nag celebrate kami ni jet ng 15th wedding anniversary namin in typical california style – nagpunta kami sa beach. ang ganda nga ng panahon kahapon – maaraw pero hindi mainit. may hanging galing sa dagat na nagpapalamig sa katawan. pag gising ko pa lang ay nakita ko agad ang langit na deep blue – alam ko nang magiging maganda ang celebration namin. medyo biglaan ang mini party namin. nag imbita kami ng mga kaibigan na naka-alala at nagpunta kami sa salt creek beach malapit sa dana point. simple lang ang handa namin – nag ihaw kami ng mga sausages, mushrooms, malaking slabs ng tuna at baby back ribs na minarinate ni jet. tapos may beer lang at wine cooler para panulak. ang medyo masama lang ay nabigyan ako ng ticket ng pulis dahil nakalimutan kong magbayad sa parking. pero ok lang yon, sulit naman ang araw namin ni jet.
sa lahat ng mga naka-alala at nagbigay ng regalo, maraming salamat sa inyong lahat.
























Grabe! Pumayat ka na talga tito Batjay – fit n slim :). Kaya lang medyo na-corrupt (or kumurap hmmm)ang virgin eyes ko – may kissing scence kse kyo ni Tita Jet eh (ngisi).
ang ayaw ko lang sa mga beaches sa socal, ang lamig ng tubig kahit tag-init di ba? d2 lang sa east coast i think from virgia on down e warm ang tubig sa dagat pag summer at ang sarap magbabad sa beach. happy anniversary pala mr batjay.
maraming salamat sa bati. it always is cold even in the middle of summer dahil galing sa alaska ang tubig dagat.
uy, maraming salamat trotskybee.
hehehe. pag nagkita tayo ililibre kita ng dinner dahil sinabi mong payat ako. medyo malaki na nga nawala – over 40 pounds since january. pag may diabetes ka, either mag medication ka or mag exercise. i chose to exercise.
oo may kissing scene kami ni jet. lips to lips pero hindi labas ang dila.
uy, happy anniversary!
kuya bat,happy anibersary sa inyu ni ate jet….wala nga lang regalo…
happy anniversary!!!
payat mo na kuya jay!!! hugs to jet!
nye oo nga slim ka na Jay! Sticking through thick and thin… sana maging ganyan rin kami ng wife ko.
Happy Anniversary Jet and Jay!
Congrats to your anniversary and to your succesful weight loss. Bilib ako sa discipline nyo. You both look great!!!!
thank you – we do look great. hehehe. dapat lang kasi it was a special day.
slim jay ba watson? pwede yang pangalan ng bagong produkto na pampayat. i am sure tatagal ang pagsasama ninyong mag-asawa. kita ko agad sa personality mo pare ko na ikaw ay family man.
kaya be a good boy. hehehe
hehehehe… hi ate dindin. i was scanning your flickr pages yesterday and i really love the picture of the kids. they have grown so much.
di bale walang regalo. basta naka-alala ay ok na.
hi ruth. thank you pag-alala at sa bati.
What? Walang Carlos I? Pano naman ako nyan?
Inggit ako. Ang sarap, pati tsibog. And to think na hindi ako nakatuntong man lang ng beach this year. inggit talaga ko.
I’m glad you enjoyed your anniv.
hindi na pwede ang carlos uno dito sir. baka ma DUI ako – mahal ang multa at baka makulong pa ako. mas masama pag naka aksidente kaya wala nang hard drinks.
pero ok ang picnic namin sa beach sir. sana narito ka para nakapag jamming tayo habang pinapanood ang sunset. i’m sure you’ll love it.
It was a lovely day, wasn’t it? Salamat sa mga kaibigan who helped us celebrate the day. Alam ko pagod na pagod ka kaya salamat my love for all the effort you put into it. Labyu!
it was one of the best days we’ve had since we’ve moved to california, thank you mylab.
angkel batjay,
akshuli medyu idol kita kasi nakakainspire talaga yung mga istoryang nagsimula na mababa hanggang sa marating nila ang tagumpay.. pero parang may nakalimutan ka ata, ala pa ba kayung mga supling ni tita Jet? napapansin ko lang parang ala pa kayung mga anak e 15 years na kayung ngsasama… o may mga di ko pa nabasa na mga blogs mo..
imagine if you’ve been married for 16 years and people always ask you if you have kids. you get pissed off but after a while, nagiging mind game na lang. i have a way to deal with insensitive people, mostly, mga pinoy na “nagmamalasakit” in the most inappropriate way.
typical Q&A…
TANONG: do you have kids?
SAGOT: NO
TANONG:how long have you been married?
SAGOT: 16 years
TANONG: why don’t you have kids?
SAGOT: hindi kasi pwede (TRANSLATION: none of your fucking business)
TANONG:i know a fertility doctor, who might be able to help. do you want me to give her number?
SAGOT: ah talaga? (TRANSLATION: FUCK OFF)
TANONG:bakit hindi ninyo subukang magsayaw sa ubando? wala namang mawawala.
SAGOT: hindi po ako marunong sumayaw (TRANSLATION: FUCK YOU)
TANONG: (gustong magpatawa) Anak nyo ba yung aso sa picture?
SAGOT: polite smile (TRANSLATION: PUTANGINA MO)
ang isang dahilan kung bakit ako nag e-enjoy ng hustong tumira abroad ay walang mga ganitong tanong. ayan lumabas na tuloy ang sikreto ko. the next time na may magtanong sa akin ng ganitong tanong at ngiti lang ang sinagot ko, alam nyo na ang ibig kong sabihin.