.flickr-photo { border: solid 2px #000000; } .flickr-yourcomment { } .flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; } .flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }
sabi ni doctor mary, ang diet daw ng mga diabetic ang pinaka healthy sa lahat kasi kontrolado mo kung ano ang kinakain mo at kung gaano ito karami. experience tells me that this is true. ever since na nag-iba ako ng lifestyle at sinunod ang diabetic’s diet ay bumaba ang timbang ko. dahil nga sa laki ng niliit ng tiyan ko ay nakikita ko na ang titi ko ngayon pag umiihi ako.
ang dilemma ko lang nung nagsisimula akong mag diet ay kinailangan kong kalimutan ang pinoy style ng pagkain dahil hindi ito masyadong maganda para sa mga may diebetic. sabi nga ng doctor ko, karamihan daw sa mga pasyente niyang mga pinoy ay either diabetic or hypertensive. pag minalas-malas ka ay magagaya ka sa tulad kong diabetic na hypertensive pa. ang hilig kasi nating kumain ng pagkain na mayaman sa taba, asukal, asin, carbs at mantika.
ang breakfast ang pinaka importanteng meal of the day. pero imbes na tapsilog o tuyo at singangag ay peanut butter and jelly sandwich with milk na lang ako ngayon pag weekends. may catch nga lang – kung susundin mo ang diet para sa mga diabetic, kailangan reduced fat peanut butter, sugar free jelly, whole wheat bread at low fat (1%) milk. wala tayong magagawa egan, ganyan talaga ang gagawin kung gusto mong mabuhay ng matagal.
….but that’s not whole wheat though, unkyel, ok lang?
my concern about reduced fat and sugar free stuff, unkyel is that a lot of them are substitute of the real thing…and most are stuff i cant even read or pronounce(im just naturally dumb, anyways)….is that still kewl?….i mean the artificial stuff, not me being dumb, of course.
If I may Mye…
Yes, that is whole wheat – Sara Lee’s 100% Whole Wheat Soft and Smooth.
And yes, there are studies advocating some of these sugar substitutes as unsafe. In fact, it is because of this that I have stopped using Equal. There is the ingredient called aspartame that seems to be the bad guy found in Equal and in most other sugar substitutes. Splenda doesn’t have that though, and that’s what we’re using now. The Smucker’s Strawberry Preserves that we get is the kind made with Splenda. Smucker’s gives you a choice between Splenda and Nutrasweet.
thank you very much, mylab. i couldn’t have explained it any better.
I’m glad Jet discussed the difference between Equal and Splenda. I’ve long stopped using Equal in favor of Splenda. Siguro ilang years na rin. I also come from a family of diabetics and as you said, maganda talaga ang prescribed diet ng diabetic. Wala pa akong diabetes and I hope I won’t get it. What I’ve done is incorporate into my daily diet the recommendations that doctors give my relatives. I’ve reduced my carb and salt intake. Good thing na hindi ako mahilig sa mga desserts na matatamis so hindi ako gaano lumalamon ng mga cakes and pies. Pero ang area for improvement ko is in the area of soda intake. Medyo umiinom pa rin ako ng regular Coke. I should kick that habit talaga.
soda’s bad – para kang umiinom ng asukal. kami ni jet ay drink oolong tea with ice na lang. pag tumatakbo ako, yung gatorade na low cal.
thank you so much, auntie. also, would there be a difference between taking splenda and the turbinado or sugar in the raw for diabetics? i know it’s not as sweet as a pinch of splenda. im trying to subscribe to the diebetic’s diet…..it’s hard. it’s easier to gorge on the heart attack diet. i am having a hard time trying to change my family’s diet. i know it has to come from me.
thank you auntie and unkyel.
you know it just dawned on me that they don’t use turbinado on any of the stuff out there. almost everything has artificial sweeteners.
ano ba turbinado – brown sugar? hindi rin ata pwede sa amin.
I did a search… Splenda actually has a brown sugar variety.
lasang brown sugar na splenda mylab? masarap yon sa kape kung mayron.
“ang dilemma ko lang nung nagsisimula akong mag diet ay kinailangan kong kalimutan ang pinoy style ng pagkain dahil hindi ito masyadong maganda para sa mga may diebetic.”
Oo nga eh. Pero sa sobrang sarap kumain minsan sa loob loob ko, di bale nang mabawasan ang buhay, basta nakakain ng masarap.
Yun nga lang syempre nasa huli ang pagsisisi. Sigurado hindi na ganyan ang pagi -isip ko pag dating ng panahon when all of it catches up to my physique. I’ll be old fat and sick.
pag mas tumanda ka, maiisip mo rin sigurong mag ayos sa pagkain.
tito batjay!kelan ka po ba magpapablish ng book mo??sana po masmaraming makabasa ng mga pinagsususulat niyo dito.kasi dito sa bookstore na malapit samin,ngayon lang nila naisipan na maibenta yung book1 mo..excited na ko..sana….
sa March 28 ang book launch, wala pang place pero either powerbooks megamall or fullybooked SM North.
punta kayo sa launch.
One of my resolutions this year is to lose weight. I have gained 15lbs. during the past year. Now I’m also tryin’ to watch my diet.
I’m taking oatmeal and whey protein for breakfast. Minsan whole wheat bread din with Skippy Reduced Fat Peanut Butter. Kaso minsan hindi ko kinakaya ang whole wheat bread. Para akong kumakain ng cardboard. = P
wheat bread na di mukhang wheat bread, ang galing!
yan na uso ngayon dito mari. wheat bread na mukhang white bread. marami kasing turned-off sa regular wheat bread dahil rough at dry ang lasa. this one tastes like the real thing.
good luck sa pag diet GD, try what we eat – yung soft and smooth wheat bread is white and taste like normal bread.
problema talaga ang magkaron ng diabetes. Take it from me. Ang malaki kong problema e pag sinunod ko yung doctor ko, parang wala na kong pwedeng kainin. Sakit ng matigas ang ulo yang diabetes eh. hehe
oo nga, kakagaling ko lang sa doctor ko ngayong umaga. mataas na naman daw ang cholesterol ko at sugar. kahit anong gawin kong pag workout, nag slip ka lang ng kaunti ay ang laki na ng effect.
pero overall ay ok naman. kailangan lang siguro ng disiplina sa pagkain ng tamang pagkain.
Oo nga e. Yung nihilistic pilosopiya ko na di bale nang maikli ang buhay basta nakakain ng masarap, sensible lang kung patay agad.
Kaso hindi ganun. Yung Lolo’t Lola ko sa Father side, pinaharapan muna talaga. I take to my father a lot so I have a high chance of acquiring Type 2 in old age.
hindi mukhang wheat bread yung bread. parang ang sarap. hehehe
yebah!
masarap talaga.
gumagamit ako ng splenda pero may after taste to unlike sugar, pero no choice, mataas ang blood sugar π¦ buti pa sa US maraming variety of foods para sa mga diabetic, dito sa pinas konti na mahal pa! π¦ by the way, bumili ako ng kwentong tambay, galing! ang ganda.. kudos to you! π
Bossing, successful din ang south beach diet ko, which is a diabetic’s diet. Di naman ako hypertensive or diabetic but the diet helped me gain my old weight (and dress size), and made me feel good overall. Tama ka, ang bilis makaliit nang tyan.
Ang kulang na lang sa akin, unlike you, is disiplina to maintain a healthy regime & exercise. Kumakain na ako uli nang white rice and processed sugar pero at least nako-control ko na yung weight gain ko.
hehey, good for you auee.
samahan mo ng exercise and you’ll find out na mas mabilis ang weight loss, not to mention better overall feeling, better sex life, better stamina. ok lang naman to enjoy the food once in a while. kumakain din kami ni jet ng white rice at sweets pag may okasyon. ang importante, make the program part of your routine para kung mag miss ka, siguradong babalik ka rin sa good habits right after.
unkyel jay, nag wowork out ako ngayon na never kong ginawa sa entire beautiful life ko. kasi my bro was diagnosed with diabetes genetic inheritance kasi namin and diabetes. but for God’s sake i can’t do dieting, that word is a blasphemy to me. para akong hinihila ng masamang ispiritu kapag nakakita ako ng lechon, crispy pata, kare-kare, kaldereta at etc… parang binabangungot ako pag-iniisip ko ang salitanfg diet. gosshhhh, ang hirap!