pag bibili ka ng bahay dito sa america, kadalasan ay uutang ka ng pera. bihira lang naman kasi ang mga tao rito na tulad ng mga ibang government officials natin sa pilipinas na nagbabayad ng cash pag bumibili ng property dito sa california. but i digress.
para makautang ka ng perang pambili ng bahay, dapat ay may dati ka nang utang. weird logic, ‘no? gusto kasing makita ng mga nagpapautang dito na una, mayroon kang utang, at ikalawa, ibidinsya (bisaya kasi ako) na kaya mo itong bayaran.
eh pano pag wala kang utang?
good question, gentle reader. pag wala kang utang, walang magpapautang kaya ang advice ko ay pumunta ka na lang sa grocery at bumili ng bahay ng posporo.