
pumasyal kami ni jet nung lunes kasama sina ate sienna at maricel sa hollywood last monday. sa may rodeo drive, muntik ko nang masagasaan ang lolo at lolang amerikano na tumatawid sa kalye. paliko kasi ako nang silay patawid. buti na lang at mabagal nang maglakad ang mga lekat. kundi sikat sana ako ngayon. baka na feature pa ako sa news. nakikinita ko na ang banner story: “STUPID FILIPINO TOURIST RUNS OVER SLOW MOVING ELDERLY COUPLE“. nagpalit kasi ang traffic light from green to yellow at hinahabol ko ang pag right turn. hehe. dahilan dahilan puro na lang dahilan.
ang actual dahilan naman talaga eh yung driving habits ko sa pilipinas ay dinala ko sa US. big mistake. big big mistake – ika nga ni julia roberts sa pretty woman.

after a long 6 hour drive from LA, narito na kami sa sacramento ni jet at nakikituloy sa mga pinsan niyang si alma na dati kong kapitbahay sa novaliches. matagal na sa america ang family ni alma. nag migrate sila rito ng kanyang dalawang kapatid na si leslie at jon, with their parents colonel quipot and colonel quipot. hindi po typo ito, ang mother at father nina alma ay parehong EX-colonel sa AFP. nga pala, special si alma sa amin dahil siya ang nagpakilala sa akin sa pinsan niyang si jet. the rest, as they say, is history.