yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala – the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una – ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa – pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.
ano ang natutunan ko itong 15 years? marami. natuto akong tumingin sa buhay with a new set of eyes. dati ako’y duling. ngayon banlag na lang. ang maganda kasi sa amin ni jet ay nagsimula kami sa wala – although siyempre suwerte si jet dahil ang napangasawa niya ay matalino, marunong sa buhay, guwapo, makisig, matangkad pero mahilig magsinungaling. hehehe. medyo corny siguro sa pandinig ng iba na kaya kami nag-asawa ay dahil mahal namin ang isa’t isa pero you can’t beat the fact na nakatagal na kami ng 15 years.
malaking tulong din sa relationship namin na tumira kami sa labas ng pilipinas. 5 years na kaming out of the country. ano ba ang pagkakaiba kung nakatira ka sa labas ng pilipinas? malaki. malaking malaki. dito kasi, walang tutulong sa iyo. hindi ka pwedeng tumakbo sa mga magulang mo para humingi ng saklolo. walang katulong na magaasikaso ng mga gawain sa bahay. pag nag-away kayong mag-asawa, wala kang pupuntahang iba kaya sisiguraduhin mo na bati na kayo bago matulog. wala kaming anak ni jet kaya kaming dalawa lang talaga. lahat ng mga dumating na mga pagsubok at lahat ng mga mabuting nangyari – kaming dalawa ang humarap nito. it has made us stronger and closer.
pag pala tumatanda ka na, ang gusto mo na lang sa buhay ay yung mga simpleng bagay. ayaw mo na ng karangyaan. kuntento ka na lang na gumising sa umaga na katabi mo sa kama ang asawa mo. maligaya ka na nagkakausap kayo ng regular at magkasabay kumain. masaya ka na paminsan minsan ay nanonood kayo ng sine o kumakain sa labas. sobrang kasimplehan lang ang gusto mo na ang idea mo of a good time ay manood ng TV habang nakahiga kayong dalawa sa masikip sa sofa (na sa sobrang sikip ay kung may isa sa inyong umutot ay matutumba kayong pareho sa sahig).
15 years after our wedding, nag-iba na ako. alam ko minsan, i take our marriage for granted dahil alam ko that it’s there. but more and more i am relying on our being together to get me through life. wala na akong expectations na malaki sa relationship namin kasi napatunayan ko nang lahat ng dapat patunayan. but i do value every small gesture. pag umuwi ako galing sa trabaho at may hinanda si jet na iced tea (na may ice siyempre) sa harap ng TV, nata-touch ako. pag napansin ni jet na inaantok ako at bigla siyang tatayo at magtitimpla ng tea or coffee, natutuwa ako. hindi ko na kailangan ngayon ng mga grandiose thingamajigs para ma-impress ako. simple acts of kindness lang ay ok na sa akin.
ang kaligayahan ko ngayon? simple lang: ang makita na maligaya ang asawa ko. happy anniversary mylab. maraming salamat at pinagtiyagaan mo ako ng 15 years. lab U!
Anovayan, para namang gusto kong maiyak sa blog mo na ito. Pero nauunawaan ko…ganyan talaga ang tumatanda. Lumilinaw ang pag-iisip, bumababaw ang kaligayahan..mwahaha. Hapi Anibersari sa inyong 2! Here’s to LOVE!
sige, iyak na. maraming salamat sa bati.
happy anniversary sa inyo ni darleng jet tsong!
thank you – bukas kami nagse celebrate. tapos may beach party kami sa sunday.
congrats po kuya batjay…
alam ko pong masayang masaya kayo, sana po i bless pa kayo ni God at maging healthy kayo ni ate jet parati, para yung 15 years maging 50 years..
congrats po ulet
salamat – sana pogi pa rin ako kahit 50 years na kaming kasal.
lovely, lovely. happy anniversary to you and your darling jet.
thank you my idol transience. as always, i wish you all the best.
when is your book coming out?
Wow, galing!
Happy anniversary! Sana sulatan din ako ng asawa ko ng ganito. Sabihan ko nga pagkatapos nyang maglaba. mwehehe.
sige, patawagin mo sa akin pag natapos na siyang magkula.
I couldn’t have said it better. Pero magugulat ka sa ibibigay ko sayo. Patunay talaga that we think alike.
Happy anniversary mylab.
I love you.
happy anniversary din mylab. lab u 2.
naku pano yan, wala akong regalo sa iyo? hehehe. mayroon actually – pagpasensyahan mo na lang.
astig ito! congrats po! dumaan lang.
Happy Anniversary Jay & Jet!
There’s nothing more I can wish for you that you don’t already have (except perhaps for a larger couch so one of you — ehem sino kaya? — can fart away safely), so wish ko nalang that my husband and I are as happy as you are 10 years from now.
Both of you have inspired me so much in the short time I’ve known you. Even if we don’t see each other, every time I look up the hill and know you’re just there, I feel comforted knowing there are good, good people just a few steps away.
i’m so touched by this..and this inspired me too and gave me renewed determination.
Happy Anniversary,Jay and Jet.
bosing and jet,
maligayang pagbati sa inyong anibersaryo!!! wow! fifteen years!!! wahooo!!!!
bosing, mabuti na lang at smudgeproof and aking mascara (tengks revlon) kundi magmumukha akong alice cooper pagpasok ko sa eskwela.
right smack on the spot ang punto nitong post mo.
Happy Anniversary sa inyong dalawa……. heard you over Rock 990 kanina at panay ang bati sa iyo ni dante…..baka naghihintay ng padala….hehehehe anyway…. enjoy the day and Rock and Roll……..
Roy
wow… happy wedding anniversary Ka Batjay and Miss Jet! At sana’y hindi magbago ang magandang pagsasamahan hanggang abutin ng pagputi ng buhok!
Happy anniversary sa inyo pre…
ganyan nga pag tumatanda tayo, mas simple mas may meaning…kung minsan nga, mas naalala ko pa inulam namin last month kaysa sa mga tao na kausap ko sa work two days ago..
happy anniversary to both of you!
thank you sa bati tony. ako rin, parang ulyanin na. pero yung stock knowledge ko ay ok pa rin kaya pwede pang sumali sa jeopardy.
maraming salamat ka pepe. kamusta na ang singapore? miss na namin ang mga kaibigan na naiwan namin diyan. miss na namin ang pagkain at ang pasyal sa kung saan saan. pag nababasa ko nga blog mo minsan naiinggit ako.
maraming salamat leo. medyo nagsisimula na ngang magkaroon ng puting buhok.
hi roy.
thanks for the greetings. yes, i heard howlin’ dave’s greeting which is why i called. and he was playing some good music as well. narinig mo pala. there is like a 10-20 second delay between the phone conversation and the online feed and i couldn’t hear myself properly.
ingat,
Sweet. Living the real meaning of ‘sa hirap at ginhawa’. Congratulations!
huwaw! Happy anniv…need i say more? 🙂
no more.
sweet living is the right term. thank you sa bati.
jop!
next time, kapag nag run ang mascara mo at naging kamukha ka ni alice cooper, kantahin mo yung “Schools Out” sa mga students mo. matutuwa ang mga iyon.
salamat nga pala sa iyong pagbati – maganda rin na makita ko kayong mag-asawa na mag celebrate ng 15 years pag dating ng araw. good luck din sa inyong dalawa.
domo arigatu sachiko san. good luck in your quest – i hope you will find whatever you are looking for.
hi saint gigi.
thank you for the greetings, kapitbahay. i am the guilty farter. hehehe. lately i’m having this farting fits, or is it farting fests?
anyway – jet and i hope that we can have dinner or lunch with you and arnel soon.
cheers!
jay
oo nga pala – maraming salamat sa bati chacha.
Congratulations!!!!
Congratulations!!! i wish you both lasting love for each other..
thank you and thank you.
wow happy anniversary! 15 years is a lot! I have a long way to go 🙂
happy anniversary sa inyo ni jet. 🙂 may you have more wonderful years of blissful togetherness. God bless!
THANK YOU Jennie. kamusta ka na?
a long way to go – and the journey, that’s the exciting part.
you’re welcome. ok naman po ako. cute pa din. hahaha! ingat kayo lagi. hi to jet 🙂
Magkasunod nga pala tayo! Happy anniversary to one of the sweetest and kind-hearted couples I’ve ever met. 🙂
beri tatsing naman, kuyang. happy anniversary sa inyong dalawa. nawa’y abutin pa kayo ng isa pang 15years ulet.
thank you ateng KiwiP. musta na diyan sa ilalim ng mundo?
woohoo – happy anniversary din toni! ilang taon na kayo?
Ka Batjay and Ms. beautiful Jet, Happy 15th wedding anniversary!
Habang binabasa ko itong blog mo, Batjay, naaalala ko rin ang pinagdaanan namin ni hubby ko. Talagang sa buhay natin maligaya tayo basta kasama natin ang pinakamamahal natin.
Anyway, 17years na rin kami sa December. Tagal na rin no?
Take care kayong dalawa.
hi lani. wow 17 years. ang galing ninyo naman.
tama ka – mahirap pag hindi mo kasama ang mahal mo sa buhay. ang daming case sa mga pinoy dahil yung babae or lalaki ay nagtatrabaho abroad.
Wow, what an achievement for you guys, congratulations, and many many more years of love, joy, peace and good health together!:)
Wow, what an achievement for you guys, congratulations, and many many more years of love, joy, peace and good health for you together!:)
naku, muntik ko nang ma miss bumati. Buti na lang at nagkaron ako ng time dumalaw ngayon.
happy anniversary to my favorite couple. i hope to be there on your 50th.
tanda mo na pala po.
hapi anibersari po sa inyong dalawa! kunyari may glass of wine (or beer) ako dito sa opisina. virtual toast!
here’s to several more sets of 15. 🙂
happy anniversary s inyo pare ko,hinihintay n namin kyo pra mag Bintan tayo.
wow 15 years! congrats po! and im sure, yang 15 years na yan ay walang-wala sa mga susunod pang taon ng inyong pagsasama! kampay!
happy, happy anniversary, jay and jet! your love story and your joy in your marriage is very inspiring! 🙂
hi petite. maraming salamat sa bati. 15 years – talagang joy to the world. ‘musta na lang sa inyo ni mark.
maraming salamat sa bati growen. kung nariyan kami sa singapore eh di sana kayo ang kasama namin ni jet na mag celebrate.
maraming salamat sa bati pareng eder. kamusta na kayo diyan? miss ko na ang mga labas natin. sana nga nariyan kami sa singapore para makapag bintan. baka mga next year ay makadalaw kami ni jet on the way to manila.
ingat pre.
sige, makikitoast na rin dyezebel. maraming salamat.
maraming salamat sa bati tito rolly. welcome back home. bihira na rin akong makadalaw sa lahat ng site ng mga berks kaya ok lang at alam kong busy tayong lahat.
joy, peace and good health din sa iyo at sa iyong pamilya misispi. thank you sa greetings. hoy, di ba mas matagal kayo kaysa sa amin ni jet kaya congratulations din sa inyo.
Congratulations to the both of you!
Nakaka-inspire ang pagsasama ninyo. Sana magtagal din ang pagsasama namin kagaya ng sa inyo.
maraming salamat maria. sana nga magtagal ang mga relationships natin.
Belated happy anniversary sa inyo ni Jet. At Batjay… parang tumataba ka yata???
hehehehe… pareho tayo? actually, luma na yang picture. i’ve lost 40 pounds since that picture was taken
i’m very proud of you! alam mo, na-touch ako sa inyong pag-share sa amin tungkol sa buhay OFW.