dear unkyel batjay,
pupunta po ako sa dentista mamayang hapon at gusto ko pong malaman kung ano po ang mga kailangan kong gawin, bukod sa mag tooth brush, para naman po di ako kahiya-hiya sa dentisa ko.
maraming salamat at lubos na gumagalang,
gentle reader
dear gentle reader,
sa aking personal na experience, malaking bagay na mangulangot muna bago magpunta sa dentista.
ingat,
unkyel batjay
Tumpak… nyahaha!!!
Maganda na maligo ka muna, hot shower dapat para lumabot, tapos isinga mo na lang at di mo na kailangang kalikutin pa.
sumisid sa bathtub habang nangungulangot.
Oo nga ano? HIndi ko naisip yun eh related nga pala sila. Pero more than anybody else, dapat yung dentista din, mangulangot muna.
pwede rin sir, basta hindi lang kayo sabay nung dentista.
ginoong batjay, dahil sa kawalang magawa ko sa mga oras na ito ay hindi sinasadyang dalhin ako ng tadhana sa iyong site, nakakatawa ang mga kuwentong tambay na sinusulat mo, dahil diyan ipagkakalat ko sa ibang mga tambay ang kalokokhang ito. tnx (-_-)
Mr. Batjay, pakidagdag na rin iyong pagbunot ng mga buhok sa ilong na medyo lumilitaw na. May mga ibang lalake kasi na hinahayaang humaba ang mga iyon para maging bahagi ng kanilang bigote. Baka sinusuklay pa nga eh.
lol c baker. anong suklay gagamitin? suklay ni barbie? 😀
anong konek sa mangulangot ….hehehe(joke)
Korek! Kailangan presentable tayo. Ako sinisigurado ko pang hindi mag sipilyo at mag iwan ng tinga bago pumunta sa dentista. Para mag enjoy naman sya sa kakalinis ng ngipin ko.
mag-floss pa rin:P…
parang sex din ang pagpunta sa dentista. bago ka hihiga sa kama eh dapat bagong ligo ka. at least, para sa mga pinoy
hahaha! dapat malinis din ang ilong pag puntang dentista.
oo kasi di magandang may makitang kulangot ang dentista pag bigla siyang napasilip sa ilong mo.
para rin pala yang tuli no? dapat magtanggal ka muna ng smegma para pag tutuliin ka na eh hindi nakakahiya sa doktor o doktora…
kasi baka imbes na ipin ang bunutin o linisin ng dentista eh yung ilong mo ang mapagdiskitahan. sabihin mas kailangan ng ilong mo ang tulong. hihihi