Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

“Men have forgotten this truth,” said the fox.

ang buhay ko nitong past three days ay parang prototype ng magiging buhay ko pag semi retired na ako. balak sana namin ni jet, 5-10 years pagkatapos naming mag abroad ay mag semi retire na pero mukhang nagbabago na ang plano namin dahil sa bwakanginang problema sa bayang magiliw natin pero that’s another story. para na nga akong domesticated animal husbandry itong mga nakaraang araw. dito lang ako sa bahay – nagtatrabaho every now and then. natutulog pag inaantok. sumisilip sa internet. inaasikaso ko rin ang mga halaman ko pag huminto ang ulan. nakikinig ng radio habang kumakain ng hot pandesal na may palamang reno liver spread. nanonood ng balita at nakikipag kulitan – ginagaya ko ang boses ni mike enriquez pag kinakusap ko ang mga kasama ko rito. subukan ninyong sabihin ang “anna banana, maghanda ka na ng hapunan” sa style ng pagbabalita sa GMA 7 kung di kayo matawa.

kaya all things considered, ok na rin. masaya ako at contento (i.e. always busog, sometimes tulog). i would trade my high speed internet in singapore for a chance to spend some time in my garden. altough sa sobrang bagal ng connection ko rito eh napipilitan tuloy akong mangulangot habang naghihintay na bumukas ang mga website.

We could learn a lot from crayons; some are sharp, some are pretty, some are dull, while others bright, some have weird names, but they all have learned to live together in the same box

our good friends in singapore sa PICTURE #1 above: from left to right, top to bottom - amor, jenn ang miss canada ng singapore, tin ang marikit, mylabopmayn jet, leah potpot, eder, growen at ron (click nyo na lang para lumaki ang pic) sa amin ni jet, talagang importante ang mga kaibigan. bukod sa pwede mong mautangan eh masarap talaga silang kasama sa mga lakad. masarap kakwentuhan, lalo na pag may problema at hindi sila tatakbo kahit malakas kang humilik. pero siyempre aalaskahin ka nila (e.g “putanginang hilik yan daig pang tambutso ng palyadong motorsiklo”). parte na yan ng buhay at isa sa mga nagbibigay ng kulay sa pakikpagkaibigan. pag alis namin sa singapore sa sunday, ang isang magpapasakit sa puso ko ay ang malayo sa mga kaibigan na nakilala namin sa singapore. kung iiyak ako pagsakay sa eroplano eh dahil mami miss ko ang magagandang babaeng kita pusod masarap na pagkaing maanghang ang mga kaibigan namin. mayroon ding mga maanghang na babae rito pero hindi ko sila mami miss. ngyehehe.

our good friends in singapore sa PICTURE #1 above: from left to right, top to bottom – amor, jenn ang miss canada ng singapore, tin ang marikit, mylabopmayn jet, leah potpot, eder, growen at ron (click nyo na lang para lumaki ang pic).

Continue reading

We could learn a lot from crayons

The story of life is quicker then the blink of an eye, the story of love is hello, goodbye

last day ko na sa opisina kanina. isa isa kong binalik ang mga gamit ko – susi, computer, cell phone at kung ano-ano pa. pang huli kong sinauli yung ID ko na may security access na siyang ginagamit ko sa pag pasok sa opis araw-araw. ito na ang final link ko sa trabaho. alam ko kasi pagka surrender ko nito, hindi na ako makakapasok sa opisina. malungkot din pala. apat na taon din ang itinagal ko rito. kahit papaano, napalapit din ako sa mga kasama ko. kahit na hindi pa ako umaalis ay pinag aagawan na nila ang mga gamit ko. hehehe, mga kupal talaga. bilang “mi ultimo adios” eh nag bigay ng farewell lunch ang boss ko – kumain kami sa isang chinese restaurant malapit sa opis at dimsum ang nasa menu.

natural na sa mga farewell lunch ang magbigay ng speech na puno ng mga importanteng lessons para sa mga iiwanan. para sa farewell speech ko eh, itinuro ko sa kaopisina ko na “adidas” ang tawag sa pilipinas doon sa chicken feet na kinakain namin doon sa dimsum lunch. kasi, ang explanation ko, yung paa ng manok ay nahahawig sa logo ng adidas. ayun, by the end of the meal, adidas na rin ang tawag nila rito. pakiramdam ko tuloy para akong nasa recto at kasama ang mga barkadang kumakain sa bangketa dahil panay ang dinig ko kanina ng “please pass the adidas”. yan na siguro ang legacy ko rito.

good bye singapore opis. bagong mundo na naman in three weeks time.

The story of life is quicker then the blink of an eye

Courtship consists in a number of quiet attentions, not so pointed as to alarm, nor so vague as not to be understood

PAMANGKIN: “tito batjay, bofriend ko po”

BOYFRIEND: “good afternoon po sir”

BATJAY: “anong ginagawa mo rito?”

BOYFRIEND: “dumadalaw lang po”

BATJAY: “tuli ka na ba?”

BOYFRIEND: “ano po yon?”

BATJAY: “ang sabi ko, tuli ka na ba?”

PAMANGKIN: “tito naman eh, huwag mong takutin”

Courtship consists in a number of quiet attentions