pag tumitingin ako sa salamin, puro puting buhok na lang ang nakikita ko. inevitable. yan ang parati kong naiisip. kahit ano kasi ang gawin ko, hindi ko na mapipigilan ang pagpalit ng kulay ng bumbunan ko. kaya nga ipinagpasya ko na lang na ang pinaka mabuti kong gawin ay tanggapin (or in english: accept the fuck) na tumatanda na talaga ako.
ang gimmick ay gumawa na lang ng paraan para kahit tumanda man ako ay mayroon pa rin akong asim, kahit papaano. yung asim na tulad ng sa kamias. as in halos borderline nagmumurang kamias. teka… bakit nga pala “nagmumurang kamias” ang term sa isang taong nagpapabata? yan ang gusto kong malaman.
minsan nga, ginagawan ko na lang ng justification ang pagputi ng buhok ko – naisip ko sa sarili ko: buti nang puti ang buhok kaysa panot. naisip ko rin, mas malupit siguro kung panot ka na, tapos yung natitira mo pang buhok ay puti. kung mangyari man sa akin ito sa hinaharap, magpapakalbo na lang siguro ako.
matagal ko na ding tanong yan..bakit nagmumurang kamias?
From http://www.marketmanila.com/archives/balimbing-tree-in-bloom
“Being closely related to kamias, balimbing trees seem to exhibit a stretched-out fruit-bearing season though unlike kamias trees, do not renew themselves seemingly continuously that mature people who act and dress inappropriately young for their age were usually described as “nagmumurang kamias” in my town.”
So that’s why! It’s interesting how people’s characteristics or actions can be compared to food. Another will be “balat sibuyas”, “pusong mamon”, etc.
Swerte pa rin tayo pare dahil at least hindi nawawala yung buhok natin – nagiging blonde lang 😉
hehehe. blonde ng blonde, pareng nano.
Marami na rin akong puting buhok. Napilitan akong magtina two years ago dahil pinilit ako. Pero maski papaano eh nakakatulong din ang presence ng puting buhok sa ulo natin. Nagmumukha raw tayong mature at professionally credible. 😀 Ewan ko kung totoo nga ba iyon.
oo may credibility factor ata ang white hair. tingnan mo si anderson cooper ng CNN. mataas ang ratings ng show niya.
bosing, aray ko! kumokonti na ang buhok ko at nagiging puti na rin. Ang consolation ko na lang e ngayon ako nakalbo na marami na ring nagpapakalbo kahit kabataan. E kung nuong 1970’s ako nakalbo na ang uso e lampas pa sa balikat na buhok, ang laking kahihiyan ang inabot ko siguro.
pareho naman tayo sir na gaining face, tito rolly. tanggap ko na ito kaya di ko na tinitingnan yung high school pictures ko.
ouch! bossing, hirap nyan. yan ang sinasabi nilang second wave ng pagbibinata. dati kasi pag nagbibinata ka at nagsisimula nang pumiyok ang boses eh nagiging masyado kang conscious ka sa itsura mo. panay tingin sa salamin.
ngayon bumabalik na naman. hehe mabuti na yan. sign of wisdom daw sabi ng lolo ko.
sign of wisdom. oo nga, parang mga silver back na gorilla
sabi nung misis ko na caregiver sa resthome, yung bulbol daw ng mga matanda dun sa resthome ay puti na rin 🙂
yung sa aking kilikili at paa na lang ang di ko pa nakikitaan ng puting buhok.
talampakan?
sir musta na
eto pogi pa rin.
Pag sounds ko classic..whether Pinoy rock or seventies rock …my kids used to say…ouch those oldies again dad..tawag nila kay Pepe Smith.grand old man of rock…that is the reality of life..tatanda tayong lahat..lol !
those oldies? hehehe. that may be so pero it still is the music i love to hear.
yung iba po, ang tawag, nagmumurang kamatis… bakit nga kaya?
nagmumurang kamatis? ano ba ang sabi ng kamatis: “tanginang mga sibuyas yan, oo”
ok lang yan Pa, natural lang namang pumuti ang buhok e. ang dapat magalala yung mga babae ngayon na puro tattoo. 40 years from now, mga lola na sila, pero puro tattoo pa rin ang katawan nila. yun ang hindi natural.
tsaka pogi ka pa rin naman kahit puti na ang buhok mo e.
tsaka labs pa rin kita. 🙂
thank you mylabopmayn – buti naman at napopogian ka pa rin sa akin.
“tatanda at lilipas din ako ngunit mayroong awitin iiwanan sa iyo” so goes a line from an opm, pare kung concious ka masyado sa mga pagbabago ng iyong katawan gaya ng pagputi ng buhok e di nga yan babagay sa iyo kahit na ano pa man gaya ng baro, accept it thats gods message that life is short and we have to make good some legacies we will be living behind soon
bossing jay, parang si dencio yung binanggit mong panot na may outing buhok. hak hak hak hakkk!
hehehehe… hindi pa naman panot. pareho lang kaming gaining face.