dear lord jesus,
sana po ay bagsakan mo ng delubyo ang mga bwakanginang demonyo sa aking bayan. yan po siguro ang pinakamagandang gawin ninyo ngayon kasi po ay medyo magulo na naman.
maliit lang naman na scale ng delubyo ang hinihiling ko sa inyo, lord. hindi naman yung katulad ng ginawa mo sa mga taga egypt nung time ni moses. ayoko naman na magpaulan ka ng palaka, gawing ahas yung tungkod ni aaron o kaya ay patayin mo yung mga panganay na anak ng mga hinayupak.
ang hiling ko lang naman ay mini version na delubyo na parang yung hiniling ni pilosopo tasyo doon sa nobela ni rizal na noli. ie – yung eksenang nakita niyang may paparating na unos. kilala po ba ninyo si ka pepe, dear lord? baka kasi nakalimutan mo na siya kasi naging isang sikat siyang mason at alam ko hindi siya nag retract bago siya binaril sa luneta, kontra sa inilabas na tsismis ng mga prayle.
naku, nag digress na naman ako. asan na nga ba ako? ah, ok delubyo – lord, maliit na delubyo lang ang hiling ko. sana po ay umulan ng malakas ng 40 days at 40 nights para malunod na pong lahat ng mga taong nagpapahirap sa bayang magiliw. take note lord – yung mga masasamang tao lang ang kunin mo: por eksampol yung mga corrupt, nandadaya, pumapatay at nagnanakaw. para po sana pagtapos ng bagyo eh puro yung mga matitinong tao lang ang matira sa pilipinas.
sige na LORD, pag ginawa po ninyo ito, magpapakabait na po ako at hindi na po ako manonood ng mga pelikulang bastos. promise.
AMEN.
pakinggan ang DEAR LORD PODCAST. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.
baka naman umulan nga ng 40 days and 40 nights tapos ito namang mga buwiset e gumawa ng malaking ark na sila lang sasakay pero galing sa pera ng mga tao pinagpagawa..mas okay nga para anurin sila papuntang antarctica tapos sabay lubog!
wala ng ark ngayon. naroon nakalibing sa mount ararat. on sekantot, hindi naman daw true story ang story ni moses and the ark.
Isama mo na rin yung mga taong walang ginawa kundi kumontra.
As for Noah’s ark, napanood ko sa History Channel na stir lang daw ‘yung mga claims nung mga nakakita ng debry. siguro dapat isama rin yung mga yun sa delubyo na hinihiling mo.
bosing,
eh pano kung may sa lahing gremlin ang mga corruot at masasamang loob,eh di dumami sila nang dumami…. on the other handde left en de rayt, dats a gud idea, talagang cleansing iyan.
bosing,
eh pano kung may sa lahing gremlin ang mga corruot at masasamang loob,eh di dumami sila nang dumami…. on the other handde left en de rayt, dats a gud idea, talagang cleansing iyan.
parang cleansing diet. tatanggalin lahat ng mga hindi kanais nais at matitira lang ay lahat ng may kaakit akit.
uy batjay, nagbabasa ng bible π
ako naniniwala sa storya ni noah at moses, kaya kung totoo yong mga nangyari noon, makikita mo walang imposible kay lord. sana nga magkatotoo yung prayer mo para makatikim ang mga bwiset dito sa atin. sana tubuan sila ng ketong at maagnas ang kanilang mga ilong.
ngyehehehe… misisP. miss ka na namin. pag naiisip ko si moses, si charleston heston ang naiisip ko. frustrated lang ako sa nangyayari. parang walang katapusang paghihirap. marami kasing tao sa pilipinas, sarili lang ang iniisip.
sana ay ok pa rin kayo diyan in spite of.
Sana yung time na sama-sama sila sa isang lugar na sila-sila lang parang walang madamay na mabait no? hmm, sa sona nga kaya???
OO tito rolly. sana magkaroon ng delubyo sa next State of the Nation address para one click lang ay patay lahat ng mga magnanakaw at magugulang sa pilipinas.
papuntahin mo nalang si dick cheney sa pinas tas paghuntingin mo kasama ng mga kupal don! tyak ubos mga yun!
HOY JENNIPENG!
musta ang brussels? marami bang sprouts? tama ka, dapat imbitahin doon si small dick cheney para barilin niya lahat ng mga kaibigan niyang sira ulo.
Lupet mo talaga! I’ll say your prayer everyday, baka somehow magkaroon ng miracle.
I am now subscribed to your podcast through iTunes! Another reason for people inside the MRT to look at me strangely whenever I burst into laughter as I listen to my iPod on my way to work from Paya Lebar to Yio Chu Kang.
tamang tama ang podcast mo. pumikit ako. lumuhod at nilakasan ko volume. malamang narinig ni Lord.
nilink ko nga pala at akmang akma sa question for the day sa comments box ko, hokey lang ba?
Off topic….Naalala ko yung Paya Lebar. I lived in that part of Sgp before I moved to Dover Close. Naalala ko rin yung MRT lalo na nung hindi pa bawal ang Durian at ang chewing gum.
Oo nga kailangan matipon muna lahat ng mga walanghiyang iyan, at biglang sunugin sila lahat para walang matirang makakapal ang muka sa gobyerno.
Grabe pahirap sa mga kawawang pinoy ng mga lintek na iyan.
This made my day! Galing galing niyo po talaga! *still grinning*
hi dylan. buti naman at natawa ka sa dasal.
masyado ka namang violent lani, gusto mo pa sunog imbes na lunod.
Manong Batjay,
Pwede ko bang i-share sa isang forum ang ‘prayer’ mo? I think it’s hot! Hehehe…
Ang ganda naman po ng inyong panalangin. Sana ay dinggin ni Lord Jesus at pagbigyan ang kahilingan ninyong delubyo… =)
oo nga, sana ay magdelubyo para mawala na silang lahat. maraming salamat nga pala sa pagdalaw at sa special mention sa blog mo.
ingat,
sige Crispee, go ahead.
hi Y.
pina alala mo naman sa akin ang singapore. hehehe… miss na namin kasi ang singapore. we miss the food, the place and we miss our friends. it’s funny but it feels like we’ve been here in california for years. pero it’s just been six months.
maraming salamat nga pala at isa ka pala sa nag subscribe sa iTunes. i have two podcast – unkyel batjay and mahalagang balita.
ingat na lang!