SHOOTING AT THE WALLS OF HEARTACHE, BANG BANG

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE TEXAS. isang ume-ebs na pulis ang aksidenteng namaril ng isang bystander na nagsusuklay sa loob ng isang public toilet sa san antonio, texas kamakailan.

si officer craig clancy ng texas ay pumunta sa isang car auction sa san antonio nang abutan siya ng tawag ng kalikasan. pumasok siya sa cubicle ng isang public toilet at habang ibinababa niya ang kanyang pantalon ay aksidenteng nalaglag ang kanyang baril. pinilit saluhin ni officer clancy ang baril pero pumasok ang kanyang daliri sa trigger at ito’y pumutok ng dalawang beses. isang civilian bystander na nagsusuklay ang minalas na matamaan ng bala sa paa. agad itong dinala sa hospital at sabi ng mga doctor ay mabubuhay naman daw dahil malayo ang tama sa bituka.

bayan, ang moral lesson ng balitang ito ay kung ika’y isang pulis na tatae sa isang public toilet, dalhin na lang ang pito imbis na ang inyong paltik.

ANG BALITANG ITO AT ANG PODCAST PARA SA MGA SUMOBRA SA PAG MARIANG PALAD AY INIHATID SA INYO NG “BIRCHTREE HOLLAND POWDER MILK, ANG GATAS NG DALAGANG INA”

18 thoughts on “SHOOTING AT THE WALLS OF HEARTACHE, BANG BANG

  1. parang questionable naman po yata ang balitang yan… hehehe.

    “maligayong pasko jan sa inyo ni ma’am jet at sana ay maganda ang pagpasok ng bagong taon para sa inyo”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.