ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN HUDAS: bumalik na sa pag blog si jet. mahigit isang taon din siyang nawala at hindi ko naman siya masisi. naging abala kasi siya sa trabaho at sa pag-asikaso sa akin. oo virginia, minsan kasi medyo high maintenance ako. ngayon, tenksgad, medyo ginanahan na ulit siyang magsulat. buti naman kasi di hamak na mas magaling siya kaysa sa akin.
ang unang post ni jet para sa bagong taon ay tinawag niyang “in a nutshell.” tungkol ito sa tamang intensity sa pagtulong at pag-intindi ng mga mahal sa buhay. yung latest post naman niya ay entitled “thank you god“. tungkol ito sa pasasalamat ni jet sa diyos dahil pogi ang napangasawa niya. hehehe. biro lang. basahin niyo na lang ang storya para malaman ninyo kung tungkol saan ito.
sa kanyang poetry blog naman ay mayroon ding bagong tula na tinawag niyang “almost a song“. ginawa niya itong kanta kaya self fulfilling poetry ang tawag ko rito. pag dalaw ninyo kay jet, sabihin ninyo sa kanya na galing kayo rito.
Mas magaling nga sumulat si Jet kaysa sa iyo. Hahaha
Seriously, I’m so glad for her and for you that her test results came out fine. Take care, guys.
thank you. talagang good news ang negative result.
wow…partners in crime..cge mabisita nga…
sa wakas at mabababasa ko na naman ang mga sulat ni jet. Isa siya sa mga hinahangaan ko pagdating sa pagsulat. Malinis at very coherent. Sana tuluy-tuloy na ulit.
oo nga sir. ako rin, di ako nagsasawang magbasa ng sinusulat niya. ultimo ngang listahan sa palengke ay binabasa ko ng husto.
uncle batjay magaling ka talaga mag sulat ng blog. kaya idol na idol kita. salamat nga pala sa comment mo sa blog ko.
kept on rocking. mabuhay ka kabayan, itayo ang bandila ng pilipinas!
daghang salamat bay.
the best marketing tools jet can ever have: herself and jay. amen.