nakakasenti ang larawan na ito. siguro, dahil binabalik niya ako sa panahon when life was less complicated. kinuha ito nung early 70’s, kasikatan ng tambalang guy en pip. ako’y nasa elementary pa lang at isang uhuging batang makulit (ang batang makulit, di pupunta sa langit). mga 8 years na sa akin ang larawang ito. sa sobrang tagal, ni hindi ko na nga alam kung sino ang nagbigay sa akin. hindi naman ako talagang fan ni nora aunor pero eto ako na parang siraulong nagtatago ng lumang litrato ng isang tambalang sikat nung aking wonder years. i don’t know why i still keep it. perhaps because it helps me look back and remember all the faces and places that have been part of my life. ang pinakapaborito kong pelikula ni ate guy ay ang “himala” kung saan parati ko na lang siyang ginagaya, lalo na pag nasa loob ako ng banyo. bilang pang-aliw, uupo ako sa trono at sisigaw ng – “WALANG HIMALAAAA!“.
Author Archives: batjay
ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE
dalawang araw na akong nagbibisikleta papasok sa trabaho. so far, ok naman. mabilis akong nakakarating sa opisina at maaga akong nakakauwi. nakakatipid ako ng pera at mas healthy pa. pakiwari ko, mga 6 months pa, pwede na talaga akong maging star performer sa gay bar. parati kong sinasabi ito – biking is exhilarating. pero bukod dito, binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect. this is important kasi ang dami mong bullshit na natatanggap as you do your work and the time spent alone to think clearly is precious. ito ang listahan ng mga natutunan ko habang nagmumuni-muni pag nagbibisikleta…
The first cut is the deepest, baby I know
rite of passage ng halos lahat ng mga lalaking pinoy ang magpatuli. o sige, isama na rin natin ang mga sister natin na bading dahil tinuli rin naman siguro sila. kadalasan ang schedule ng tuli ay during summer vacation, ie, the months between march and june. it is a long enough vacation para gumaling ng husto ang sugat na dulot ng pagputol ng balat (foreskin) at ng pagtahi. masakit ba ang magpatuli unkyel batjay? ang nagtuli sa aming mga magkakaibigan sa novaliches ay ang aming neighborhood doctor na si dr. paras. may anesthesia kaya hindi masyadong masakit. i would say uncomfortable. i can still remember everything that happened during that day, 27 years ago. packingsheet ang tagal na pala! yung subdivision namin ay nahahati ng tullahan river, at ang kabila ng neigborhood namin ay literally bulacan. nung 1970’s, probinsya pa talaga ito kaya ang mga kaibigan namin sa kabilang ibayo ay tinuli by “place your dick in the chopping block, hit it with an itak, sabay talon sa ilog” method. ang problema ay napaka unreliabe nito dahil hindi doctor ang gumagawa ng procedure (nagkakatay ng baboy ang nagtutuli? hindi naman siguro) at hindi sanitary kaya malaki ang posibilidad ng infection (pangangamatis ang tawag namin dito) or much worse maaaring ikaw ay maging “sungaw”. sa mga hindi nakakaalam, ang sungaw ay titing tinuli na bumalik sa pagkasupot. mayron mga kapitbahay kaming taga bulacan side na tinuli ng itak na naging sungaw. dumadayo pa sila sa amin para ipa-repair kay doctor paras. naawa nga ako sa kanila kasi alaskado sila ng husto. katulad ng supot, masakit masabihan ng sungaw.
LABINDALAWANG DIRTY FINGER
GENTLE READER: dear unkyel batjay, bilang isang OFW, ano ang masasabi mo sa case ni major general garcia, sa corruption in general at sa pagnanakaw sa pilipinas?
BATJAY: allow me to beat around the bush, gentle reader. alam mo, mahirap talagang mabuhay ng marangal. karamihan sa atin, kailangan pang umalis ng pilipinas para lang may makain. yung iba nga, nagpapakaputa pa. marami ang nagdurugo ang puso dahil walang maibigay na sapat na pera para maipagamot ang mahal nila sa buhay… tapos maririnig mo na lang, milyon milyon ang ninanakaw ng kung sino sinong mga tao. tanginangyan. eto ang alay ko sa kanila… a curse: “may you all die slow painful deaths”. masyado atang brutal. eto na lang: labindalawang version ng paborito kong “ngatain ninyo” finger trick.
For all eternity I think I will remember that icy wind that's howling in your eye
kanina, nag empake na si jet ng mga damit ko. hindi po niya ako pinalayas. dinala ko lang dito sa opisina kasi nagdecide na nga ako na starting monday ay magbibisikleta papasok sa opisina. nakahanda na ang lahat – may sabon, conditioner na at shampoo (paano daw bang bumili ng shampoo sa cebu? sagot: “mayroon ba kayong sham-puday? “). ang lahat ng gamit ko ay nilagay ko sa ilalim ng aking work table. wala namang daga rito kaya safe ang aking seksi polka dot bikini brief (awa ng diyos, hindi pa naman ito nagtututong). may kasabay na akong taga rito na dutchman (dutchboy siya nung siya’y bata pa, pero hindi ko alam kung magaling siyang magpintura. naku nagiging corny na yata ako). matagal ko na siyang nakikitang nagbibisikleta papasok. in his case though, nakabihis na siya at hindi na naliligo. hindi ko alam kung ano ang amoy niya pag malapit at ayoko itong malaman. some things are better left un smelled. so starting next week pag nagawi kayo ng east coast ng singapore at may nakita kayong isang lalaking golden brown na nagbibisikletang parang sira ulo sa ilalim ng matinding init ng araw… ako yon.
For all eternity I think I will remember that icy wind that’s howling in your eye

Racin' with the wind
pinag-iisipan ko pa ngayon kung magbisikleta na lang papunta sa opisina. sinubukan ko nung tuesday at ok naman. tingnan natin ang pro’s and cons: it takes me just 20 minutes from home to office by bike, as opposed to 40 minutes by bus and train. makakatipid ako ng halos $90 a month (halos 3000 pesoses) – ito ang cost ng pamasahe ko papunta’t parito. tapos gaganda pa ang katawan ko dahil sa extra exercise. gusto ko kasing mawala ang tiyan ko para maging katulad ako ni eddie murphy doon sa pelikulang “nutty professor” nang una siyang maging payat: looking down, nakita niya na wala na siyang tiyan kaya bigla siyang napasigaw ng – “I can see my dick! My dick“. hehehe. anyway, ang total distance ng home to office and back is around 20 kilometers. not a bad workout for a middle aging overweight loosing hair pinoy male like me. ano ang mga cons? hassle yung pagdadala ng damit sa opisina. malaking abala rin ang pag ligo dahil although may showers, wala namang locker rooms para taguan ng damit at bihisan. isa pa, mainit sa umaga at lalong iitim ang aking kutis betlog na balat. ano bang gagawin ko?
Racin’ with the wind

Wonderful baby, nothin' to fear. Love whom you will, but doubt what you hear
BATJAY: ano ang sinabi ng doctor nang pinanganak ako?
GENTLE READER: tangina, ang pangit namang bata nito!
BATJAY: GAGO!
GENTLE READER: sirit
BATJAY: it’s a bouncing baby boy with super big balls of steel!
GENTLE READER: tagalugin mo nga…
BATJAY: naku, isang tumatalbog na lalaking sanggol na may malaking betlog na bakal!
Wonderful baby, nothin’ to fear. Love whom you will, but doubt what you hear