asparagus – isa na naman sa mga easy to cook, great tasting pero masustansyang pagkain. ang plural ba ng asparagus ay “asparagi”? i think so. parang ang plural ng hocus pocus ay hocay pocay.
pero whether singular or plural, this veggie is great to eat, ginisa man o grilled. isa ito sa mga paborito ko lately – both to prepare and to eat. in fact, i could probably eat this all day, everyday at hindi ako magsasawa. dahil nga sa sarap ng lasa ng asparagus, minsan tuloy, gusto kong maniwalang mayroong diyos.
ano-ano ba ang mga kailangan sa kick ass paragus? simple lang – asparagus, bawang, kaunting asin, paminta at olive oil. tapos.
doon sa mga nagtataka kung ano ang ginagawa ng kamatis sa litrato. huwag kayong mag-alala, saling ket lang yon.
langya, me saling ket pa! hahahaha
uy! asparagus! masarap tlga ito. dali i-prepare. inpeyrnes, ang ganda ng kamatis sa piktyur.
oo maganda talaga ang kamatis na nabili namin. parang bagong tuli na nakakita ng magandang dalaga.
pinakita ko na kasi ito sa mga kaibigan natin, bossing at may nagtanong na kung para saan daw yung kamatis sa picture. sabi ko, saling pusa lang ito.
asus, binasa ko pa ng dalawang beses yung ingredients hinahanap ang kamatis, saling ket lang pala.
Akala ko nakalimutan lang yung kamatis. Pakisali lang pala talaga.
Pero patok talaga asparagus. Simpleng-simple pero masarap. Yun nga lang, ang bango ng banyo pagkatapos. Hehe.
ano bang meron sa asparagus at nag-iiba ang amoy ng ihi mo?
hehehe. actually, kasali sa menu yung kamatis – inihaw ko siya, kasama ng porkchop. pero oo – salingket nga lang siya sa picture.
Kumusta po. Makasali lang sa masaya ninyong kwentuhan.
Dati hindi ako kumakain ng asparagus pero nang mapunta na kami dito sa Canada eh, parang miyembro na sa pamilya si asparagus – masarap at madaling lutuin.
Baka hoci poci (hokey pokey-parang yong kantang pambata – you put your left foot in…) ang plural ng hocus pocus.
ayos nga eh dahil nagluto na naman ako ngayon ng asparagus para kay jet.
ahehehe…unang beses ko pa lang dito mapasyal sa tambayan mo batjay, iba na talaga ang dating, ibang lebel, ika nga. =D
eniwe, kakabili ko pa lang ng libro mo (kwentong tambay) at sa simula pa lang, hook na hook na ako. =D
yun lang po muna, at pupunta ako sa pamilihan ng makabili ng asparagus ng ma try ang “kiss as paragus ” na may saling ket na kamatis.
magandang araw po uli sa inyo.
salamat sa pagbili ng libro, kabayan.
sarap nga ang asparagus, yung after effect nga lang talaga ang problema. 🙂
koya! talamat nang marami sa isa nanamang recipe. malaking tulong ito, lalo na sa mga walang maiksi ang pasensya sa pagluto (tulad ko, heheh). gagawin ko to sa weekend.
haha natawa naman ako dun sa “saling ket” 🙂
matagal ko na ring hindi naririnig yang word na “saling ket” o saling ket ket, baka nung elementary pa.
wala akong masabi, hindi pa ako nakakatikim ng asparagus EVER. pero hitsura pa lanng ng luto mo sa picture eh masarap na. 😀
mukhang napapadalas ang luto ah…magaling mag-train is at jet ha. 🙂
ATE GLO! medyo di panay ang asparagus sa pilipinas kasi. ang pwedeng equivalent nito ay yung stalk ng broccoli na hiniwa into strips. di pa magiiba ang amoy ng ihi mo.
SALINGKET. hehehe, mga pinoy talaga. kaya gusto ko ang mga sense of humor natin.
walang anuman, nette. panay nga luto ko ngayon kasi duty si jet sa hospital at ako madalas ang nasa kusina lately. di naman ako nagrereklamo kasi gusto ko talagang magluto.
ok lang yung amoy. masarap naman kasi ang asparagus.
Jay and Jet, Happy Thanksgiving sa inyo. Pasensiya na at medyo atrasado ang pag-bati (greeting) ko sa inyo. 😀
Ingat lagi.
happy thanksgiving din mypren. thanks for remembering.
Happy thanksgiving batjay and jet! here the url to your question about urine having eau d’asparagus:
http://www.wisegeek.com/why-does-asparagus-make-some-peoples-urine-smell-funny.htm
waw, mukhang masarap. 🙂 hindi ba asparaguses ang plural ng asparagus? ahehe.
“mga asparagus” ata ang plural nito sa tagalog ay sapat na yon sa akin.
maraming salamat sa explanation na walang explanation, ka gilbert. hehehe.
Looks really yummy. Sige, try ko nga. Nagtaka nga ako sa kamatis. Pa-epek lang pala.
try nyo rin po ang steam asparagus tapos me sawsawang bagoong alamang. 🙂
pwede rin pong asparagus in oyster sauce para medyo sosyal pakinggan. 🙂
paborito ko ay grilled kang-kong, okra or talong with bagoong.
and yes, it is yummy.
aha! Para kang si Jamie Oliver mahilig sa asparagus… I love it too kaya lang ako lang ang fan sa bahay… ayaw pa-convert nang asawa ko
Wow i have new blog to visit. Masarap pala dito kasi madarap food. Mahilig ako sa lamunan haha. Yummy!
sarapan mo kasi para magustuhan ng asawa mo.
mukhang masarap nga at dali lutuin. try ko pag may sarili na ulit akong kitchen. ha ha.
kailan ba kayo lilipat? excited na ako para sa inyo. hehehe.