unang venture ko ito sa teritoryo ng pagluto ng sinigang at pinili ko ang isa sa pinakamasarap na lasa: sinigang na salmon. actually, hindi ako ang pumili. si jet ang nagsabi sa akin na lutuin ko ito dahil puyat siya sa kakahanda ng paglipat namin ng bahay at wala na siyang oras para maghanda ng pagkain. siyempre, dahil ako’y isang (ahem) masunurin na asawa ay pinaunlakan ko ang request niya.
inexplain niya ang recipe sa akin habang half asleep ako isang madaling araw. buti naman at masarap ang kinalabasan. natatakot kasi ako na baka maglasang bangungot ang luto ko.
penge po recipe, koya!! š
oo ba – eto:
AMEN.
Sir Batjay,
Mas masarap kung ulo ng salmon ang sinigang mo.
ang iyong tagahanga,
hahahahaha! ayos! ang graphic naman ng recipe mo koya! talamat nang marami!!! š
nagutom tuloy ako lalo.
mas masarap ka na ngang magluto ngayon kesa sa akin e… hehe. No complaints! š
si jet pala ay babae.. akala ko kaibigan na lalaki mo siya. kasi ngayon lang ako napadpad sa blog mo kuya
I’m about to eat my lunch now… Iimaginin ko na lang na salmon ang kinakain ko. Hehehe! Kakabanggit ko lang sa nanay ko tungkol sa salmon na masarap pala na substitue. Iniisip kase namin dati na baka mashadong rich at nakakaumay. Try namin tong recipe nyo, salamat po, kuya:)
ang galing naman! *clap clap*
first time ko naman magluto ng sarciadong lapulapu kagabi.
nalungkot ako kasi nasunog ko yung garlic kaya medyo mapait.
pero masarap naman daw sabi ng tumikim. hehe.
uy masarap yan! paborito kong type ng sinigang yan. second yung sinigang na tilapia. š makabili nga ng salmon bukas na bukas din! haha.
mukhang mapapadalas na ang luto mo bossing, nagpaparamdam na si ma’am jet. ano kaya ang susunod na ipapaluto sa’yo? hehehe.
Saludo ako sa iyo, Mr. Batjay. Ang paglilingkod at pagiging masunurin sa minamahal ay tanda ng walang kamatayang pagmamahal. Mahal na mahal ko rin ang aking gelpren. Hindi pa nga kami nagsasama sa isang bahay eh nauutusan at nabubulyawan na niya ako. Ok lang dahil mahal ko siya eh.
kailangan pag pareho kayong nagtatrabaho na mayroong division of labor sa mga chores sa bahay. otherwise parati na lang magiging mainit ang ulo ninyo.
salmon fillet, masarap na pang sigang. mahirap maghanap ng sariwang ulo ng salmon dito sa tinitirahan namin. dapat kasi pag ulo ang gagamitin mo eh sariwa ang isda.
ok lang na magkamali sa unang luto basta mas masarap sa susunod na try.
thank you mylab. mas masarap ka pa ring magluto sa akin.
Nag-laway nung pag-kabangit mong sinigang.
Mas masarap talaga yung ulo ng salmon. Dito sa amin marami.
Pinaka “the best” ay yung bangus belly. Usually mayroon sa frozen section sa 99Ranch (may dalawang stores sa Irvine).
sariwang sariwa nga diyan sa inyo pare ko. binganggit mo tuloy kaya bigla ko ng na miss ang ulo-ulo.
di ko masyadong gusto ang isda sa 99 ranch. bumibili ako ng bangus pag naliligaw ako sa west covina. maraming mga bangus doon sa island pacific. minsan doon ko na pinapaluto.
oo nga pala, sinimulan ko na yung bike to work ko kahapon. 8.6 miles one way with 2.5 uphill. nakaya ko naman.
my ref only has salmon and spinach now, u gave me a good idea! Nde ko pa natry pagsamahin tong 2. balak ko lang i-grill yung salmon at i-steam ang spinach tapos budburan ng toyomansi. drop by ako ng kedai (indian version ng 711 dito) para s kamatis at luya. sana masarap din to, thx 4 d idea bro!
Mamayang lunch ko,iopen ko ang site mo Batjay para makita ang picture ng sinigang mo.Isang subo ng kanin,isang tingin sa picture,e di may instant ulam na ako he he he.Hay buhay!Dito sa lugar ko eh halos isdang tabang ang mabibili,di masarap isigang,bangus sa asian store ang presyo ay parang 50 kilos na bangus sa Pinas na ang ibinayad ko sa isang piraso,may sore eyes pa ang mata ng bangus dito,baka galing pa yan sa China na contaminated o kaya made out of cartons na ginawang bangus!!
Sige Batjay,post ulit ng ibang putahe,its serves me as an appetizer.
pareng jay…ayos yan…dami mo na alam lutuin….sunod naman sinigang na hipon…baboy…baka….etc….he he he
picture pa lang, ang sarap na! na-miz ko tuloy yan.. mahirap ang salmon dito sa amin ngayon pero nung nasa Alaska pa ako nakatira, nagkalat ang salmon at kapag sinuwerte, binibigay lang ng kaibigan namin na nagtatrabaho sa kanarya.
masarap siguro ang salmon sa alaska ano? off the boat – masarap gawing sashimi.
pareng jun, pag nagkita tayo ngayon, ang dami ko nang ipapatikim sa iyo. kamusta na riyan sa bago mong destino?
sige krizzy, next post ko, sinigang na baboy naman.
hi zhar – pag walang pang-asim, damiham mo lang ang kamatis. para na itong tinolang isda, cebuano style.
ayos…pareng jay…sarapan mo ha…….sa dec 3 pa ang alis ko pero babalik din ulit ako sa pinas for xmas……tapos balik ulit sa january….
Favorite ko rin ang sinigang at ang salmon… Pero bihira kong matikman ang sinigang na salmon. Ang sarap tingnan ng finished product mo. Im sure kasing-sarap nya ang lasa. š
hi linnor. oo masarap ang sinigang na salmon. mayroon kasing distinct taste yung laman na bagay na bagay sa sinigang. punta kayo rito, pakainin namin kayo ng masarap na sinigang.
buti ka pa pareng jun, makakauwi ka ng pasko.
kuya, sa totoo lang di pa ako nakakatikim ng sinigang na salmon. at sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman na pwede pala ang salmon sa sinigang dahil sa entry mo. ang paborito kong sinigang ay sinigang sa bayabas kaso madalang na ako kumain ng ganun ngayon.
ansarap. uwi na ko. nagutom ako bigla
I don’t know kung observation mo rin to bossing pero and sinigang parating patok na patok sa mga bata. Ika nga e, you’ll never go wrong with sinigang kung bata ang papakainin mo.
Yung mga anak ko, mas maasim pa nga, mas masarap pa sa kanila.
Sarap nga kung sariwang ulo ng salmon. That’s what I had last night sa Westgate Alabang
Mukhang rapsa ang luto mo. Magaya nga at minsan pagud din si esmi ko at mabilis din iluto. Kaya mabuhay ka batjay…isa ka ng alamat sa larangan ng pagluluto!
goodluck.
oo nga sir – napansin ko ang mga asians ang mahilig sa mga maasim na pagkain. dito sa north america, puro junk food, macaroni and cheese at hamburger ang gusto ng mga bata.
hey tina. punta ka rito, kain tayo.
subukan mo, masarap ang sinigang na salmon.
Dahil sa blog mo na eto, naglaway ako ng todo. Kaya kahapon, nagpaluto ako kay misis ng sinagang na ulo ng salmon. Ikaw ang nasa isip ko habang kumakain kami.
Kung mayroon lang akong cardboard cutout ng mukha mo ay baka nakasama ka sa dinner table namin. š
BWAHAHAHA.
gusto ko ngang dalhin si misis ko diyan sa inyo, para naman ma experience niya ang pacific northwest. pag natuloy, ipagluluto kita ng sinigang.
pwede ba gamitin tilapia sa recipe mo?
siguro pwede – gawin mong fillet ang tilapia. sa US, maraming nabibili na filleted na.