OCCAM'S RAZOR

happy 15th anniversary mylabopmayn! yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala – the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una – ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa – pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.

happy 15th anniversary mylabopmayn! ano ang natutunan ko itong 15 years? marami. natuto akong tumingin sa buhay with a new set of eyes. dati ako’y duling. ngayon banlag na lang. ang maganda kasi sa amin ni jet ay nagsimula kami sa wala – although siyempre suwerte si jet dahil ang napangasawa niya ay matalino, marunong sa buhay, guwapo, makisig, matangkad pero mahilig magsinungaling. hehehe. medyo corny siguro sa pandinig ng iba na kaya kami nag-asawa ay dahil mahal namin ang isa’t isa pero you can’t beat the fact na nakatagal na kami ng 15 years.

malaking tulong din sa relationship namin na tumira kami sa labas ng pilipinas. 5 years na kaming out of the country. ano ba ang pagkakaiba kung nakatira ka sa labas ng pilipinas? malaki. malaking malaki. dito kasi, walang tutulong sa iyo. hindi ka pwedeng tumakbo sa mga magulang mo para humingi ng saklolo. walang katulong na magaasikaso ng mga gawain sa bahay. pag nag-away kayong mag-asawa, wala kang pupuntahang iba kaya sisiguraduhin mo na bati na kayo bago matulog. wala kaming anak ni jet kaya kaming dalawa lang talaga. lahat ng mga dumating na mga pagsubok at lahat ng mga mabuting nangyari – kaming dalawa ang humarap nito. it has made us stronger and closer.

pag pala tumatanda ka na, ang gusto mo na lang sa buhay ay yung mga simpleng bagay. ayaw mo na ng karangyaan. kuntento ka na lang na gumising sa umaga na katabi mo sa kama ang asawa mo. maligaya ka na nagkakausap kayo ng regular at magkasabay kumain. masaya ka na paminsan minsan ay nanonood kayo ng sine o kumakain sa labas. sobrang kasimplehan lang ang gusto mo na ang idea mo of a good time ay manood ng TV habang nakahiga kayong dalawa sa masikip sa sofa (na sa sobrang sikip ay kung may isa sa inyong umutot ay matutumba kayong pareho sa sahig).

15 years after our wedding, nag-iba na ako. alam ko minsan, i take our marriage for granted dahil alam ko that it’s there. but more and more i am relying on our being together to get me through life. wala na akong expectations na malaki sa relationship namin kasi napatunayan ko nang lahat ng dapat patunayan. but i do value every small gesture. pag umuwi ako galing sa trabaho at may hinanda si jet na iced tea (na may ice siyempre) sa harap ng TV, nata-touch ako. pag napansin ni jet na inaantok ako at bigla siyang tatayo at magtitimpla ng tea or coffee, natutuwa ako. hindi ko na kailangan ngayon ng mga grandiose thingamajigs para ma-impress ako. simple acts of kindness lang ay ok na sa akin.

ang kaligayahan ko ngayon? simple lang: ang makita na maligaya ang asawa ko. happy anniversary mylab. maraming salamat at pinagtiyagaan mo ako ng 15 years. lab U!

65 thoughts on “OCCAM'S RAZOR

  1. Anovayan, para namang gusto kong maiyak sa blog mo na ito. Pero nauunawaan ko…ganyan talaga ang tumatanda. Lumilinaw ang pag-iisip, bumababaw ang kaligayahan..mwahaha. Hapi Anibersari sa inyong 2! Here’s to LOVE!

  2. congrats po kuya batjay…

    alam ko pong masayang masaya kayo, sana po i bless pa kayo ni God at maging healthy kayo ni ate jet parati, para yung 15 years maging 50 years..

    congrats po ulet

  3. I couldn’t have said it better. Pero magugulat ka sa ibibigay ko sayo. Patunay talaga that we think alike.

    Happy anniversary mylab.

    I love you.

  4. Happy Anniversary Jay & Jet!
    There’s nothing more I can wish for you that you don’t already have (except perhaps for a larger couch so one of you — ehem sino kaya? — can fart away safely), so wish ko nalang that my husband and I are as happy as you are 10 years from now.

    Both of you have inspired me so much in the short time I’ve known you. Even if we don’t see each other, every time I look up the hill and know you’re just there, I feel comforted knowing there are good, good people just a few steps away.

  5. bosing and jet,

    maligayang pagbati sa inyong anibersaryo!!! wow! fifteen years!!! wahooo!!!!
    bosing, mabuti na lang at smudgeproof and aking mascara (tengks revlon) kundi magmumukha akong alice cooper pagpasok ko sa eskwela.
    right smack on the spot ang punto nitong post mo.

  6. Happy Anniversary sa inyong dalawa……. heard you over Rock 990 kanina at panay ang bati sa iyo ni dante…..baka naghihintay ng padala….hehehehe anyway…. enjoy the day and Rock and Roll……..

    Roy

  7. wow… happy wedding anniversary Ka Batjay and Miss Jet! At sana’y hindi magbago ang magandang pagsasamahan hanggang abutin ng pagputi ng buhok!

  8. ganyan nga pag tumatanda tayo, mas simple mas may meaning…kung minsan nga, mas naalala ko pa inulam namin last month kaysa sa mga tao na kausap ko sa work two days ago..
    happy anniversary to both of you!

  9. maraming salamat ka pepe. kamusta na ang singapore? miss na namin ang mga kaibigan na naiwan namin diyan. miss na namin ang pagkain at ang pasyal sa kung saan saan. pag nababasa ko nga blog mo minsan naiinggit ako.

  10. hi roy.

    thanks for the greetings. yes, i heard howlin’ dave’s greeting which is why i called. and he was playing some good music as well. narinig mo pala. there is like a 10-20 second delay between the phone conversation and the online feed and i couldn’t hear myself properly.

    ingat,

  11. jop!

    next time, kapag nag run ang mascara mo at naging kamukha ka ni alice cooper, kantahin mo yung “Schools Out” sa mga students mo. matutuwa ang mga iyon.

    salamat nga pala sa iyong pagbati – maganda rin na makita ko kayong mag-asawa na mag celebrate ng 15 years pag dating ng araw. good luck din sa inyong dalawa.

  12. hi saint gigi.

    thank you for the greetings, kapitbahay. i am the guilty farter. hehehe. lately i’m having this farting fits, or is it farting fests?

    anyway – jet and i hope that we can have dinner or lunch with you and arnel soon.

    cheers!
    jay

  13. Ka Batjay and Ms. beautiful Jet, Happy 15th wedding anniversary!

    Habang binabasa ko itong blog mo, Batjay, naaalala ko rin ang pinagdaanan namin ni hubby ko. Talagang sa buhay natin maligaya tayo basta kasama natin ang pinakamamahal natin.

    Anyway, 17years na rin kami sa December. Tagal na rin no?

    Take care kayong dalawa.

  14. hi lani. wow 17 years. ang galing ninyo naman.

    tama ka – mahirap pag hindi mo kasama ang mahal mo sa buhay. ang daming case sa mga pinoy dahil yung babae or lalaki ay nagtatrabaho abroad.

  15. naku, muntik ko nang ma miss bumati. Buti na lang at nagkaron ako ng time dumalaw ngayon.

    happy anniversary to my favorite couple. i hope to be there on your 50th.

  16. hapi anibersari po sa inyong dalawa! kunyari may glass of wine (or beer) ako dito sa opisina. virtual toast!

    here’s to several more sets of 15. 🙂

  17. maraming salamat sa bati pareng eder. kamusta na kayo diyan? miss ko na ang mga labas natin. sana nga nariyan kami sa singapore para makapag bintan. baka mga next year ay makadalaw kami ni jet on the way to manila.

    ingat pre.

Leave a reply to Sira Ulo Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.