Smells Like Teen Spirit

masarap palang magtrabaho sa opisina ng walang underwear. pakiramdam ko kanina, para akong si britney spears na nag commando. huwag mag-alala, hindi ko naman pinakita ang short comings ko. nakalimutan ko lang mag baon ng boxers (oo virginia, baduy na kasi ang briefs) dahil sa pagmamadali kong umalis sa bahay. tumakbo kasi ako during lunch at nalaman ko lang na wala pala akong spare underwear ay nung tapos na akong mag shower.

kaysa naman magsuot ako ng used underwear na basa ng pawis (eww, sabi nga ng mga bagets dito) ay nag decide na lang ako na magsuot ng jeans without underwear.

masarap pala ang pakiramdam ng maong pag dumikit ito sa pisngi ng pwet mo (bigla ko tuloy naisip na mag imbento ng maong na underwear). sa sobrang sarap nga ng pakiramdam ng jeans over bare ass ay bigla akong napasigaw ng “You wanna know what comes between me and my Calvin’s? Nothing.” di tuloy malaman ng mga kaopisina ko kung ano ang gagawin.

20 thoughts on “Smells Like Teen Spirit

  1. Ingat lang, baka makalimutan mong itaas yung zipper ng jeans mo pag-umihi ka…makasuhan ka tuloy ng unwarranted exposure of your shortcomings. Biro lang.

  2. hindi naman ako nagsusuot ng skinny. baka kasi bumakat ang shortcomings ko. pero parang commando nga, kaya lang commandong hilaw.

    bakit ba concerned lahat kayo sa zipper?

  3. Bosing, kaya kami concerned sa zipper e dahil napakasakit kapag naipit nito ang kahit kaparinggot na balat lang ni Big, este small bird. Tatalon ka talaga sa sakit. Sana wag mangyari sayo.

  4. hey bro wasup? dati nakalimutan yung pantalon, ngayon boxers naman, ganyan daw talaga pag tumatan…..este maraming pinagkaabalahan.

  5. pag dumating na yung time na makakalimutan ko ang pantalon at underwear ng sabay eh mag re-retire na ako.

    oo sir, na experience ko nang maipit ng zipper nung bata pa ako. siguro mga first grade ako nung nangyari yon. sa sobrang pagka traumatic nga ng experience na yon ay hanggang ngayon naalala ko pa kahit 6 years old pa lang ako nuon.

  6. “pag dumating na yung time na makakalimutan ko ang pantalon at underwear ng sabay eh mag re-retire na ako.”…

    Nangyari na yata sa akin eto pero hindi ako pwedeng mag-retire 😦 Comfortable palang magtrabaho na naka lycra shorts lang. Huwag ka lang tawagin sa meeting.

    Huwag mo lang kakalimutan ang socks. Alam ko naman na medyas lang -covered ka na.

  7. bwehehehe. hindi ko nga nakakalimutan ang medyas. hindi pa.

    oo nga pala pare, nag sign up na ako sa rock and roll marathon sa san diego this june 1st. di na pwedeng umatras at currently training na ako. baka mag sign up din ako sa surf city USA half marathon sa huntington beach next month para preparation. tapos, sinunod ko ang payo mo at bumili na ako ng garmin forerunner 305.

  8. uhm, unkle, if you watched something about mary, the zipper debacle i think is what they are concerned about.

    anyways, nice freeballing.

  9. hey man! you’re the MAN talaga!

    i remember my girl when you say na mag-imbento ka ng maong na brief kasi may maong shorts siya na sobrang ikli. it’s parang similar sa cut ng bootleg undies at natatawa siya everytime sinasabi ko, “you’re sexy wearing that maong undie..”

Leave a Reply to bertN Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.