Bring Me A Dream


may hypnotic effect ang isang presentation pag naririnig mo ito ng paulit ulit. unti-unti ay dinadala ka nito sa twilight zone (ti-nu-ni-nu-ti-nu-ni-nu) at ang recourse mo lang ay tanggapin lahat ng information in a dream state. you’re in the zone, halfway between wakefulness and sleep, where you absorb everything even if you’re not trying.

yan ang binigay kong bullshit excuse sa kaopisina kong si johnny-o. nahuli kasi niya akong natutulog nung practice session namin para sa isang conference sa las vegas.

16 thoughts on “Bring Me A Dream

  1. well, you know what they say, the conscious state is just the tip of the iceberg. there’s a vast base of untapped zone in the subconscious. or maybe that’s just a rumor… hahaha!

    ang gusto ko lang naman talagang sabihin… bakit ang pogi mo dyan sa picture ha?

  2. been there, been that. ang ginagawa ko sa ganyan fafajay ay lumagok ng sangkatutak na brewed coffee. problema nga lang ang pagtulog ko sa gabi.

  3. ako rin dati mari, halos gawin kong tubig ang kape. kaya lang di na masyado ngayon kasi baka nerbyosin ako ng husto.

    incidentally, sabi ng kaibigan ko, pag iinom ka ng kape, huwag mo raw itong lagyan ng gatas. kasi raw yung gatas at pampalakas. yung kape naman ay pampanerbyos.

    pag pinagsama mo raw ang gatas at kape, lalakas daw ang nerbyos mo.

  4. hmm…. well trained din ako sa pagtulog lalo na pag boring ang speaker….eto yata yung effect dahil dun sa teacher natin nung High School sa History…he he he…..naturuan tayo ng art and management of sleeping….ha ha ha ha

  5. idol ko yon pare. hehehe. kahit ilang beses akong nahuli na natutulog ni gabby, di pa rin niya ako pinapagalitan.

    kaya kahit ano sabihin niya, sinusunod ko.

  6. ilang beses narin akong nakatulog sa ganyang mga boring na eksena… ang masama pa non… sila na nga boring magpresent, sila pa galit kasi nakatulog ka… haaay….

  7. meron kaming instructor sa review center na dating instructor sa UST, nakakaantok sya, natutulugan namin harapan.tapos nung nagwork na ako naging officemate ko sya (what a small world). bilib ako sa sleeping skill nya, nkapindot ang daliri sa keyboard ng kanyang laptop, un pala’y tulog na at zzzzzzzzzzzz na lang lumalabas sa screen nya. pagdating sa trainings/seminars/conference nakakahiyang matulog pero di matigilan. meron po ba kayang tip on how to sleep silently during these kinds of events? baka meron po kayo mahanap batjay, aabangan namin sa future articles nyo 🙂

  8. Speaking of getting some naptime during meetings, naalala kong ‘yung eksena sa isang ‘Three Stooges’ movie: nagsasalita si Moe (‘yung leader nila na parang bunot — ‘yung pangpakintab ng sahig–ang style ng buhok) habang antuk na antok na nakikinig si Larry (‘yung panot na kulot ang buhok) sa super-boring na speech ni Moe. Pero si Curly (‘yung kalbong mataba) dilat na dilat ang mga mata at titig na titig na nakatingin kay Moe. Nu’ng question and answer na, tinawag ni Moe si Curly. Ayaw sumagot. Sinigawan. Ayaw sumagot. Binatukan! Nag-inat bigla si Curly. At nung kumurap, nalaglag ‘yung cut-out na puting papel na may drowing na mata. Dinikit niya sa eyelids niyang nakapikit pala the whole time. Try it.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.