Rich men wanna be kings

isang linggong conference sa carlsbad. over 100 powerpoint presentations showing 2000 slides. bwakanginang yan, kung di ka ba naman mahilo. kawawa naman ang mga kasama kong galing pa ng europe at asia. punta sila rito sa amerika at hindi pa nga nawawala ang jetlag ay ikukulong na sila agad sa isang malaking kuwarto ng buong araw para makinig sa walang katapusang pagsasalita.

na experience ko na rin yan nung sa singapore pa ako naka base. pupunta kami sa amerika para sa conference at hindi mo talaga maintindihan yung nagsasalita kahit anong gawin mo dahil pinipilit mo ang sarili mong maging gising, akyat baba ang ulo mo habang nilalabanan  ang antok.

14 thoughts on “Rich men wanna be kings

  1. hi bro,

    welcome to the world of the employees! tol, para maalis ang antok, inis, buryong at kung ano ano pa during work presentations, try to digest whatever good you can absorb from this outing. ganyan talaga ang buhay ng empleyado. good luck bro!

    all the best….bong

  2. Dito naman. Kung i-imbitahan ang companya naming dumalo sa isang sales presentation, like Oracle or Microsoft, titingnan muna namin kung may kasamang “lunch”. Pag meron buong IT dept. dadalo. Pag “snack” lang pass ang karamihan sa amin, kasama ako.

  3. naku! Hindi ko pa nalaman ang solusyon sa jetlag! Isang biyahe ko from the Philippines to New York State– yung tinuluyan ko sa New York City ay isinama ako all the way from their suburban place (nakalimutan ko na where) all the way to Long Island para makabagay ako sa oras nila kaagad. Pero talagang hindi umubra…tulog ako na naka-nganga sa kotse habang kinukwentuhan niya ako. Akala ko gising ako talaga…pero blackout!

    Ano pa kaya sa ganitong mga conferences???

    Na-experience ko rin na pwedeng matulog maski nakatindig sa bus. Basta may makakapitan.

  4. I read somewhere that experts say that the number of days one needs to fully recover from jet lag is equal to the number of time zones he/she crossed to get to her destination. Thus, a person coming from the Philippines to New York (a time difference of 12 hours) will need at least 12 days to get rid of his/her jet lag.

    It’s really tough when one goes on frequent business trips. Howard Singer, Sony’s CEO, constantly travels from one Sony location in the world to another. He has said in an interview that he is in a constant state of jet lag because he never gets to stay in one place long enough to get back in sync with the time there.

  5. Hello Jay,

    Welcome back, at congrats nga pala sa book signing mo. Hadn’t dropped by in a while, kaya ngayon lang ako nakakahabol sa mga postings mo.

    Nakachika na ba ni Jet yung bagong lipat niyong kapitbahay?

    Ay, nalayo tuloy ako sa topic…me, I fall asleep at any presentation, even without jet lag! Pathetic, ain’t it? Bilang konswelo, papayagan ba kayong mamasyal sa Legoland pagkatapos ng conference?

    (I also did my first 5K this weekend, even if I had to slow down to walk during part of it…at least I didn’t have to be carried out in a stretcher, so in that regard I thought it was a success…I’ll probably do this more often…)

  6. hey classmate daisy.

    thank you.

    good for you. 5k is impressive. tumakbo lang ako ng 5k a few months after i started running. hard to do sa unang beses pero routine na after a while.

    may kunsuelo si jet – sumama siya sa spouse’s wine tour sa temacula ngayon habang nagtatrabaho kami rito sa conference.

  7. ako rin nakakatulog minsan. ang iniisip ko, e ano ba kung makatulog? Kasalanan ng presentor yun. A good presentor should know how to keep his audience wide awake. Kasi kung magaling naman ang nag pe present, hindi ako nakakatulog at ninanamnam ko lahat ng sinasabi nya.

  8. di bale, at least bukas siguradong di ka makakatulog dahil bukod sa ikaw na ang magpre-present, kakanta ka pa ng Born to be Wild… hehe. Goodluck! 😀

  9. jetlag hmmmm, the curse of modern jet travel. pwedeng maapektuhan ang iyong working efficiency at holiday enjoyment.
    pero wait isang minute though, if anything, dapat alam mo na kung pano ihandle ang jetlag my mahal na pinsan…dahil (sabi ni baby) bug-bog ka kay Aling Jet pag nag-lag. (:-/

    -Imo

Leave a Reply to rolly Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.