.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }.flickr-yourcomment { }.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }
gustong gusto ko ang ginawa ng conspiracy sa kanilang promotion – nilagay nila ang “FOR SALE” sign ng libro ko sa banyo. siguro may genius doon na tulad kong mahilig sa “toilet humor” na nakaisip na mas maraming bibili ng libro kapag binabasa nila yung “FOR SALE” sign habang hawak nila yung mga titi nila. mas maganda nga sana kung may nagtitinda ng libro mismo doon sa loob ng CR. pwede siyang katabi ng masahista at taga bigay ng napkin. maraming salamat kay joey ng jobarclix sa pagpadala ng litrato.

Toilet reading ika nga!
interesting! saang banyo yan? dun ako bibili.
halatang hindi nagbabasa. hehehe.
nampucha. nahilo ako kakahanap ng libro mo sa national at powerbooks kanina, nasa banyo lang pala siya matatagpuan. Hay, sana next week makakita na ako ng banyo kung saan pinagbibili yan.
🙂
try conspiracy garden cafe. may libro na may kasamang musika, inumin at pulutan.
or fully booked, mag:net, filbars and booksale.
national and powerbooks – hopefully within the next 2 weeks. kahapon lang daw sila nag order sa publisher ko.
ingat.
jay
ano yun, in case maubusan ng toilet paper?
I can’t wait to get hold of my copies (I bought 2)! Nagpareserve na ‘ko sa Fully Booked at ipapakuha ko na lang sa aking representative! Yehey!
two copies! kyul… marami nang nakabili sa fully booked sa power plant.
pareng ibalik – oo, pag naubusan ng toilet paper, pwede nang hatakin yung for sale sigh. parang ano yan, yung “Break Glass in Case of Fire”
Every Tuesday, there is a poetry and bookreading in Conspiracy. I heard that this coming tuesday, the topic for poetry reading is about OFWs and the Cultural Center of the Philippines will aponaor that event. They said that they will read some of your writings in that event….galing…..
yes, they will. it’s not final yet and that’s the reason why i haven’t announced it
batjay,
wala ga niyang libro mo sa tatak pinoy?
dp
it’s funny you mentioned that. my publisher has a working relationship with tatakpilipino.com and are negotiating that they sell my book online.
batjay,
good! madali la-ang iyan. sa tatak pinoy dine sa may hollyweird ay may ibinibentang kalesa, kaya maiibenta din iyang libro mo.
dp
abangan mo na lang yung libro – siguro bago mag pasko ay available na ito online
Parang andaming tumutulong i-promote yung libro mo mylab. Sindami din sana ng mga taong natutuwa para sayo.
Ang yaman mo talaga sa kaibigan. 🙂
pssst batjay,
I got your book na from filbars! they initially had 5 copies and the salesladies quipped that mabenta daw and they only have one more copy left. of cors, i snatched it up.
can’t stop laughing… very irreverent and bastos. masarap magbasa kpag jumejebs. don’t ask why. hahaha.
complaints ko dun is this: sana may table of contents ma lang kahit size 6 ang font nun. and sana na categorize ang mga poems and letters and travel stories…
other than that, galing mo pare! hanga ko sa wit ng sulat mo. i wish i could have that kind of humor and sarcasm you graciously write.
kamusta julsitos? long time no hear.
thank you very much for the short review. buti naman at gumagalaw ang libro. kaya ka natatawa siguro pag nasa trono kasi puro toilet humor ang content ng libro. hehehe. natuwa ako at maganda ang review mo – nakita ko kasi yung mga sinulat mong review sa blog mo at natakot ako baka hindi mo magustuhan.
salamat din sa mga suggestions mo. actually, nabanggit ko na yung pag arrange ng mga entries into categories – tama ka, kahit doon man lang sa poetry at letters. kung mayroong 2nd book ay baka ganito ang mangyari. ok rin ang suggestion mo sa table of contents – tama ka. baka may mga tao na gustong maghanap ng entry eh kailangan may guide sila.
gusto ko nga ring mag imbita ng mga kaibigan kong illustrator para gumawa ng mga sketch para may kaunting eye candy.
ah, mga plano lang ito. i hope magkaroon ng part 2. otherwise, magsasayaw na nga lang ako sa gay bar.
ingat at maraming salamat ulit!
jay
oo nga mylab. masarap ang maraming nagmamalasakit. kahit di tayo mayaman sa pera, marami naman tayong kaibigan. buti na lang.
batjay, salamat for the quick feedback. sana magiging parang bob-ong books din ito. anyway, i promise to review it sa blog….sana ma-autograph mo ang book ko d2. hehehe… mayupcoming booksigning ka ba?
The book must be selling well! I just came from Megamall to buy my copy at the Filbars. Ubos na! Congrats, sir!
Great blog! GALING!
tito rolly,
baka naunahan ka ni julsitos. kakagaling din niya sa flibars at sabi sa kanya ng sales lady, yun na raw yung las copy. di ko lang alam kung saang filbars siya galing. sana makabili ka na – wala rin ba sa booksale? katabi lang halos ito ng filbars sa basement ng megamall.
pareng julsitos – sige sir, hihintayin ko ang review mo. book signing? hehehe… sana nga mayroon ano? pag bumenta ang book, baka sakaling umuwi ako para mag promo. hopefully next year.
Should that happen, it’s gonna be one of hell of a homecoming and I sure would want to be there. 🙂
SIYEMPRE mylab… ikaw ang taga pirma?
matagal ko na ngang gustong umuwi.
batjay! go na. punta na ko bukas para mag-abang na tawagin ako. i’ll do my best to get some more copies for conspi to sell tomorrow. 🙂
congrats ulit!
hallo ulit! ang tagal ko ng naghahanap ng kopya ng book.. lagi akong nawawalan ng kopya! last stop ko na ang conspiracy bar, mamaya! 🙂
maraming salamat. hopefully by now, nakadaan ka na ng conspiracy and that you already have a copy of the book. saan ka ba dati nagpunta at di mo ito mahanap?
hi tinaB – sayang at hindi ka nakapagbasa. di bale nek time na lang ulit.
hallo! sa sm north ako naghanap, yun kasi ang malapit sa ofc namin eh. at pagkatapos, dinelubyo naman ang buong kamaynilaan dahil ke mileno, sarado ang conspiracy bar! waah!!
malamang by now, mayroon ka nang copy. i think they have it in almost all the bookstores at megamall. ingat.
woohoo! nag ka ron na rin dito sa bandang alabang! 😀 pampatawa sa murang halaga! great book! 😀
maraming salamat sa pagbasa sa libro. sana ay manalo ka sa lotto.
ingat!
jay
Sa wakas nakarating na ang pinabili kong libro. Bakit ganun parang bitin, may kasunod ba ito?
maraming salamat sa pagbili. hopefully, may karugtong one of these days. marami pang kwentong hindi nakukwento.