suswertehin siguro ako. nakapulot na naman ako ng 1 cent habang naglalakad kanina. itong linggo lang na ito, siguro mga 4 times na. kasabihan kasi rito na may darating na suwerte pag nakapulot ka ng penny kaya nga pumasok sa isip ko na may bubulagang goodluck sa akin. oo nga pala, contrary sa mga sinasabi ng mga kabarkada ko sa novaliches, penny ang tawag sa 1 cent coin, hindi penis.
actually yung fact na nakakapaglakad ako papasok sa opisina (enbaysbersuh) ay good luck na para sa akin. bukod sa exercise, nagbibigay ito sa akin ng oras para makapag isip at makapakinig ng kung ano-ano. kahapon nga, tawa ako ng tawa papauwi. siguro iniisip ng mga taong nakakita sa akin eh nababaliw na ako. sabagay, tutuo naman. nakikinig kasi ako sa standup ni robin williams.
minsan naman tumingin ako sa langit. hindi naman dahil sa natatakot ako na may malaking ibon na magbabagsak ng kung ano, altough malaking posibilidad ito kasi maraming mga uwak at lawin dito. tumitingin ako sa itaas dahil iba kasi ang hitsura ng langit dito sa southern california. asul na asul ang kulay niya – minsan nga pag tumitingin ako sa itaas, half expecting akong may lalabas na malaking karatula ng “THE SIMPSONS” na korteng usok.
kung tutuo ngang may langit, ayokong makakita ng kumakantang mga anghel na may malalaking pekpek. boring yon. pag kinuha na ako ni harold (our father, harold be thy name) gusto ko ay dalhin niya ako sa isang lugar na may view ng dagat at bundok, maaraw pero medyo malamig. yung pwede kang maglakad na walang demonyong lalapit sa iyo at may blue sky na pwedeng gamitin sa opening sequence ng the simpsons. at siyempre, dapat maraming baryang mapupulot habang naglalakad.
1st comment =)
namiss ko na tong site mo manong batjay
conggrats nga po pala sa book.
idol.
bigay pugay.
maraming salamat sa iyong pagbalik. sana may kopya ka na ng libro. ingat at hanggang sa muli.
Sir, nakakatuwa ang inyong pahina. Tuwing ako e nababato sa aking trabaho binubuksan ko ang inyong pahina at nakakaalis ng aking pag kapagod at bagot sa trabaho. Ipagpatuloy nyo ang pagbibigay kasiyahan sa mga taong nasa labas ng bansa (syempre yon na rin mga nasa loob). Mabuhay kayo!
MABUHAY! salamat sa pagbasa. huwag ka lang magpapahuli sa boss mo.
ingat!
naiinis ako sa nanay ko, dumating dito na walang dalang book mo ang sabi sa kin out of stock daw? tsk tsk tsk sabi ko wag sa national bookstore tutuban pupunta kasi wala namang libro dun 😦
ikaw na lang bumili pag uwi mo.
oo nga ganun na nga lang ang gagawin ko o kaya kapag may umuwi na lang ulit
good luck
Aba at talaga palang nahuhumaling ka sa cartoon na yan ah. Aba e lahat na lang ng show nila naka-save na sa tvo… hehe. Di bale, ok lang mylab, enjoy din naman ako dyan e.
Nase-sense ko din sa blog mo na parang ang saya saya mo ngayon. It’s almost like you’re saying you’re in heaven on earth. Are you?
pag kasama kita
Nakakatuwa basahin palagi ang inyong pay uusap na mag asawa :). Ang sweet sweet nyo palagi. Sana lahat ng relasyon ganan, kahit matagal na mag asawa para pa rin laging nag liligawan. 🙂 Ang bilis ng panahon, patapos na naman ang Enero- bukas makalawa December na ulit- makakauwi na ako- ako din siguro bibilhin ko libro nyo. Isang maligayang araw sa inyo at sa maylabs nyo :).
maraming salamat. ako rin natutuwa.
The Bob Ong of the Internet.
nice works, unkyel (kahit di tayo close). Ako man, gumagawa ng mga tula na walang patutunguhan.