Kang Kong Juice

Sinigang-Na-Pig-001

bagong lumang pagkain, so to speak. bago sa akin dahil ito ang una kong luto ng sinigang na baboy. luma dahil matagal ko na itong paborito. impak ang sinigang na buto-buto ng mommy ko ang isa sa aking paborito. tinuloy ito ni jet nung nag-asawa kami at masarap din ang sinigang niya. comfort food talaga ang sinigang, mas lalo na ngayon at nasa malayong lugar na kami nakatira.

ask any OFW, and they will tell you the same thing: ang solution pag nalulungkot ka’t homesick ay magluto ng paborito mong pinoy na pagkain. para sa amin ni jet, ang sinigang na baboy ang isa sa mga nagpapasaya sa amin.

Sinigang-Na-Pig-003

most of my life, it’s either my wife or my mom doing the cooking. ngayon, ako naman. BWAHAHA (tawang demonyo). pakiramdam ko, parang a torch was passed. big deal para sa akin to be able to cook my favorite comfort food for the first time at 42 years old.

Sinigang-Na-Pig-004

dito sa california, lahat ng mga rekado sa sinigang ay mabibili mo ng walang problema. nagpunta lang kami ni jet sa local asian grocery nung weekend para bumili ng gabi, kang-kong at okra tapos tinuro niya sa akin kung paano ito lutuin, once more while i was half asleep.

if i must say so myself, like the adobo i cooked for the first time a few weeks ago, my pork sinigang was fucking spectacular.

24 thoughts on “Kang Kong Juice

  1. good job sir batjay!

    yan ang isa sa mga nais ko rin gawin.. ang magluto ng sarili kong pagkain
    at hindi aasa sa iba.
    baka lasunin ako bigla eh.. hehe.

    elibs na naman ako sa inyo sir!

  2. wooow. shet nakakagutom naman. as an ow-ep-dabolyoo, totoo yan. pag magluto ang friend kong pinoy ng sinigang… kinakalimutan ko na ang aking diet!! heheh. sana matuto rin ako magluto nyan… someday 🙂

  3. Hindi rin ako nagsasawa diyan sa sinigang na baboy. Isa iyan sa aking mga comfort food. Mas maasim mas masarap. Bilib ako sa iyo dahil marunong ka nang magluto niyan. Ako, hindi pa rin. Hanggang bili na lang.

    Puwede ba akong bumisita sa inyo sa susunod na iyan ang ulam niyo? Hahaha 🙂 Congrats uli!

  4. pwede tikim. madali lang lutuin ang sinigang, lalo na pag may instant sinigang mix.

    napansin ko, simula nang magsimula akong magluto these past two months, yung mga paborito kong pagkain ay simple lang ihanda. nasa diskarte lang lahat at parang buhay din – pag di mo sinubukan, walang mangyayari.

  5. ang dami mo na ngayong alam lutuin ah… congrats!! ano naman kaya ang susunod? try mo nilagang baka… madali lang din yun kuya. tapos may kamote, saging na saba at gulay! yuuuummmm….

  6. ang peyborit ko naman fafajay ay sinigang na baka na madaming madaming taba at madaming madaming gulay din. miss ko na yung tindang sinigang ni manong sa rolling store sa valero carpark.

  7. paborito ko rin nung araw ang sinigang na baka, kaya lang iwas beef na ako ngayon. as much as possible – kaunting baboy here and there tapos puro isdat at gulay.

  8. Hi Sir, puwede b ninyo ishare yong recipe na yan para naman po matuto po ako lutuin yan kasi favorite ko rin ang sinigang e. Nasa singapore po ako, kaya namimiss ko rin ang pinoy food. Thanks po.

  9. Jay,

    Long time no visit. Belated Happy Thanksgiving sa inyo ni Jet! Naghanda ba kayo o nakikain? Naalaala ko, 3 years ago, nung nasa East Coast si mister (his mother had terminal cancer), I took advantage of his absence (dahil walang pressure na mag-turkey with all the trimmings) at nagluto ako ng pinakbet at piniritong tilapia for Thanksgiving, para maiba naman. I invited my brother and sister-in-law over for lunch, at laking tuwa nila dahil sinundan namin ito ng homemade halo-halo for dessert.

    Thanks for including pictures of your latest accomplishment; kahit papano, nakapag-share ako (visually) sa gastronomic happiness mo. I have mild hypertension–runs in the family, along with short temper, grrrr–so I also have many of the same health concerns as you, kaya for most of the year, I also have to eat more healthful stuff (or as I call it, pagkaing walang kaligayahan, like mostly raw or steamed vegetables, nakakatamad kasing mag-gisa).

    Take care and keep those pictures coming…keep on pushing the culinary envelope!

  10. hey classmate daisy. ok lang ang thanksgiving – duty si jet sa hospital kaya home along ako. pwede ka naman sigurong kumain ng masarap once in a while as long as you exercise regularly.

    pano magluto ng sinigang na baboy:

    1. sankutya ng baboy, kamatis, sibuyas
    2. salin ng tubig
    3. pag kumulo, buhos ng gabe
    4. pag malambot na ang baboy, buhos ang pang-asim
    5. buhos ang okra at iba pang gulay
    6. pag luto na, ipatong ang kang-kong sa ibabaw ng sabaw

    simple lang.

  11. ang ganda naman ng picture na yan… kung di ka nagluto ng monggo matatakam na naman akong kumain ng sinigang… hehe

    buti na lang talaga nagkaroon ng need na matuto kang magluto. who would have thought di ba? and all these goes with your personality naman Pa… you keep on learning something new each day which keeps you from being stagnant. healthy all over 😀

  12. ulam namin kahapong tanghali ang sinigang and as usual, hit sa mga bata. Kinulang pa nga ang kanin e kung ilang gatang na yun. Talagang magda-dancer na rin ako, tutal pumayat na ko eh.

    Good job as always, bosing.

  13. naalala ko nung ka age ko ang mga anak mo. ganyan din ako kumain – bloke, bloke na kanin sa isang malaking plato, parang isla sa gitna ng sabaw ng sinigang. hehehe.

  14. mukhang masarap ang luto mo..masarap yan kapag di lubog sa sabaw diba 🙂 wow ….nagugutom tuloy ako..di marunong ng tamang lutong sinigang mga kasama ko dito sa bahay ..walang kaasim asim..nilaga pala lol!

  15. Wow-mukhang masarap! Nakakatakam naman… bawal kasi oink-oink dito kaya kelangan pa namin tumawid sa Bahrain para lang kumain ng mga favorite yobab dishes namin… 😦

  16. I can attest to that one true fact that you just said. Sinigang is the comfort food for all OFW who are feeling homesick. I was really feeling blue while blog hopping and then I read this, natakam ako, tinawagan ko mama ko at nag request akong sinigang na baboy para sa hapunan. It made me happy for 2 things: 1st – I get to eat my favorite ulam and the thought of full stomach really makes one happy and 2nd – I get to talk to my mother about the finer things in life such as Filipino food.

    Thank you and may you learn to cook more ulam to inspire all of us =D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.