Saturday Night’s Alright

sarap pag may sabado get together kasama ang mga kaibigan kasi mayroon kang dahilang magkasala at kumain ng mga bawal na pagkain. nagpunta sina tintin, woody, mina at gigi sa bahay kanina. nagluto si jet ng salpicao, miso soup at baked salmon (paano ba pag pronounce dito? sah-mon or sal-moan). ako naman ay nagluto ng mixed seafood with broccoli at pamatay na adobong ribs. nagdala sina tintin ng cake galing pa ng hawaii at si gigi naman ay may baong beer at cheese cake. tangina, sana araw-araw ay sabado. ang sarap eh.

balak ko ngang i-propose sa congreso na palitan na natin ang kalendaryo sa pilipinas. yung nakagisnan na regular 7 days of the week (mon, tue, wed, thu, fri, sat, sun) ay gagawin na lang na sabado, sabado, sabado, sabado, sabado, sabado, linggo.

sa tingin ko naman ay may pagasa ito na ma-approve kasi maraming sira ulo sa gobyerno natin.

25 thoughts on “Saturday Night’s Alright

  1. hehehe. mas masarap kumain pag umuulan bossing. ano ulam ninyo? sana magkapit bahay lang tayo, ang dami pang pagkain dito na pwede nating pagsaluhan. tapos may six pack pa na hindi pa nagagalaw.

  2. ok,ang trip nyo jan..dito sobra lakas ng hangin at ulan,,kaya naman sobra din ang inom namin ng beer..sana araw-araw bagyo,(joke lang)rock on dude!!

  3. sarap talaga pag ang mga kasama mo ay tunay na kaibigan. sarap din maghanda pag magkatulong sa gawain. swak ang teamwork natin kanina Pa. I am so proud of you. 🙂

    labyu!

  4. sabi nga ng rocker na si dave edmunds “coz its almost saturday night ” at lokal na rizal underground “sabado nights ang sarap” iba talaga pg may happenings ka ng araw na iyon di ka worry the morning after dahil wala kang pasok .sabado nights ang da best , ang pina kaboring ay monday morning as bob geldof used to say “i dont like mondays the whole day down”

  5. mainit ngayon dito mari. simula wednesday last week, nasa triple digits sa valleys – dito sa amin, dahil midway between the valley and the coast, nasa 90’s. nakabukas nga aircon namin kahapon nung narito sina tintin.

    saya nga ng kain namin. sana narito rin kayo.

  6. sometimes i have a 3-day off , an extended week end if there is no urgent work in my project somewhere in the north,so more bonding with my family but the downside of it ,its more expensive being with the family than at the project site and yes the best thing in life is free.anyway why were at it ,the saturday gimmicks and anything under the sun lets offer a short prayer for hundreds of life lost in a ferry sinking in sibuyan damn those coastguards and mv sulpicio lines,they must be held accountable for this tragedy.

  7. saturday night at home then is the best time.

    hey nica: i have 3 kinds of spidey shirts. with 2-3 pieces of each kind. it’s my summer attire – masarap kasi yung feel ng malambot at manipis na cotton.

    mas mura magluto sa bahay, tony kaysa kumain sa labas.

  8. oh wow, what a feast! ang sarap naman especially with awesome friends.

    unkyel sah-mon yata kasi palagi akong kinokorek ng hubby ko pag sinasabi kong sal-moan, kanis.

    anti, i would like to know to know how to cook salpicao.

  9. Thanks again for a great evening, KB and Jet. I’m still having dreams of the salmon, salpicao, and adobo ribs. 🙂 And it was great to meet Tintin and family, they are so nice and warm and interesting to get to know — it’s nice to know they’re not too far away. Maybe next time we can meet up for Moroccan food naman, ‘no? I’ll even try my first REAL drink and dance on the table. Or collapse on the table, head first. Hehe…

  10. Hi anti!!!!! thankies!!!! i hope before tuluyan na kaming lumipat i can swing by and say hello to both of you. you are such an inspiration.

  11. …Mr. Batjay…maraming magagalit sayo sa ipo-propose mo sa congreso….dahil tuwing sabado tamataas presyo ng gasolina’t krudo…..ang gusto nga nila alisin na ang araw ng sabado baka sakaling mapigil ang pagtaas……..

  12. oo nga tin, na miss ko na ang mga trip natin sa bintan. hay, nasenti tuloy ako. kasalanan mo yan. hehehe.

    gawin na lang nilang biyernes ang pagtaas ng gas.

Leave a Reply to tin Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.