We skipped a light fandango

AdobongTuyo-02

specialty ng mommy ko ang adobong puti. basically adobo without the toyo kaya mas light ang kulay niya kaysa sa regular adobo. at dahil suka lang ang timpla nito, mas maasim ng kaunti ang lasa. ang version ng mommy ko ay chicken at pork at talagang masarap ang lasa nito. baon ko halos araw-araw nung elementary ako, standard fare sa mga picnic all throughout my growing up years at regular soul food hanggang sa tuluyan na akong umalis sa bahay niya.

sinubukan kong gayahin ang adobong puti ng mommy ko last weekend. hindi ko pa nakuha ng 100%. sabi ni jet, kulang daw sa alat at dagdagan ko raw ng kaunting sabaw (ie, huwag masyadong tuyo).

pero ok lang. hindi naman ako masyadong worried na hindi ko agad nakuha ang timpla. the good thing about cooking is that you can do a dish over and over again hanggang dumating ang panahon na maging perfect ang lasa nito. parang buhay ang pagluluto, you are always given a 2nd chance.

20 thoughts on “We skipped a light fandango

  1. in the same token, cooking sometimes gives gentler instructions than life, just because there is always a second chance…

    pero Pa, yung ibang dish na pinagaaralan mong lutuin, kuha mo agad ng first try. so I’m sure in time makukuha mo din ang adobo ng Mommy. Paguwi natin ulit sa Pinas o pagbisita niya dito puwede mo na siyang gulatin sa mga ulam na iluluto mo. she’ll be so proud of you. πŸ˜€

  2. amen to that, uncle batjay. hehe. first time ko din mag-try na magluto ng adobo last week lang, pumasa naman ako sa discriminating taste ng aking asawa, pero mas masarap nung second try ko kamakailan lang, nilagyan ko ng pineapple para medyo manamis-namis. πŸ™‚

  3. looks yum bro! na-alala ko tuloy nung bata pa ako yung special fried chicken ng lola ko na pinapakuluan niya sa 7-up and toyo bago iprito. ngayon maski ano ang gawin ko ay hindi ko pa rin makuha yung exact na lasa. yung ermats ko at mga kapatid niya ay hindi rin makuha ang pagluto nito. btw hindi ba kayo delikado sa wildfire diyan sa irvine?

  4. Sir Batjay,

    May kurot sa puso ang mga entries nyo lalo na if tungkol sa family at life nyo together with Ms. Jet ang naisusulat nyo, kaya naman nakakaenjoy basahin kahit paulit ulit pa.

    Wala po ba kayong volume 2 ng book nyo na ilalabas this holiday season? Para may maipangreregalo na po ako ulit sa mga ka-opisina ko.

    Isa po kayong inspiration.

  5. maraming salamat. may kurot din sa puso pag kinukwento ko ang mommy ko. sana makadalaw siya rito soon. oo apektado kami ng mga sunog sa irvine. nasa backyard lang namin halos ang apoy.

    naguluto rin ang mommy ko ng seven-up chicken, hanggang ngayon.

    ayoko ng calamansi o kaya pineapple sa adobo pero alam ko masarap ito.

    oo asin lang ang pampaalat sa adobong puti.

  6. never tried or heard of adobong puti. heck, i’m still trying to make regular adobo (i’ve only tried once and never ventured again). may recipe ka for regular adobo?

  7. hehehe. ako din. I want to cook for my wife na ibang adobo style naman. i have my own adobo pero alam ko adobo bisaya style to. yung parang halo muna lahat bago isalang..meat (pork and/or chicken), soy sauce, suka (mas maganda yung fermented sa bahay lang), dahon ng paminta, paminta, bawan and a little water..

    batjay bat di ako makahanap ng Kwentong sira-ulo mo…este Kwentong Tambay mo?. is it available in amazon now?..hehe..la kasi ako maorder dito sa cebu..

  8. Parang yung aking pecan pie na sinimulang pag-ambisyunan nung 2003 pa pagdating ko dine sa Australia. Nito lang September ko na-perfect! Wagi nuong weekend. Simot sa mga prends na Noypi. So in this case, hindi lang second chance ang kinailangan ko. πŸ™‚

    Ingat sa wildfire.

  9. must na pre….nakatikim ka na ba ng adong may gata?……ayos din ang lasa….pareho din ang rekado may gata nga lang….ang trick…basta… lutong luto ang gata (medyo nagmamantika) at hindi na mumuo…..

  10. Batjay!!Halo und Guten Tag!

    Yung adobong puti ay halos kapareho ng lutong Bicolano kaya lang at the end eh nilalagyan nila ng konting gata para may sauce.Syempre pa ,kilala ang mga Bicolanos sa siling labuyo kaya lalo pang sumasarap lalo na as a pulutan!!

  11. Kailangan ata paturo ka sa 16 vestal virgins bosing para tumama agad ang lasa. Pero whatever, alam ko kung kulang man yan e nabawasan lang ng konting konti ang sarapa at ang adobo e hindi kailanman sumama ang lasa. Sure win kung baga.

  12. Pingback: Chronicles of Kotsengkuba » Photo Stories » Photo Story WK747

Leave a Reply to joyce Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.