dear unkyel batjay,
kung bibigyan ka ng pagkakataon para makausap mo ang diyos, ang ang sasabihin mo sa kanya?
gentle reader
dear gentle reader,itatanong ko sa diyos kung bakit pinayagan niyang isakay ni noah sa ark yung mag-asawang langaw at lamok. nakakainis kasi yung mga insektong iyon eh.
ingat,
unkyel batjay
pakitanong na rin kung bakit sinama niya ang butiki!
sir, sama niyo na rin pong itanong kung bakit sinama pa ang mag-asawang daga.
nag-evolve pa tuloy at ngayo’y sinlalaki na ng pusa!
konti na lang pwede nang pagkamalang kangaroo!
baka nga kangaroo ang nakita mo.
sige toni, while we’re at it, isama na rin natin yung palakang dikit at saka ipis.
sir batjay may lamok at langaw ba dyan sa SC? Kung wala, wala rin bang butiki at palaka?
may langaw pero buti na lang hindi pareho ang ugali doon sa mga langaw ng australia. minsan nagpunta ako roon ng summer, bilib ako sa langaw – isang oras ata akong sinundan all through perth. kahit bugawin mo, bumabalik sila.
australian flies ay kampon ng demonyo.
hehe agree ako dyan batjay!
re: oz langaw… hindi kaya bossing nakalimot ka lang maghugas ng pwet?
hihi
J/k lang. I know what you mean. They are pesky buggers who never quit.
pakitanong na rin kung bakit hindi nya pa kinukuha yung mga hinayupak na mga walang kwentang politiko at mga leader ng bayan natin na walang ginagawa kundi mangurakot. Bakit kasi inuuna nyang kunin yung mababait e.
ayon kay noah, yung surot at anay ang pinagmulan ng mga political figures na yan..tinubuan lang ng buhok.
Everything has a purpose di ba? E kung walang langaw e di hindi naimbento ang pamatay ng langaw. Kung walang lamok, e di walang Off lotion. Di ba? 😀
TAMA ka MylabopMayn.
Kaya nga kung walang surot, hindi maiimbento ang kama.
Lab U!
naku – surot at anay. ang sasakit mangagat. dapat din yang nilunod na sa delubyo.
oo nga tito rolly. matagal na nga akong humihiling ng delubyo para mamatay na yang mga bwakanginang mga iyan.
hi auee – hindi naman ako naghuhugas ng pwet.
spin a win, hazel.
hehehe…nakasali pala ang mga un….insek2 na un diba?.
paano mapipigilan ng Diyos ang langaw at lamok?
PAANO KO MAPIPIGILAN ANG LANGAW AT LAMOK?
bawal sumigaw dito sa site ko.
“ang mga un?”, “insekto na un”… ano ibig sabihin nito – ngongo ka ba?
yan din ang lagi kong tanong dati: ano ba role ng lamok sa mundo, kundi magdala ng sakit at peste mangagat. dapat di na sila ginawa ng diyos. he he. 😛 may sumagot sa akin, kasama daw sa food chain, pagkain ng palaka! ha ha ha!!!
hehehehehehehe…. pagkain ng palaka. i love the reply. typical pinoy sutil wisecrack.