nung december 23 ay nagkita-kita kaming magkakaibigan para sa aming annual christmas party. tradition na ito sa amin. twing kapaskuhan ay nag-kikita kami, kasama ang mga asawa’t anak upang uminom, kumain, mag chika-han at mag-alaskahan.
ang grupo ng kaibigan na tinutukoy ko ay mga classmates ko sa notre dame of manila. isang paaralan sa kalookaan city na pinatatakbo ng oblates of mary immaculate (OMI). tatlumput-dalawang taon na kaming mag-kakaibigan. nag-simula ito ng kami’y pumasok sa notre dame nung 1971, na mga musmos pa lamang. karamihan sa amin ay lima o anim na taong gulang pa lamang noon… 2 taon sa kinder at prep, anim na taon from grade 1 to 6 at apat na taon sa high school. natapos kami noong 1983 (dalawampung taon na next year) at karamihan sa amin ay nag-aral ng colehiyo sa maynila (mapua, ust, ue-rm, ateneo at la salle).
simula 1971 hanggang sa ngayon – malapit pa rin kaming mag-kakaibigan. ang galing ano? ito ang isa sa aking mga yaman. kaya’t isang malaking katuwaan ang maka-uwi rito sa pilipinas upang sa kahit sandali lamang ay makapiling sila at paulit-ulit na gunitain ang napakaraming pangyayari sa aming buhay.