City Biking Essentials, Part 1

ano-ano ba ang mga kailangan para makapagbisikleta ng mahusay papasok sa trabaho? heto ang mga natutunan kong mga essentials para maging poging biker:

  1. blue bandana para hindi tumulo ang pawis sa mata, ayoko ring dumikit yung buhok ko sa helmet lalo na pag mainit kasi kinakati ang bumbunan ko. isa pa, mas pakyut pag may bandana dahil para akong sira ulong meksikano.
  2. wrap around shades para pangtanggal ng glare. the california sunshine is hard on the eyes. isa pa, mas kyut ako pag may shades.
  3. sports headphone – kailangan water proof para hindi masira pag umulan. dapat all plastic and without foam dahil bumabaho ito pag natuyuan ng pawis.
  4. backpack para sa laptap computer, mga epektos at extra clothes na pamalit pag dating sa opisina. you need to shower dude, otherwise you lose all your friends. and besides, sino bang pinoy ang hindi naliligo pag pinawisan?
  5. iPod para may pinakikinggan during the one hour trip. ang mga paborito ko ay yung mga podcasts ng npr shows. you learn while you bike – better than going to church, i tell you.
  6. long sleeved shirt dahil malamig na sa umaga. isa pa, mas kyut ako pag naka-itim na body hugging clothes na bakat ang utong.
  7. high tech na GPS watch para alam mo kung gaano ka kabilis at kung gaano na kalayo ang binisikleta mo. iba na talaga ang mga relos ngayon – ang dami na nitong mga added features beside telling what time it is. kailan kaya sila makaka imbento ng relo na may refrigerator?

8 thoughts on “City Biking Essentials, Part 1

  1. “kailan kaya sila makaka imbento ng relo na may refrigerator?”

    Pards meron na niyan dito sa Minnesota! Last couple of winter nag below 30 degrees outside tapos yung isang co worker ko eh hindi mo sukat akalain na dinilaan ba naman yung relo niya. Ayun, na stuck ang dila nang hunghang dun sa refrigerated na relo… LOL

  2. May nakalimutan ka – lights. Mas maganda kung ang lights mo ay yung ginagamit pag-pasko 😉 siguradong mapapansin ka ng mga kotse at maiwasan ang maging “roadkill”.

    Huwag kalimutan ang cell phone para sa 911 o kailangan ng “sag wagon” pag pagod ka na o nasiraan ka.

    Dito sa amin (Seattle) kailangan ng… raingear, layered clothing, booties, fenders, earmuffs, lights, lights, at marami pang lights.

    Palitan mo yung knobbies na gulong mo ng 700x23c para mag-improve ang commute time mo.

  3. ah!

    oo nga. nasa part 2 yon ng essentials ko pre. cell phone din – nasa pocket ng shorts within easy access in case may emergency. buti na lang mild ang winter dito. otherwise, mas mabigat yung baggage ko sa katawan.

    salamat sa tip pre. gawin ko yung sinabi mo. bigyan mo nga ako ng marami pang tips. gusto kong mag improve yung pag akyat ko.

  4. tol bat,

    sumasakit ang singit at bayag ko after about 30 minutes of biking… may ganun ka po ang problem din? pano kaya to maiwasan… bumili na ko ng gel seat at try ko nang adjust seat height… pero masakit pa rin ang wetpax ko

Leave a Reply to rolly Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.