dear unkyel batjay,
gusto ko lang pong malaman kung bakit mas matagal tumubo ang kuko sa paa kaysa sa kuko sa kamay?
nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,
siguro, dahil hindi ito naarawan. ikaw ba naman ang nakakulong sa loob ng sapatos buong araw kung di ka mabansot.
ingat,
unkyel batjay
ika nung mga magsasaka sa’min, seym keys din daw bossing.
ganun ba yun? lol
kaya pala mabagal din humaba ang buhok sa baba kesa buhok sa taas eh dahil nakakulong din sila.
Hindi ba dahil “kulob” kaya limited ang room for growth? Or in my case, “dead on arrival”
tama naman eh. nakukulob sa loob ng sapatos kaya nababansot hehehe…
dead on arrival. hehehehe. i like that.
ganda ng title — very poetic. tapos kuko mababasa ko, as well as hair up there and down below… lol. buti na lang about growth lang ‘yan of things “nakakulong”. pa’no pag sinali mo pa yung fragrance (or whatever it is called)? no, no further comment…
hahahahahaha.
wala akong masabi. pinasaya mo na naman ang araw ko.
kuko sa paa pa lang, napasaya ka na. pano pa kung kuko sa kamay.
Napadaan lang uli bj, sabi ko naman sayo mapapadalas na ang daan ko dito ayaw ko kasing mag kulong baka ako mabansot….
buti naman
batjay, di kaya dahil sa law of gravity yan? di kaya mas malakas ang gravitational pull pag mas malayo sa center of gravity kaya yung boobs mas malaki kesa sa betlog, hairup mas mahaba sa hairdown, fingernails longer than toenails ?
heheheheehehehe…
ganoon pala ‘yun kaya pala yung kuko ko sa paa di na tumubo..’
pero bakit ako.., xpose lagi sa araw pandak pa rin?
hehehehehehe..
may tanong ako: “kung ang tao inuuod pag namatay, ang uod ba pag namatay inuuod din?”
tagal ko ng tanong yan eh..
hindi kaya piniglihi ka sa kuko sa paa?
siguro nga pareng gilbert. mas malakas ang pull ng gravity habang papalapit ka sa center ng mundo.
Hi unkyel, naparesearch tuloy ako sa internet kung bakit mas mabagal humaba ang kuko sa paa (lol)! At ang nalaman ko ay wala pa talagang definite explanation tungkol dito. Pero yung explanation mo (sun) ay isa sa mga theories ayon sa everything2.com!! Bilib na talaga ako sa iyo.
sabi nga ng teacher ko sa consumer math nung high school – “common sense will tell you na maganda ako”
Uu nga ano bakit nga ba hindi ko man lang yun napansin o napag isipan man lang. May point ka nga dun!
hula ko, siguro kasi kapag nagsasapatos tayo, nababangga yung kuko kapag mahaba. kaya hindi siya masyado humahaba, dahil nag-a-adapt.
parang yung mga puno sa taas ng matataas na bundok, maliit sila dahil masyadong mahangin. kapag tumaas pa sila, mapuputol lang sila ng hangin. nax. 😉 nag-isip ako dun a!
“hula ko, siguro kasi kapag nagsasapatos tayo, nababangga yung kuko kapag mahaba. kaya hindi siya masyado humahaba, dahil nag-a-adapt.”
Eh di pano tayong mga Pinoy? Nakabrief palagi kaya ayaw humaba ganun?
siguro nga. adaptation ng parang yung sa mga bulag na isda na nakikita sa mga underground river.
kase yung rate ng growth ng kuko is proportional sa haba ng daliri. kaya, mas madaling humaba yung kuko sa kamay kase mas mahaba ang mga daliri natin sa kamay kesa sa paa.
tsaka pansinin nyo din na yung mga taong mahahaba talaga ang mga daliri, mas mabilis humaba yung kuko nila.
joke lang.