simula nung linggo ng hapon, ngayon lang ulit ako nasinagan ng araw. yan ang hirap pag sa las vegas ginawa ang conference ninyo: nasa loob ka ng hotel for the whole time at pag tumingala ka, all you see is a hand painted sky. part of the trick of making people stay longer inside casinos is to make you forget if it’s night or day kaya ang ginagawa ng mga tusong may-ari ay pipinturahan yung dingding ng bughaw na langit at cumulus clouds. drinks are free if you’re gambling because the more alcohol you have inside your body, the easier it is for them to take your money. you can’t help but be impressed on how las vegas makes sure that the house always wins.
nasa california na ulit ako and i am so happy to be back home.
welcome back Pa… here, where the sky is real. 🙂
where eveything is real. i’m glad i’m home.
wala talagang kupas ang love nyo sa isa’t-isa.. ilang taon na ang blog mo tito jay at tuloy pa rin ang sweet exchanges nyo ni jet. welcome back to CA! 🙂 ingat.
Siguro napansin mo rin na sa mga casino sa Vegas ay wala kang makikitang timeclocks sa paligid. Another one of their tricks LOL.
yes, that and the confusing exit signs.
hi tin! kamusta na kayo nina ron at amelie? sana makadalaw kami ni jet sa sydney soon.
welcome home, unkyel!
thank you. glad to sleep in my own bed with jet.
@ jet: and so are the people, o di ba?
hanggang airport lang ako sa las vegas, bossing, pero alangya, sabi ko, hanggang dito ba naman waiting room bago mag-depart ang mga pasahero balak pa rin nilang ubusin pera ng mga tao. buti na lang wala talaga akong pera nun.
oo nga, marami pa rin ang nagsusugal sa airport. parang, one for the road.
buti na lang at nakauwi ka na – and safe.
one short plane ride and i’m home.
Ang sarap mag long drive mula L.A. papuntang Las Vegas with stop over sa Barstow na merong Mickey D sa tren..
oo nga pero lumipad ako this time dahil ako lang mag-isa
Pareng Jay, naranasan ko mag drive for the first time dyan sa freeway going to LV, gabi pa nun. That was yun nag bakasyon ako dyan last Sept. Medyo kabado at di ko kaya 5 hr. drive. Kahit may stopover sa Barstow, pinipilit kung magising. Buti na lang may kapalit ako magdrive. Ang sarap sana hatawin yun sasakyan, kayo lang pucha ang baba naman ng 70mph na speed limit.
pre,
yung 70 MPH, suggested speed limit lang yon sa I-15 on the way to vegas, lalo na pag friday ng gabi.
ang sabi, legal daw ang +10mph lalo na sa mga I, pero parang mahina pa rin. yun ang isa na mahirap pag bagong lipat ka dito (galing ng pinas), kailangan itsek mo lagi yung metro mo.
sa pagkakaalam ko, walang limit sa pinas eh.
sa i-15 to vegas from southern california, medyo liberal ang speed limit lalo na pag friday ng gabi at nasa gitna ka ng desyterto.
to bote:
me limit din ang speed dito sa pinas. ang problema lang sa sobrang liit ng kalsada at dami ng sasakyan hindi mo pa nga maabot ung minimum speed limit na tinakda. don’t you wonder why bihira ang vehicular accident sa pilipinas?
eyes on the road mga pare ko when driving especially on interstate highways. keep safe!!!!
keep your eyes on the road, your hands upon the wheel.
jim morrison
roadhouse blues
i remember, nasa MGM ako nakatambay lang sa hotel room, habang ung uncle ko na naglalaro. eh kamusta naman yung as in umaga na kami bumalik sa monte carlo? another thing about vegas, bawal ang minors to be near slot machines or tables… pero yung arcades naman nila for minors, mini-sugalan din because they make you gamble your tokens haha