umuulan ngayon dito sa southern california. it’s about time. medyo nalihis kasi yung mga bagyo nung mga nakaraang linggo kaya tuyong tuyo rito pero this week i think ay bubuhos talaga. nagtataka nga yung mga kaopisina ko kung bakit masaya kong sinalubong etong pagbuhos. nami miss ko na kasi ang tunog at amoy ng ulan. nung nasa singapore pa kami ni jet, panay kasi ang ulan at hinahanap hanap mo rin pala ito pag nawala siya. napaka hopeless romatic ko kasi kaya pag ganito ang panahon, gusto ko ay nakatapat sa bintana habang pinapanood ko ang mga patak ng ulan na tumutulong parang luha sa salamin. nag mature na siguro ako. kasi nung mas bata ako ay iba – pag ganitong maulan, gusto ko naman either kumain, magjakol o matulog. minsan pag sinisipag, kakain muna tapos magjajakol bago matulog. bigla ko tuloy naalala – maiiba pala ang exercise schedule ko ngayon dahil hindi ako makakalabas para maglakad.
ako din po namimiss yung ulan ulan na ganyan sa baguio. pero minsan pag bagyo na nakakainis kasi nakakatakot na bumagsak mga pine trees. gusto ko din tinitignan yung patak ng ulan sa bintana, lalo na pag nasa sasakyan ka. =) parang sarap magpaka senti. =)
Sir Batjay,
Nararamdaman ko na miss mo ang Singapore.
Ano nga pala maipapayo mo sa akin na gustong magtrabaho sa Singapore or Malaysia?
Mabuhay po kayo,
Gil
masarap pag nasa kama ka lang, nakabaluktot, pag umuulan 😀
sarap ngayon dito mec – pwede kang bumaluktot ng husto. malamig kasi at maulan ngayong gabi.
oo gil – mahal namin kasi ang singapore. miss na nga namin ito. maraming mga opening sa semiconductor pero kailangan magpunta ka roon.
hi con – romatic senti ka rin pala.
talagang ang kasiyahan ng isang tao, hindi lahat nakukuha sa pera no. Isipin mo na lang yang kalagayan mo, ulan lang, masaya ka na. E hindi mo mabibili yan kahit saan.
Kakatuwa no. Kasi kung nandito ka ng tag-ulan, naku baka isumpa mo’t umuulan na naman.
sir, pareho pala tayo. gustung-gusto ko pag umuulan. Im one of the few people who likes raining.
Rainy days and mondays always get me up! hehehe!
maiba ako sir, ano ng nangyari ke axl, slash at duff?
kainis ang ulan kung me pasok; kainis din ang ulan kung walang pasok gawa ng di makalabas. tapos hahanapin mo pala siya kapag nawala. tokneneng, oo!
ang latest kong narinig ay may concert ang G’NR sa dublin ng june. ewan kung tutuo, napaka unreliable kasi ni axl rose.
masarap pag umulan sa antipolo dahil malamig. masarap din sa singapore dahil walang baha. dito sa california – nakaka senti. parang gusto mong umuwi sa pilipinas.
oo nga growen. kaunti lang ang mga natutuwa sa ulan. lalo na rito sa southen california, dahil hindi masyadong maulan ay hindi sila sanay. kaunting ulan lang, puro aksidente na. marami rin ang nade-depress.
naglakad nga ako kaninang umaga kahit umuulan. pakiramdam ko, naglalakad ako sa neighborhood namin sa pasir ris.
naku tito rolly, minsan nga pakiramdam ko ay mababaw ang kaligayahan ko. buti nga hindi ako nalulunod sa ulan sa sobrang babaw. pero tama ka – yung mga taong nag e-enjoy sa mga simpleng pleasures ang mga taong masayahin at walang masyadong problema sa buhay – tulad mo rin.
naalala ko pa nung sa pilipinas, pag umulan sa pasig nag-iiisip na ako kung saan dadaan pauwi kasi baha sa marcos highway, baha sa ortigas extension, baha sa pasig kaya mahirap daanan ang floodway. minsan life and death. mahirap ano?
ang ayaw ko lang sa ulan hindi ka makapag-exercise sa labas. pero, don’t fret, sir batjay.
lumalabas pa rin ako kahit papaano. hindi pwedeng hindi.
champorado (with or without shredded tuyo) + ulan = bliss
champorado at tuyo – napaka incongruent pero masarap ang tambalang ito. parang yung kasagsagan ng guy and pip craze.