The Kare-Kare Chronicles, Part 4

actually, naka dalawang luto si eder ng kare-kare nung one week na dalaw nila ni leah sa amerika. una, rito sa california at ikalawa sa las vegas nung dinalaw namin ang kaibigan nilang si pareng egay. twice in one week – record ata ito sa akin para sa pagkain ng ox tail.

wala naman akong magawa kasi hindi ako nakakatanggi pag may nakaharap sa aking kare-kare at bagoong, kanin at malamig na sopdrink (preferably diet pepsi with lime) na may yelo. tao lang naman ako na may puso, damdamin at tiyan ng isang pinoy na sabik para sa pagkaing nakalakihan niya sa perlas ng silanganan.

18 thoughts on “The Kare-Kare Chronicles, Part 4

  1. Kare-kare ba kamo? “Carry” mo yan, Sir Batjay… paminsan-minsan lang naman, di ba? 🙂 Unless mag-decide na maiwan nang permanente si Eder – hehehe 😆

  2. fafaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!

    ipasa ko kaya sa iyo ang recipe ko ng kare-kare? mwehehehe.. wag.. mapapakain ka nga palagi, mas lalo na kung peborit mo ito. ako man, i try to stay away from it, dahil naman sa bagoong. tapos si bossing, dahil naman sa mani, nakakataas ng uric acid nya. eh hindi masarap ang kare-kare kung wala nun, diba? kaya ergo, nakakamiss talaga…

    kaya lang talagang hinahanap-hanap ko ang kare-kare. kaya mga 2 or 3 times a year nagluluto pa rin ako. ang sarap kasi eh…

  3. ninaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang!

    miss na miss ka na namin. naalala ko kasi dahil thanksgiving ata yung isa sa mga huli nating pagtatagpo. masarap talaga ang kare-kare kaya hindi ito dapat matutunan.

  4. Pards, napansin ko one week straight nang topic yung kare-kare nung eder at leah ah. Either nakaka gayuma ito or naglilihi ka. hehehehehe Nakaka intrigue tuloy siya. Ang swerte ninyo naman dyan… sana kami din dito eh makatikim nang ganyang kasarap na kare kare. hhhmmmmm

  5. naku peborit ko pa nmn ang kare kare..namiss ko tuloy bigla luto ng nanay ko..dito samin (SF) madaming asian store na pede bilhan kaso di me marunong magluto..

  6. kahit ako hindi makakatanggi sa kare kare. Partida – bawal pa sakin yan ha. Nanay ko nung nakakapagluto pa, minsan ang ginagamit, bituka ng baka. Masarap din. Minsan naman pisngi. Okay pa rin.

  7. Jay, belated Happy Thanksgiving! (Kumusta pala yung 10K mo? Una ka sigurong natapos ano?)

    Nakakalaway itong latest entry mo, subukan ko ngang magluto ng kare-kare this weekend. May naipon kasi akong mga recipe ng kare-kare, pero hindi pa ako nangahas na magluto nito. (At may malapit na Ranch 99 sa amin, kaya ayos ang oxtail!) Pag na-master ko ito puwede ba kayong pagdalhan?

  8. bakit padala pa? punta na lang kami sa bahay ninyo para mas masaya. kailan ba natin ito itutuloy? parati na lang cancelled – mas maganda siguro kung maliit na group lang at hind party – imbitahin ko si raymund para marami mapagkwentuhan.

    ok lang yung 10K ko sa dana point. 57 minutes – i minute better sa tinakbo ko a month ago sa tustin.

  9. pag nagluluto ako ng kare-kare, hiwalay kong niluluto ang veggies…ini steam ko muna bago ko ilagay….kasi pagsinabay ko doon mismo sa sarsa ayaw lumambot ng talong…..

Leave a Reply to batjay Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.