ang sabi sa mga health manual na kumakalat dito ngayon, kailangan mo raw maglakad ng 10,000 steps araw-araw para siguradong makita mo ang titi mo tuwing iihi ka (kung lalaki ka, siyempre). nakakaliit daw kasi ito ng tiyan. personal experience tells me na tutuo ito pero duda ako na kayang maglakad ng mga taga rito ng 10,000 steps a day, especially dito sa california kung saan kailangan mo pang gumamit ng kotse para pumunta sa sari-sari store, pag nautusan ka ng asawa mo na bumili ng suka.
mahirap kasing gawin ang 10,000 steps a day and here’s why: based sa mga calculations ng mga magagaling na scientist, the length of each step daw is 2.5 feet kaya ang 10,000 steps ay equivalent sa 5 miles, unless siyempre kung ikaw ay unano o kaya’y sakang. 5 fucking miles! katumbas iyon ng 8 km. sino ba namang gago, bukod sa akin, ang willing na maglakad ng 8 km a day?
I keep watching, I keep waiting,
I keep watching, I keep waiting,
I keep a watch, a close watch on this heart of mine….
Send me one line….
Tell me who you are..
Send me one line..
Tell me just what might have been..
Send me one line.. tell me who you are..
Send me one line..aaahhh
ay..napakanta akong bigla… hehehehe
Happy Easter to you and Jet!
happy easter ate gretch. next time tayong magkita, magkantahan tayo. ano bang kanta yang kinanta mo?
Send Me One Line by Spyro Gyra.
Sige ba!
spyro gyra – wow. ang paboritong grupo ng mga jazz groupies sa maynila.
jay, happy easter sa inyo dyan. plano mong mag-samuel belibet? π
happy easter din gilbert.
hehehe… oo, to walk the ends of the earth until the end of the world (whichever comes first).
Bosing, e kung mag jo-jogging ba, 5,000 steps na lang kailangan.
Sabi mo hindi inobserve dyan ang Good Friday. E di wala ring Easter Sunday? GAnun ba yun?
Di bale, belated Happy Easter na rin.
siguro – 5000 steps pag jogging, 2500 steps pag running. mas high impact kasi. makes sense hopefully in a right kind of way.
may easter dito kaya lang nalilito ako – ano ang connection sa pagkabuhay ni jesus sa egg hunt at easter bunny? sa tingin ko ay ginawang democratic ng america ang easter kaya pinagsama na niya yung mga iba-ibang christian at pagan practices in one.
happy easter kuya batjay! sama mo na ko sa mga gagong willing maglakad/jog ng 8 km a day he he … nakakapudpod ng tuhod at sapatos/tsinelas pero some how satisfying dahil alam kong that’s all the workout my body will get sitting behind the computer all day. karamihan ay nagsasabing sobra sobra daw ang workout ko na ganun … ewan? yun din ang alam ko e 10,000 steps.
hey ZV – napansin ko rin. karamihan ng mga kasama ko sa paglakad, basketball at pag gym sa opis namin ay mga taga development. sila yung mga hard core programmer na nasa harap ng PC all day and night.
ang average bili ko ng running shoes – 1 every quarter. medyo magastos nga kaya lang mas mura pa rin kaysa ma ospital.
Kuya batjay, naglakad ako sa Batad Rice terraces sa Banawe ng 4,000+++ staircases back and forth pero di ko pa din masyado makita etits ko…laki pa kasi ng bilbil ko…sabagay i am taking steroids kaya mejo tumataba ako…para sa kidneys ko for transplant kasi ako sa October…Pero natatakot pa rin ako dahil baka lumiit ang etits ko. Sabi ng tropa ko e yun daw ang side epek nun…bahala na si batman…hope to read more soon…
rice terraces walk up and down? wow – i’d do anything to be able to do that. good luck sa transplant mo. hindi naman siguro liliit yan pero para sigurado, sana makakuha ka ng donor na pinaglihi sa lalaking kabayo.
ingat!
medyo magastos nga talaga ang healthy lifestyle, sama mo na ang food … nakooow! mahirap gawin with our pinoy diet.
i’m actually pretty hardcore now. araw araw na ang workout ko … except on sundays. 5km run before hitting the gym. 8 km naman pag hindi nag-gym. kawawa ang sapatos … halos pareho tayo quarterly din ang palit ko.
nakaka-addict din kasi actually, when you get to enjoy what your doing. tsaka gumagaan na ang katawan mo.
gym ko nga pala is not lifting weights kundi boxing. i highy recommend it. very enjoyable π
5k a day. hehey – good job. sana di ka magsawa. dito sa opisina, marami kaming nagpupursige na maging in shape kaya everyday may dumadaan sa opisina ko para mangamusta kung ano na ang progress ko. very encouraging sila sa pagtakbo ko.
ikaw din, tuloy lang he he … to good health! π
sana dumating ang point na kayanin na natin ang “300” workout he he …
ano yung 300 workout?
Eto yun he he … π
If I had your discipline and enthusiasm, I would Pa.
As it is… hehehe…
kaya mo yan mylab – one step at a time, sabi sa mga health manual. hindi naman one big leap na 10,000 steps in one go.