bihira lang magkaroon ng bulalo sa mga american supermarket kaya nung nakakita ako nung sabado ng umaga ay bumili agad ako. ginawa kong bulalo steak para simple lang lutuin. budburan mo lang ng paminta at kaunting asin ang buto, sabay salang sa grill. first time ko lang itong ginawa sa buong buhay ko pero ok naman ang kinalabasan. sa tingin ko nga eh isa ito sa mga lutuing bobo. in other words, tanga ka na lang talaga kung niluto mo ito at palpak ang kinalabasang lasa.
ang secret ata sa bulalo steak ay ang sauce. kadalasan ay gravy ang nilalagay ng mga restaurant sa pilipinas, which is good kaya lang hindi na pwede sa akin dahil baka sumakit nang tuluyan ang batok ko. kaya patis lang ang sawsawan ko na may kaunting kalamansi at sili. bwakanginangyan, nagutom na naman ako sa kakakwento tungkol sa pagkain.
sabi ni tony bourdain roasted bone marrow daw ang kanyang pinaka-deathrow dish (na kung papanayin ang kain e baka maging death wish na). meron sa mga supermarkets nyan, soup bones eka nga. naka-freeze lang at di gaanong naka-expose.
how’s it going mate? nafoodtrip na naman ako sa topic mo! dito sa southern hemisphere malapit na naman magsummer, kadalasan puro barbeque. reminds me that i have to cleanup my trusty grill soon. btw, i read about your trip here to NZ in your older posts. nakarating ka na pala dito sa parte ng mundo namin. nabisita mo ba yung showgirls or white house sa auckland city? hehe
huwaw, sarap naman niyan. kung bakit kasi ang mga masasarap pa ang bawal. haha.
Sarap naman..bumili ka nalang kaya ng pinoy recipes or cookbook…para evryday may putahe kang malalagat dito..hehee…nagiging chef ka na sir…:0
hindi na kailangan ng cookbook. ok na sa akin ang instructions ni jet. yung mga paborito ko lang naman na pagkain ang pinag-aaralan kong lutuin na talagang masarap.
oo nga, at yung mga bawal ang masasarap.
i love NZ. mayroong steakhouse na maliit sa CBD ng auckland papunta doon sa pier. i forget the name pero ito yung lugar na naka display ang karne sa counter at pipiliin mo na lang ang gusto mong cut. great stuff.
oo nga bossing, napanood ko yung show na yon na nabanggit niya yung kanyang “deathrow wish”. in fact, pagkatapos nito ay tinatanong na rin niya ang tanong na ito sa mga chef na nakikilala niya on the show at napansin niya, most of them don’t give out complicated to prepare food. mostly, it’s simple home cooked meals from their childhood. yung latest niyang libro talks about “deathrow last meals” too.
ako, ang deathrow last meal request ko ay adobong pork ribs, white rice, kamatis, hard boiled eggs at longganisa.
pinag-laway mo naman ako. tinitignan ko pa lang ang picture tumaas na cholesterol ko.
Ang sarap nga ng bulalo steak mo Pa. You are so adventurous in the kitchen I’m already failing in comparison. Here’s to more surprises… I’m ready, willing and able… hehehe.
Labyu!
ma try nga… 🙂 Thanks for sharing…..
Mr BatJay, mukhang “pampabata” ang niluto mong special bulalo a! 🙂 Pampabata dahil pag nasobrahan ka daw, di ka na tatanda dahil siguradong mamamatay ka na sa sobrang cholesterol – hahaha! 😀
Di bale, I always say that life’s too short not to indulge in guilty pleasures from time to time. Happy eating!
ako ang deathrow wish dish ko yung mga prutas na out-of-season. pero kung matunugan ko na kakatayin pa din nila ako despite of, aba e rerequest ko na lang yung la paz batchoy sa harap ng ust (with extra chicharon), hungarian pastry sa may columbia u, at dinaing na bagong huling bangus.
bossing, naintriga ako dun sa smoky texture ng laman ba yun na nakabalot sa buto2. san mo sya minarinade? parang anlufet, gusto kong ngatain.
kaunting japanese rice wine, paminta at toyo. ang sarap talaga kaya lang pakonti konti lang dapat ang kain para sa tulad kong over 40 years old.
ako rin batjay nagutom sa post mo… yummm! bone marrow steak!
sarap talaga lalo na pag may bagong lutong kaning puti
first time kong malaman itong dish na ito… Please enlighten me, di ba yung bulalo e halos buto na lang? Ano pa makakain mo kung grilled lang?
ang loob ng buto ang kinakain. ie, yung marrow.
pag nagpunta ka ng laguna, tagaytay or parts of batangas, marami kang makikita na roadside restaurants na nagbebenta ng bulalo. bakahan at manukan sa maynila sells bulalo steak.
nakagugutom na thread. kainan na! unkyel batjay kailan kaba uli bibisita ng pinas? pakain ka naman! hehe!
yung Japanese rice wine… it’s called Mirin… masarap siya na pang-marinade ng meat lalo na pag beef
MYLAB!!!
sinabi mo naman ang mga secret ingredients ko. BWEHEHE. maraming salamat sa mga papuri mo sa luto ko. it means a lot,coming from you dahil magaling kang cook.
labU2
AY!!! hehehe… sorry!
Pero ok lang yun Pa. Nasa panlasa naman yun ng nagluluto… they may know your ingredients but they will never have your taste for food, or flair for flavor. Nasa lumalasa naman yun ng masarap, di ba?
Labyu3 😀
oo nga mylab. simple lang gawin ang bulalo steak. sabi ko nga, lutong bobo ito. kahit sino, kaya itong ihanda.
WML,
jay
Ang sweet nyo namang mag-asawa!! Siguro maraming langgam sa bahay ninyo.
yung bahay namin sa antilpolo maraming langgam. sa cebu marami ring langgam pero lumilipad naman.
Sayang ang taba sa loob ng buto kung grill mo,di ba mas malasa ang lamang-utak non?
hindi sayang. yun talaga ang kinakain sa bulalo steak dahil wala itong laman. puro marrow lang talaga.
naku batjay siguro lalong mas malinamnam nga kapag yung marrow eh nagrill.di pa ako nakakatikim nyan.masubukan nga at mura lang dito sa lugar ko ang mga bulalo,dahil di naman nakain ang mga aleman nuon.minsan supot-supot ang bargain nila ng bulalo,mga 3 kilo isang supot,cost 2 dollars lang.
wow mura. sige subukan mo. simple lang naman iluto.
slurrrrpppp…
count me in sa mga sobrang tanga sa kitchen. i’ll screw that recipe up, guaranteed.
mag-aral ka na lang kumain.
magaling ako dyan. minsan nagluto ako ng spiral pasta, naunat. tapos nagbake ako ng cookies, matigas pa sa kahoy kasi binato ng friend ko sa kotse, nadent. no kidding. nagluto ako ng quaker oats, mukhang soggy kuchinta.