayon lang ako natakot ng ganon. nasobrahan na ata ako sa kape.

NAGPUNTA SA EMBASSY PARA MAG-RENEW NG PASSPORT

nagpunta ako kanina sa philippine embassy. bilibitornot, eto ang aking first time na bumisita rito after close to three years of living here. pero kung sabagay, yung mga pinsan ko nga dalaga’t binata na yung mga anak, di pa nakakapunta sa embassy natin sa america kahit minsan. napuno na kasi yung passport ko at kailangan nang palitan ng bago. may trip ako next month after the holy week break sa japan, korea, china. three countries, three visas. hirap din ng pinoy minsan, you have to get visas to almost all the countries save for the ASEAN members.

mabait at efficient naman ang staff ng embassy natin sa singapore. wala pa akong 20 minutes na nag fill up ng forms, nag pa xerox at nag bayad ($120 ang fee – that’s 3,600 pesos. mahal kaayo! hehe). makukuha ko na ito bukas ng alas 4 ng hapon. bilib talaga ako sa bilis nila.

yung embassy natin at nasa number 20 Nassim Road, right beside the japanese embassy. ito’y nasa 2 story bungalow. they have a big yard with tables and a basketball court. akala ko nga mga pinoy din ang mga sekyu. hindi pala, mga bumbay sila pero mababait naman. itinuro pa nga sa akin kung saan ako pwedeng umihi. akala ko nga sa pader, hindi pala. hehe (bawal umehe sa padir. ang mahole, bogbog!)

all in all, happy ako. nakapasyal ako sa embassy natin sa wakas, at may passport na akong bago bukas. aba nag rhyme pa, parang tula.

NEW LAYOUT

maraming salamat sa ninang kong si ate sienna, ang chief cook ng “Pansitan.net – Ang Tambayan ng Bayan”. ang bagong layout na ito ay nagmaterialize through her manilena web designs. ang galing galing galing mo talaga ninang.

ang ganda ng caricature ni jet ano po? siyempre ang guwapo ko rin. sa mga di nakakakilala sa akin, ako yung mukhang aso sa may upper left ng screen. yung katabi ni jet sa caricature ay ang kapatid na bunso ni tom cruise.

maraming salamat din kay boss idol dengcoy miel for the cartoon. siya ang kaibigan naming pinoy na world class artist who works for the singapore straits times.

COUNTER FLOW

eto true story na nangyari nung 1977, grade 4 ako nito: hinuli kami ng pulis dahil nautot ako sa loob ng school bus. nasa harap ako nakaupo at napa-utot habang papalabas kami ng grace park (sa kalookan city) going to EDSA. dahil sa sobrang bahu, nalito yung driver namin. imbis na mag right turn siya sa EDSA going to balitawak ay nag counter flow siya by turning right doon sa lane papuntang monumento.

muntik na nga kaming mag head-on collision doon sa isang JD liner na bus. buti na lang naka-iwas yung driver. ang hindi naiwasan ay ang pulis na nakaabang na sa amin. pinara kami at kinuha ang lisensya ng driver. galit na galit siya sa akin at sinisisi ako sa nangyari. simula noon, di na niya ako pinaupo sa harap ng sasakyan.

AN OLD FARTING TRICK

this is a great trick pag ikaw ay nauutot at gusto mong magpatawa. lalo na para sa mga unsuspecting na mga pamangkin during family reunions. ang tawag ko rito ay “the sprained finger fart”. simple lang itong i-execute pero kailangan mo ng practice sa timing. ganito yon… pag alam mong mauutot ka na, punta ka sa mga grupo ng mga pamangking naglalaro. pretend na na sprain ang daliri mo at i-request mo ang isa sa mga pamangkin mo na hilahin ito para mawala ang sakit. maganda umarte arte ka pa ng kaunti, sabay: “paki hila mo nga ang daliri ko, na sprain ata. ang sakit”.

pag hila ng bata sa daliri mo, sabayan mo ng malakas na utot. pagmasdan ang pagtingin sa iyo ng mga bata in total admiration. their amazing uncle’s fingers crack with a different sound.

THE MEASURE OF LOVE IS TO LOVE WITHOUT MEASURE

you know it’s time to get married when… umutot ka nang pagka bahu-baho sa harap ng boyfriend mo at di man lang siya natinag. ni di man lang nag takip ng ilong at buong buo niyang tinanggap ang amoy.

that’s love baby – the unconditional kind. kalimutan nyo na yung mga sinumpa sa inyong “susungkitin ko ang mga bituin para sa iyo” and all that crap. pag pumasa siya sa ultimate test na ito, pakasalan nyo na agad. siguradong di kayo iiwan ng mga iyan.

AKO AY TSISMOSONG PINOY SA TRAIN

dito sa singapore, madali ka lang makakakita ng pinoy especially sa public transport tulad ng bus o train. sundan mo lang yung ingay.

kadalasan ang mga pinoy dito share flats to save on rent money. sabihin mo nang $1000 ang rent. kung apat kayo, tig $250 lang ang ambag. bukod sa naka tipid, may kaibigan ka pa na mauutangan pag na short ka ng padala sa pilipinas. since sama-sama sa tirahan, sama-sama ring umaalis papuntang opisina. kadalasan magka opisina rin kasi ang mga flatmates. this is why filipinos in singapore typically travel in packs.

sa train ko madalas makasabay ang mga pinoy. dahil tahimik sa loob, from 20 meters away, maririnig mo na ang malakas na pag-uusap – kung ano ang ulam nila kagabi, kung sino ang uuwi sa pilipinas. muntik na akong lumagpas once dahil i was listening intently sa dalawang pinoy. pinagkukwentuhan kasi nila yung ilong ng kaharap nilang pasahero.

ako? masaya lang na nakikinig. ito ang isa sa aking paraan upang maibsan ang pagka homesick: ang matawa sa mga kwentong pinoy sa loob ng train.

"EL BIMBO" PAG UMUULAN

what’s the word for feeling melancholic and happy at the same time? umuulan kasi ngayon dito sa singapore at ganoon ang nararamdaman ko. ak-shu-ly, it’s been raining non-stop for more than 24 hours. a rare occurence para sa isang (suwerteng) bansa na walang bagyo, lindol at volcano. pag ganitong ma-ulan, naaalala ko na naman ang pilipinas at yung mga masayang growing up years during the 1970’s. pag may bagyo at walang pasok, nahihiga lang ako sa kama ng buong araw at nagbabasa o kaya, i “spin the black circle” (naalala nyo pa ba yung mga itim na vinyl disks na yon? di pa naiimbento ang CD nung araw eh). mag di-digress tuloy ako.

nung mga ’70s, tuwang tuwa ako sa mga sayawan sa probinsya. kumakaskas pa lang yung karayom sa plaka, tayuan na at halos magtatakbo yung mga lalaki para kumuha ng mga partner nilang dilag. nung time na ‘yon, nauso ang dance craze na “salsa” at ang pinakasikat na salsa song ay ang walang kamatayang “El Bimbo” (malamang, dito galing ang kanta ng e-heads na “HULING EL BIMBO“). kinakanta namin ang “el bimbo” nung araw pero dahil spanish, nilalagyan na lang namin ng sariling lyrics: “el bimbo salsador… BIMBO! BIMBO! mahilig mag jakol…BIMBO! BIMBO!”

the word for feeling melancholic and happy at the same time? it’s called nostalgia.