panoorin ninyo ang “Sino Ako” – ang una kong music video.
dedicated para sa lahat ng mga tamad na sumulat sa akin at nag re-request ng lyrics at chords ng kantang ito na hindi ko napagbigyan dahil wala akong oras. bwakanginangyan, bumili na lang kasi kayo ng songhits sa national bookstore.
at siyempre para kay jet na parating naiiyak pag naririnig niya itong kinakanta ko.
ang galing nyo talaga mr. batjay touching naman yung song, nakakapagpabagabag ng damdamin. sana pag nakauwi kayo dito mag bar tour kayo dito at mag perform i swear manonood ako sabay papirma na rin ng book heheheh!!!
salamat. sige, gawa tayo ng booking sa underpass ng quiapo.
batjay,
para sa mga gustong magdownload ng youtube mtv mo, 2 easy steps lang:
para sa lyrics, hanapin ito sa mass song books in your nearest friendly church.
dapat ata may bayad sa akin pag nag download.
batjay, totoo bang dating folksinger ka sa mamonluk? klan pa naging folkhouse iyon?
sa mga nangungulit kay batjay tungkol sa lyrics ng kanta, eto na ang url: http://www.christianlyricsmusic.net/tagalog-christian-lyrics/hiram-sa-diyos.html
kaya siguro di lumalabas sa search nyo kasi “hiram sa diyos” ang title na nakalagay sa url ng kanta.
ayos – chords na lang ang kulang. huwag mo nang ibigay bossing at magiging spoonfeeding.
Hi,
Congratulations for being a finalist for the Philippine Blog Awards 2007 under the Best OFW Blog Category.
I’m Moslemen “Jun” Macarambon Jr. part of the organizing team and committee for the Awards Night.
I’m making the rounds to gather the contact info and establish direct communication with the finalists. This will give us an avenue to give instructions and other details.
May we ask for the following please?
Real Name:
Email address:
Mobile Number:
City and Country where you are based:
Once this is settled, we’ll know where to communicate the Awards Night details with.
We hope to hear from you soon. All the best to you and your blog.
Email me the details here jun [at] wyzemoro [dot] com
Ikaw naman bosing, chords lang… wag na nating ipagdamot. Mga kaibigan ito ay sa Key of H. Tapos daan sa Hm, Z tapos I. Yan lang pong tatlong yan. Dominant, sub-dominant at abused!
hehehe… biro lang yon. baka sabihin ng mga tao, madamot tayo. hekshuli, kita naman ng kaunti ang mga chords doon sa video.
ayos pare,kumusta n kayo , muntik n kong maiyak kaya di ko n tinapos,kailan tayo babalik ng Vegas,pag napunta ka uli tawagan mo si Pareng Egay. Regards kay Jet,God bless.
PARE!!!
miss na namin kayo. kahapon nga, nakita ni jet yung mga picture natin sa SG – naiyak siya. minsan tuloy, naiisip ko dapat di na kami umalis diyan.
kailan ba kayo pupunta rito? para sabay-sabay tayong magpunta sa vegas at mabisita si pareng egay mo.
ingat at musta kay leah!
hehehe.. bagay nga ang banner, ano?
ang ganda nga ng ginawa mo ninang. wala ka bang manilena banner na pwede kong ilagay sa site ko?
ingat!
Aba, talagang folksinger ang dating at may halakhak pa sa dulo. Bilib ako sa iyo, Batjay, talagang talentado ka, hehehe.
yung tawa nga ang pinakamagandang part ng buong kanta.
Thank you mylab. Pag naririnig ko kasi itong kantang ito, pumapasok sa isip ko talaga how humbled we could be because of love, and yet it simply is the greatest thing to have in our lives.
Feel na feel ko lalo pag ikaw ang kumakanta… the greatest love of my life.
Labyu! 😀
maraming salamat mylab. para naman talaga sa iyo ang kantang ito. lab U!
sir batjay,
natalisod ako dito sa website mo nung nag-re-research ako tungkol sa podcasting last year. tinamad ako mag-post noon kasi dial-up pa ako. ngayon, broadband na ang connection ko kaya hindi na ako aantukin sa paghihintay. anyways, mali po yung spelling nyo ng “succomb” ang tama spelling po “succumb.” tapos, ang galing nyo pala kumanta. smoker nga kayo kasi halata sa boses nyo eh. nakakaaliw ang site nyo, sir. hello po, ako si almond from antipolo city. ngapala, migrating na din ang parents ko punta sa Cali by mid year. May payo po kayo?
salamat. matagal na akong hindi naninigarillo. saan sa cali pupunta ang mga parents mo?
sit batjay,
sa los angeles po. 52 na ang nanay ko, 60 naman ang tatay ko. excited sila to go there kasi mura daw mamili sa supermarkets dyan. mura ang food at basic necessities. dito kasi sa atin mahina ang 5,000 para sa pagkain at basic necessities sa bahay. ang baygon 200 plus ang malaking canister.
ah sa la pala. sana tulungan sila ng kung kanino sila titira dito. medyo may kaunting culture shock. marami namang mga pinoy stores sa LA kaya hindi sila masyadong maninibago sa pagkain. baka lang sa lamig at init.
mahal na pala magpakamatay ngayon sa pilipinas.
elow batjay,
gleng nman voice over mo he..he..kala ko si padir sonny ramirez yun huh! btw seryusli, very very nice inspirational music you did…
just read jet’s blog in dejabrew ba yun khapon n was surprised na maglabsteam pala kayo…wow!!!kudos sa inyong dalawa…i dunno you guys but feel ko talaga na match made in heaven kayo…duet nman kayo ni jet minsan ha???Godbless…
newyork navigator
sonny ramirez? BWAHAHAHA. bespren ni erap.