LUNES ng umaga. nasa POEA office para kumuha ng exit permit at pinagmamasdan ang isang kilometrong pila na malapit nang tayuan…
BATJAY: malapit na ako sa counter ng POEA, kung may diyos – sana naman ay pag dating ko sa harap ay may makakilala sa akin na empleyado na maawa sa akin at i-process ang exit permit ko. sige na naman po bathala… marami pa akong gagawin sa trabaho at ayokong tumayo at mangulangot sa isang kilometrong haba na pila. please, please, pretty please. ayan na nasa counter na ako. o diyos ko, diyos ko, ito ba’y pagsubok mo…
POEA EMPLOYEE: Brother BATJAY – kilala ko po kayo! taga novaliches din po ako at parati ko kayong nakikita sa simbahan ng talipapa. kilala ko rin mommy mo! AAAY! ang pogi pogi mo pa rin kahit gurang ka na – akina yang application mo, ako nang bahala sa iyo.
BATJAY: MAYRONG HIMALAAAAA!
in less than 30 minutes ay na-process ko ang aking OFW exit permit. the shortest time ever na nangyari ito in 4 years. a good sign – sana swertehin ako ng husto dito sa bayang magiliw ngayong linggo. ang sarap talaga sa pilipinas. ang babait ng mga tao at parating silang nakangiti kahit mahirap ang buhay. i love to be back home.
AMEN!
Naks naman! E sino naman yung nakakilala sayo na yun?
Safe trip to Cebu and back! Labyu! 🙂
Amen din!
Wow, hanep talaga ang red tape Pinoy-style. I suppose may binayaran ka ring fees for your exit permit?
really good to know someone inside in Philippines huh? heheheheh enjoy your time there *hugs* keep safe
Di ba nga…despite problems and all, happy pa rin tayo…here’s one great evidence….(serious data to ha)
Unkel BayJay, nasa pinas ka na pala ulit. Hay kakainggit naman, ako next week pa uwi ko :D. Malamang Unkel isa sa mga avid fans mo yung POEA Employee at nakilala ka agad sa mole mo hehehe. Have a nice time dyan sa iyong pag stay sa pinas. Regards na lang din kay Ate Jet.
watch ka ng set ng jerks sa fiday sa 70s bistro
Swerte mo nga. Bwisit na bwisit din ako pag ganyang pumipila sa isang government agency. Kakainis!!!
good thing at natulungan ka nila. sa dami ng trabaho mo at lingering pagod, welcome break yan.
ingat po sa pag biyahe.
uy fasevuka pala! enjoy your visit!!!
no place like home!!!
e baka ang himala ang sobre man laman 😉