Like a true nature’s child

BJ-RockStar-02

mayroong talent portion sa conference namin sa san diego at may nag good time sa akin sa opisina at nilista ang pangalan ko.


napasubo tuloy ako pero pinatulan ko na rin kasi matagal ko nang gustong kumanta sa banda at tutuo na mayroon akong malaking attention deficit.


isa pa, matagal ko nang panaginip ang kumanta ng rock and roll song with a band sa isang maliit na stage. nagkatutuo ito kaninang umaga.

BJ-RockStar-03

kumanta ako ng “born to be wild” sa harap ng 600 na tao. bwakanginangyan, ang lakas ng nerbyos ko pero tigas titi naman ang mga pinoy kaya ok lang.

BJ-RockStar-04

sabi sa akin ng mga kasama kong amerikano, mayroon daw akong balls of steel. ang ibig sabihin ata nito sa tagalog eh “tangina, ang kapal ng mukha mo”.


54 thoughts on “Like a true nature’s child

  1. waw!! galing galing ni kuya jay! tsaka bat ka mahihiya, e ano kung makapal ang mukha mo, maganda naman boses mo.. napunuod ko dati sa youtube!

    at least natupad pa pati pangarap mo!! yehey!!

  2. Kahit hindi ko pa narinig ang singing voice mo Idol, porma mo pa lang sa mga pictures eh panis na sina David Cook at David Archuleta ng American Idol. At talaga namang naka-shades pa ah! Hehehe! = P

  3. sarap pala ng rush ng maraming taong watching your band perform. dami kong magandang feedback sa mga nakapanood.

    maybe i’ll post the video soon.

  4. Dito sa city namin filipinos are known to be good singers kaya everytime my canadian officemates ask if I could sing they are surprise that I couldn’t. Sikat na rin dito ang mga sing-a-long joints. Marami ring puti na kumakanta pero kapag my pinoy na kumanta medyo umaatras na ang mga puti. Kasi daw the pinoys put the bar so high. Para bang for them, if they can’t measure up to the standard eh wag na lang.

    It’s nice to fulfil your dream. It’s even nicer when you get compliments for achieving it. Congratulations!

  5. hey paula. we just can’t help it. what can i say, we’re all cool in the family. akala ko, makikita kita sa tagaytay when we went there before i left. ingat at kamusta sa lahat diyan. tito jay. PS – sana naroon kayo ni nica na manood, you would have loved it.

  6. yun ba ibig sabihin nun? Hindi ata. Meron akong ibang ibig sabihin dun kaya lang email ko na lang sayo to keep the post wholesome, hehe.

    “Keep the motor running…”

  7. tol,

    i’m very proud of you for showing to those 600 people that pinoys are to be reckoned with in whatever challenges they encounter. keep it up man!

    all the best….bong

  8. Wow! You never cease to amaze us! You are truly setting the bar higher and higher for us midlifers. Sabi ni A, bilib siya- when’s the video coming out daw? 🙂

    Great pics! Parang pang-American Idol, hehe.

  9. huwaw. idol! pinaagaw mo ba yung sumbrero mo gaya ng ginagawa ni april boy sa mga shows niya? hehe. maganda naman ang boses mo ah, napanood at napakinggan ko na sa youtube.

  10. bakit, dahil magkamukha kami o dahil pareho kaming may attention deficit at willing na mag rock and roll sa stage? hehehe.

    pag may available na video, ilalagay ko sa youtube. pag wala, bili ka na lang ng steppenwolf greatest hits at isipin mo na lang na ako ang kumakanta ng “born to be wild”

  11. hi bro,

    i had that kind of experienced (the singing) when i was posted in singapore way back in 1995 at kung hindi ako kargado ng 4 litro ng tiger beer eh hindi ko nakanta ung casablanca in front of our kababayans, kano, bitoy, thai, indo, taiwanese, malaysians at singaporeans na nasa audience. believed sila sa husay nating mga pinoys na kumanta. no wonder na kahit binobomba na ang lebanon a few years ago eh nagkakantahan pa ang mga foreign affairs personnels natin with some lebanese guest. pinoys are very talented and unique race. and lets show it to the world at every chance we get. don’t forget to practice tol!

    all the best………bong

  12. ako, kinanata ko yung “one night in beijing” sa karaoke sa singapore.

    oo nga ruth, gusto ko ring mapanood. hopefully, makuha ko in the next few weeks ang video.

  13. pinsan,
    pinagyabang kita dito sa mga office mates ko, iba nga raw talaga dating mo. galing na writer na at singer pa. yup, that’s my cuzz! he mastered the arts of karaoke.
    kaya siguro ako ang pinaka pogi sa ating magpipinsan ano, kasi wala akong talent. parehas talaga ang dyos!

    love ‘ya,
    -Imo

  14. ngyehehehe…. mga sereno talaga ay punong puno ng talent. salamat pinsan, mayroon nang reserved copy ng libro para sa inyo na nakatabi sa bahay. bigay ko sa iyo pag nagkita tayo, hopefully sooner.

    ingat,

  15. Sir,
    Mas ok cguro kung habang kumakanta ka e, nilabas mo yung balls of steel para mas astig! ehehe ewan ko lang kung hindi magpalakpakan ang 600 audience….

  16. pano mo malalaman kung talagang sikat ka na tol bat?

    sagot: wala nang nag-ko-comment ng negative sa yo.. hekekkek, tingnan mo lahat ng comments, parang pede ka nang gumawa ng album at platinum na agad.

  17. pinsan,
    I know you, napaka mild manner and humble kang tao ka…compliment sigurado yun dahil hirap mong alaskahin eh! Nakakuha ka na ba ng kopya nung tape? tagal naman…
    -Imo

  18. wala pa insan. itatanong ko nga ulit sa studios department namin. oo nga, instead na “hey man” ay “hello cowboy” na tawag sa akin.

    musta ka na?

Leave a Reply to -Imo Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.