Like the castle in its corner in a medieval game

dear unkyel batjay,

gusto ko pong humingi ng tulong sa inyo – ako po ay isang 38 year old na lalaki, kasalukuyang nagtatrabaho dito sa middle east. ang problema ko po ay ito. iniwan po kasi ako ng kasintahan ko after 10 years na pagsasama. hindi ko po alam ang dahilan. siguro po ang hindi na niya makayanan ang long distance relationship namin. ano po ang gagawin ko? hindi ako makakain, hindi ako makatulog. gusto ko pong umuwi sa pilipinas at komprontahin ang girlfriend ko.

tulungan po ninyo ako.
gentle reader



dear gentle reader,

ilagay mo na lang lahat sa perspective para hindi ka mabaliw. isipin mo na lang mas maraming tao ang may mas malaking problema sa iyo. kung ako nga, may tigyawat ngayon sa loob ng ilong eh hindi ako nagrereklamo. pagtagal, mawawala rin yang sakit and you’ll move on.

good luck,
unkyel batjay

17 thoughts on “Like the castle in its corner in a medieval game

  1. Parang ito yung narinig natin sa Church kanina Pa ah. How the different personalities would react to somebody telling them he has a bad day… remember? hehehe…

    Perspective, indeed. 🙂 Kaw talaga, kiss kita dyan e! 😀

  2. Sa mga ganyang pagkakataon, naiisip ko na hindi totoo yung kasabihang “absence makes the heart grow fonder”.

    Tama yung payo mo unkyel. Life should move on for him. Ilang libo ba ang babae sa mundo? Dami nyan. Masakit lang sa umpisa dahil para kang natraydor pero yun nga, perception nya lang yun.

  3. hindi po problema yan… isipin mo na lang na maraming babae sa mundo. At kung yan ang nasa isip mo lagi, cgurado akong kahit iiwan ka pa ng pang-100 na syota mo, hindi ka mamroblema. Isipin mo na lang, 100 na babaeng tao natikman mo.

    wag lang po kayo mag-isip ng maraming babae…….eng aso o baka o baboy…. ang isipin mo lagi ay babaeng tao.

  4. Long distance relationships rarely works. Hindi naman tayo naninirahan sa mundo ng mga teleserye at telenovela na laging nagtatapos sa happy ending. Kailangang maging open tayo sa mga ganung pagkakataon.

  5. Sa pagkakaibigan napatunayan kong kung totoo ang friendship, magtatagal. Pero malabong mangyari yan kung more than friends ang relasyon. ‘Di talaga nagtatagal. Marami pa namang babae dyan. And I wish gentle reader well 🙂

  6. Naku ha! Nararamdaman ko ang pait at sakit ng puso mo. Bilang tulad mong na-torotot din ang girlfriend, na-aalala ko pa ang gabing pumunta ako sa bahay ng minamahal kong girlfriend pagkatapos ng ilang buwan ng pagkawala sa piling niya. galing ako sa Olongapo mula sa Japan, bitbit ko ang mga pasalubong ko sa kanya ng bumuklod sa may sala ng bahay nila ang katotohanan nuong mga panahong nawala ako, may iba na siyang mahal ika niya. Ang lalaking nakatayo sa may bintana nila ang siyang naging kapalit ko. Para akong binanlian ng mainit na tubig tulad ng manok bago i-tinola! Tumalikod na lang ako, iniwan ang mga pasalubong ko, tuliro at dali-daling lumabas ng bahay, lakad ako ng lakad palayo ng palayo na para bagang wala kang direksiyon…”Dude where’s my car?”..Natuliro ako ng husto sa sakit ng sinabi at nakita ko sa bahay ng dati kong girlfriend, na nakilumatan ko tuloy na dala ko pala ang kotse ng tatay ko at naiwanan ko sa tapat ng bahay ng walanghiyang kaliweteng babaeng minahal ko pa naman. Maraming gabi ang di ako makakain at makatulog, naparami ang paninigarilyo ko at humarap ako sa alak. Lumipas ang mga ilang linggo ng minsa’y naisip ko, Aba eh lintek na mahirap ng mag-isip ng mahusay kung kinikimkim mo ang sakit ng nakaraan. Nag-jogging ako, hiking at iniwasan kong pakinggan ang mga love song sa radyo lalo na ng pa-ulit-ulit na pinatutugtog yung hit ni Natalie Cole na “I miss you like crazy” Nakaka-crazy nga at torture pero nilabanan ko ang pangngungulila kay miss kaliwete at panahon nga ang nag-hilom sa sugatan kong puso at pamula nuon ay naging “player” na lang ako at nalimutan ko rin ang pag-katorotot sa akin. Kaya hayaan mo lang at ang mga tunay mong kaibigan ay makaktulong sa iyo, humingi ka rin ng tulong ng lakas loob kay bosstsip sa itaas. Nakikinig yan sa mga taimtim makiusap. Tuloy mo ang paghahanap buhay mo diyan sa middle east, mag-bakasyon ka sa ibang bansa, wag ka munang umuwi sa atin at babalik lang sa iyo ang mga malungkot na ala-ala. Tandaan mo, yang mga pag-ibig na darating sa buhay mo ay pansamantala lang hanggang matisud ka ng kupidong makulit at i-pares ka sa babaeng makakasama mo habang buhay. Kuwidaw! “Tiwala ang kailangan at tapat na samahan bago mo ipangako ang bahay at lupa,life savings mo at pati na ang minana mo sa mga magulang mo sa susunod mong babaeng mamahalin. O sige tahan na at ituloy mo ang ligaya sa buhay.

    Ang iyong Tiyo Delyo

  7. hmm..problema ko nga yan ngayon. nasa isang long distance relationship din ako pero eto, pahaba ng pahaba ang pasensya at patagal ng patagal ang pagmamahalan. Minsan, hindi maalis na mag-isip kung may future talga kami pero iniisip ko na lang lagi – mas okay maghintay at tumangla kasabay ng pagbabalik nakaraan sa maraming sandaling pinagsamahan namin.

    nga pala batjay, sa wakas, nakakuha na rin ako ng kopya ko! sa SM fairview NBS lang pala 🙂 tinanong ako nung miss na nagbibusy-busyhan dun kung pambata o pangmatanda ang libro. Naisip ko, may age bracket ba?! natawa ako sa kanya 🙂 anyway, nakakatuwa ang libro na nakakaiyak 🙂 padadalhan ko ng kopya ang partner ko na nasa abroad. makakarelate sya tyak. pero batjay, bitin ako sa libro. sana may Part 2 pa!

    P.S. binlog ko din ang K.T. experience ko hehhe

  8. nasa sa inyo naman, what you want to do with your relationship. magagawan naman ng paraan ang malayong distansya pero mahirap talaga. sana, dumating agad ang panahon para makasama ka. tulad ng ginawa namin ni jet – after 2 months, kinuha ko na agad siya. hindi rin kasi ako sanay na wala siya.

    naaliw ako sa iyong kwento. especially sa teacher mong mahilig magkamot. marami akong experience sa ganyan – isama mo na yung mga talsik laway at bukas ang mga zipper.

    maraming salamat sa pag review mo ng libro. buti naman at naiyak ka sa mga nakakatawang kwento. yan din sabi ng bilas ko nang binabasa ng sister in law ko yung libro – “bakit ka umiiyak eh comedy yang libro?”

    hanggang sa susunod mong pagbalik – ingat.
    jay

    ps – hopefully darating na ang yaya mo.

  9. nakakaiyak kasi nakakarelate ako sa mga kinkwento mo. nakakatawa dahil kahit may bahid ng lungkot ang iba mong eksperyensya, nakuha mo pa rin makita ang humour sa buhay. at, nakakarelate ulit ako. Kaya, sana may Part 2! at tama ang ibang bloggers, dapat may book signing 🙂

    P.S. pinahiram ko sa yaya ko ang libro mo, para matawa sya habang nagbabyahe.

  10. napakasaklap talaga ng ganyang experience. i never experienced it, but I can just imagine how it is. ‘yung iba nga sa ‘tin, mapadpad lang sa ibang opisina, iskwela or barangay, namimiligro na ang relasyon. ‘yun pa kayang nakikipagsapalaran sa ibang bansa?

    good luck sa ‘yo gentle reader. basta ano man ang mangyari, ‘wag kang magpapalit ng sexual preference.

  11. gentle reader, dont worry and be happy, bata ka pa naman kaya marami ka pang mami-meet na iba..just take your time and deep breath and think naririto lang ako as your friend….

Leave a reply to Noypetes Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.