napansin ko lang na dumadalas ang pagutot ko pag umiinom ako ng gatas. hindi ko alam kung bakit. normal ba ito? ang tingin ko kasi ay semi lactose intolerant ako at ang manifestation nito ay excessive farting. medyo torn nga ako sa pag decide kung hihinto na lang sa pag inom ng gatas o kaya ay maging strong and healthy pero ututen.
in the end, malamang ay pipiliin ko na lang yung strong and healthy option. umuutot lang naman ako kung walang tao, kaya ok lang. para sa akin kasi, ang pag utot pag walang tao ay philosophical in nature. katulad ito ng kasabihang – “if a tree falls in a forest and nobody is around to hear it, does it make a sound?”
pero hindi ko rin matiis minsan pag kasama ko si jet. ang paborito kong gawin ay umutot habang nakatalukbong kami ng kumot and that’s true love, mypren. naalala ko tuloy yung nangyari last week: nag-uusap kami ni jet sa telepono at naka speaker phone ako. walang ibang tao sa opisina kaya nagpakawala ako ng isang matunog. sabi ni jet sa kabilang linya, “umutot ka ba?”
busted.
Farting occurs when the small intestine does not make enough lactase to digest the lactose found. When large amounts of undigested lactose get to your large intestine, it causes bloating, gas, and possibly severe cramps.
Kuya – sakin din nangyayari yan. It’s the milk all right. Notice the fart has more “character” with the milk. As in, it lingers before it dissapates. Fantastic!
di ba isang term sa pag-utot ay passing wind?
OK!!sa march 28 pala yung book launch..paki update mo po kami kung sure na yung venue wah!hehehe
Pareng batjay at ray, what launch? what book? book on farts? am i missing something here? ๐
anal escape, flatulence, passing wind, mababang ubo, tutu and a thousand other names.
it lingers… parang title ng horror movie, and in a way it is.
salamat sa intestine-lactose-fart explanation.
Para sakin, natural lang yang pag utot. Wag mo lang aabusuhin at nakaka addict. Masarap eh. Kapag naman walang tunog pero deadly, e di sabay-sabay na lang kayong lumanghap at nang maubos kagad ang amoy
oo nga, basta huwag lang UST dahil nakaka mantsa ito sa underwear.
nyahahahaha! natry mo na ba ang soya milk? mas ok sya.
mas ok sa pag produce ng utot o mas ok ang lasa?
Mari needs to elaborate. Please enlighten us. ๐
KB – Just when you think it’s safe, that the coast is clear and you can finally release your inner wind to the universe, just when you think that because there is no one around to hear or take a whiff of it — that’s when you do. And that’s EXACTLY when someone comes around unexpectedly and walks straight into your ether.
Not that I’d know. ๐ Pero…di ba?
hehehehe… nangyari na sa akin yan. umutot ako sa loob ng elevator dahil ako lang mag-isa. tapos bigla itong bumukas at may babaeng pumasok.
dead ma ko siya.
dreng batjay, buti nga tayong pinoy na-jututs lang pag walang tao, itong katabi kong inshik dito sa opisina namin eh utot ng utot na naka-silencer… gustong gusto na nga naming sabihan eh kaya lang boss namin ehekekek.. eh sa amoy pa mandin eh mukhang mahilig sa egg boiled in herbal tea…
kung ako sa iyo, gaganitihan ko na lang – pag umutot siya, eh dapat umutot ka rin para pareho kayong nakiki-amoy.
sir. try mo mag (walkman) err iPod full blast mo angel of death ng slayer sabay utot at least di mo narinig. LOL
totoo ba na ang utot na matunog ay di masyadong mabantod compare sa utot na tahimik (silent but deadly)
asteg.
ay naku! Akala ko ako lang umuutot kapag uminom ng purong gatas. Thanks Batjay! Ikaw lang talaga ang pinakamatapang na blogger na kilala ko pag dating sa sarili…!
pinakamatapang = walanghiya
bakit pag utot ang pinagusapan, ang daming comment?
oo nga mylab. iniisip ko tuloy gumawa ng blog tungkol lang sa utot.
Amporchuneytli, malamang sa gatas nga yan. Mas malala yung sa akin. Talagang sumasakit ang tyan ko. E namamahay pa ako sa opisina, kaya umuuwi pa ako kapag di na kaya ng powers ko. hehe. Just when I was starting to enjoy cereals sa umaga… hayun. Natigil.
mahirap nga kung namamahay ka sa opisina at nagkaroon ng aksidente. ang gamot ni jet diyan at coke.
kaya pag kumukulo tiyan ko rito, inom ako ng diet coke. isa lang sa akin works almost always.
kapag soya milk, di ko bespren ang cr. di naman nag-increase ang frequency ng pag-utot ko sa soya milk nyahahahaha! kaya soya milk ako!
agree ako kay jet, coke din ang sagot ko sa wetpax na namahay.
actually, paborito namin ni jet ang soya milk nung nasa singapore pa kami. jet buys this every time siyang mamamalengke.
dito iba kasi ang lasa – parang gatas din kaya nawala ang appeal sa akin. yung sa asia kasi, naroon pa yung nutty taste na tinatanggal nila rito.
fav. topic nga talaga ang jutots at ebs kasi everyone can relate ehehe
^^
Haha, oo nga.
Ang isa kong iniiwasan na tungkol sa pagbili ng gatas ay yung pag bili ng sobrang laking container. Kadalasan kasi pag malapit na yung expiration date, pero marami paring natitira, napipilitan akong tunggain na lang – sayang kasi! Side effect: madalas na pag utot ng mabagsik. Okey lang yung amoy. Yung hapdi sa mata ang bothersome.