gusto ko lang i feature ngayon ang poetry ang aming kaibigang si belle. matagal na naming hinihintay ni jet ang mga bago niyang tula. busy kasi ang lola natin sa pambansang paaralan. busy rin ba sa kakapanood ng oblation run? after a long wait however, naka publish na sa kanyang “Short*Poetry” website ang mga bagong katha.
si belle ay talagang pinagmamalaki namin dahil her work has been featured in a number of poetry sites. more importantly, some of her poems were published recently in a book called “the sakura anthology of haiku poems. isa pa ay maganda siya, mabait at nanglilibre pag pinupuri mo. punta kayo sa poetry site ni belle and enjoy her work.
belle, bilang tribute sa iyo. gumawa ako ng haiku. eto…
may isang palaka
tumalon sa inodoro
nakulong sa septic tank
I’ve also been checking Belle’s site for new poems, buti na lang nag update na sha 🙂 Favorite ko yung “The Moon and I” tsaka yung “Quiet Symphony” 🙂
hi mik.
thanks for your comment. yes, isn’t belle’s work really great? she’s also great in person.
BTW, i’ll check out your website later tonight.
Ako mylab, tagal ko nang self-proclaimed apostle ni Belle. Sumubok ding sumulat ng tula pero sadya yatang hindi ako para sa ganun… hehe. Mananatili na lang akong fan, enjoy pa ko. 🙂
ako rin mylabopmayn. sinubukan ko dating gumawa ng haiku. wala. naging haynaku. por eksampol:
ang talangka
tagilid maglakad
walang himala
Thanks sa pag feature, Kuya Jay. Kakataba naman ng puso. =)
Natawa ako dun sa haiku mo. (lol)
hi belle.
ayos lang, basta pakainin mo lang kami ni jet next time tayong magkita ulit.
I had been checking her site kaya lang, tagal niyang di nagpo-post. Buti at meron na uli. I’ll check it out again. Magaling siya.
hey tito rolly. alam ko mahilig ka rin sa poetry. i hope you like belle’s new work.
i haven’t been to her site, but now that you mentioned it, i’ll make it a habit to read it each time…as for the haynaku… hehehe… kawawang palaka! kung magiging prince charming yun, di na siya maki-kiss…amoy…syet…
wow, ang ganda ng haiku! ^_^
agree ako dyan kay J. URA din ako sa UP dati pareho ni Belle pero di ako kasing galing at galante niya. I am one of the first proud owners of the sakura anthology na sa Sweden ko pa inorder! Impressed ako sa babaeng yan!
agree, matagal ko nang enjoy ang pwetry ni belle.
ito ang high school haiku namin ng mga prens ko:
i look at the trees
pretty – then i look at you
i look at the trees
bosing,
kaw talaga komikero na, makata pa. dangerous mix yata. aliw nga ang site na fineature mo bosing. nakakatuwa, hamo, kapag nakuha ko tong trabahong to, ifefeature ko rin ang tula ni belle sa klase ko….
hi joyce. belle’s poetry is really good, especially the haikus. i don’t know how she does it but it really amazes me when she comes out with poem after poem.
hi pao. maraming salamat. ang galing kong gumawa ng haiku ano? napanood mo ba yung “BIG FISH”? idol ko si Steve Buscemi. doon sa pelikula, siya yung poet na palpak ang mga poems. really funny.
hi AnP. ang galing naman. di pa nga ako nakakabili ng sakura book. nakakahiya tuloy kay belle. ngyehehe. maka order na nga.
ate mona, ang galing ng haiku mo. parang yung haiku ko. hehe. tawa ako ng tawa. pero ako: i am the king of bad poetry. eto pa ang isa…
makati ang sugat
masarap kamutin
galis aso
hey jop. musta na? natanggap ka ba sa bagong trabaho? sana ay ok ang balita. buti naman at nagustuhan mo ang site ni belle.
Hi, Batjay 🙂
di ko pa namemeet si Belle in person 🙂 but she’s been nothing but nice to me 🙂
gusto ko rin ring mga poems ni belle. nakakaaliw din ang mga haiku mo. hehe!
hi mik. salamat sa dalaw. oo nga, belle is a great person.
hi apol da great. salamat sa message mo partner. unang comment mo sa site ko. parati kitang nababasa sa site ni jet. maraming salamat nga pala sa patuloy na pagpunta roon. bagay na ikinakatuwa niya.
Naku, salamat sa inyo ha! Ngayon ko lang ulet nabuksan itong entry na to. Buti na lang weekend na. Makakapag internet at browse ng sites. Salamat talaga for liking my poetry. =)
guys pls helpmenman po!!….i need sampung (10) “haiku” na tagalog at sampung (10) “tanaga” na tagalog din….pls sana meron kayong maibigay! kailangan na kailangan ko talaga! ala talaga kc akong mahanap sa internet! hay! thnx po sa mga tutulong! ^_^ (o(“,)0)
ano ba ang meaning ng haiku pag trinanslate sa tagalog??!??! kailangan ko kasi…
tanaga po sa lahat……………….plis!