I remember the thirty-five sweet goodbyes

mura lang ang bilihin nung nag-aaral pa ako. ang baon ko nga nung 1988 ay 20 pesos a day. 10 pesos para sa dinner, 10 pesos na pamasahe sa jeep from novaliches to intramuros and back. dalawang sakay ako: talipapa hanggang blumentritt, tapos blumentritt hanggang city hall ng maynila. nilalakad ko na lang from city hall hanggang sa school. ayan, bigla tuloy akong nag senti mode at napatingin sa kalendaryo. putangina, halos 20 years na pala ang nakaraan simula ng mag graduate ako ng college.

pang gabi ang lahat ng klase namin from 3rd year hanggang pag graduate kaya doon na kami kumakain ng hapunan. ang typical dinner ko nung time na iyon ay menudo, lumpiang prito at dalawang cup na rice. oo virginia, sampung piso lang lahat yon. ang kinakainan namin ay isang carinderia sa labas ng mapua na may nakakatawang pangalan – “one cup rice additional”.

lahat kasi ng kumakain doon ay sumisigaw ng “one cup rice additional pa nga, bossing” pag nabibitin sila sa kanin. kung taga mapua ka nung 1980’s, you’ll remember this place.

unang kain ko sa “one cup” nung 1st year kami, container van lang siya na nakaparada sa sidewalk. by the time na nag graduate kami, 5 years later, sakop na niya ang isang malaking section sa tapat ng tennis court ng intramuros. umasenso yung may-ari dahil masarap ang luto at reasonable ang presyo. inisip ko nga noon, baka nagkamali ako ng pinasukan na propesyon. dapat nagtayo na lang ako ng turo-turo sa tapat ng school. halos walang pagkaluge.

kung sabagay, pwede pa rin naman akong mag sideline ngayon dahil marunong na akong magluto ng adobo at kanin. iniisip ko nga na maglagay ng sign sa labas ng bahay namin:

Nicanor S. David, Jr.
Instrument Engineer
Tumatanggap din ng Catering pag Linggo

37 thoughts on “I remember the thirty-five sweet goodbyes

  1. hey bro wasup? naalala ko din tuloy nung nag-a-aral pa ko sa letran nung high school (natapos ako nung 1981). masaya din diyan sa intramuros pero nakakatakot pagpauwi na dahil maraming holdapan dun sa underpass. tapos ang dami pang rambol nung time namin. noon ang baon ko ay 20 peysos per day din. ngayon siguro yung 20 peysos ay pang trasikel na lang (baka kulang pa!)

  2. Tuwing binabalikan mo ang mga panahong ito, ang unang unang pumapasok lagi sa isip ko e yung kwento mo tungkol sa pares. Na dati kayang kaya mong kumain ng 2 order na pares pero wala kang perang pangbayad kaya hanggang isa ka lang. Ngayon na kaya mo nang magbayad ng 2 pares, di mo na kayang kumain ng 2 order or di mo na gusto ang pares. The irony of life nga naman.

  3. oo nga mylab. yung pares episode is one of the most ironic stories of my life. actually, kaya kong kumain ng dalawang pares pero wala akong pera na pambayad kahit sa isang order ng pares.

    i remember the long underpass na papunta sa letran from the post office. scared the hell out of me too. kaya nga pag gabi, mas safe pa tumawid sa kalye ng illegal kaysa mag underpass sa maynila.

  4. i was smoking with the boys upstairs when i…my old school, kapitbahay laang namin ang Mapua, ROTC cross-enrollee ako doon for 2 sems..Lycevm ang iskwelahan ko, nakakain na din ako dun sa one cup kaya alam ko rin, i remember walled city billiards, wordstar, d base, betamax, VHS, LaserDisc, Video City, Gala theater, WXB102, letranites, morbai, yung baklang typist 4hire sa tapat ng lyceum na laging naka dirty finger pag nagta type (matigas kasi talaga ang middle finger nya at di nya ginagamit sa typewriter) yung madilim na parian gate at mga magagandang nursing students ng PLM..time..

  5. 1989 ng grumadweyt ako sa PSBA, transfer from UE ng maging pag aari ng mga Maharishi ito. Sobrang tibay ng sikmura ko nun, kumakain kami sa tabi ng UE na carinderia, ang mga lamesa sa tabi ng kalye at kanal, usok at alikabok sa mga pasadang bus at jeep ang kasabay namin sa pagkain ng pork barbque na kulay orange. Ngayon kumain lang ako ng bahaw na kanin sinisikmura na ako.

    Pati yung mga ginisang mani, na maitim na yung mantika sige pa din ang luto ni Manang, ngayun i can’t eat yung mga gustong kanin, nagtyatyaga ako sa chicken flavored tofu! daming pagkain na iniiwasan.

  6. kaya mga matibay ang sikmura ng mga pinoy dahil sanay sila sa mga pagkaing kanto. i love street food and my taste for it has saved me from many meals all throughout the world. pag nandidiri ang mga kasama kong amerikano na kumain ng tipaklong at bulate sa china, palaban pa rin ako.

    yes my friend tagasilip, Guadalajara won’t do.

    kapitbahay pala kita. naalalal ko ang morbai dahil kung ilang beses din akong nalasing doon. pero hindi parati kasi mahal doon. mas gusto pa naman an bumili na lang ng tanduay at inumin ito sa bahay ng barkada namin sa west avenue.

    mas gusto namin yung magagandang studyante ng lyceum na naka pencil cut na mini skirt. in fact, marami akong masasayang kwento tungkol sa kanila.

  7. me tatalo pa ba sa naghahapitang uniporme ng dental students ng UE? na animo mga masahista ang dating dahil puting puti…he he

  8. aaww another trip down your memory lane… I dunno that place, but it sounds familiar, I guess it will to most college students on budget
    😛

    Sa LB naman ang sinasabi namin “manong, extra rice pa nga” –> pero kung may pera lang yun. Pag kapos na kapos na ko (naubos na allowance ko for the month e malayo pa ang katapusan) “half-rice lang po” ang drama ko. And our haunt was a Bisaya-run dampa called “Mang Earth”, kasi name ni Manong e Mundo. Ok nga dun.

    Pag walang-wala talaga, pwede kaming mag-request ng ginisang century tuna na maraming extenders (sibuyas at tubig) para sa aming tatlo ng roomies ko.

    Yup, those were the days hehe I like your byline ha. But translate that in English para maintindihan ka ng kapitbahay mo.

  9. uso rin ang half rice sa one cup rice additional. in fact, minsan 2 and 1/2 rice ang kinakain ko. hehehe.

    gusto ko rin ang century tuna, especially yung spicy at yung spanish style.

  10. Ang inflation nga naman! During the time when I was a student, my allowance was only one peso a day! Kinse ang pamasahe from Sampaloc to UP Diliman, sisenta ang kain sa campus (kanin, isang ulam at libreng sabaw) hanggang nubenta (dalawang ulam at may dessert); kapag may exam, singko ang blue book (exam booklet); sigarillo, dalawa singko (Chelsea o Snowman) o kung mag upgrade sa Philip Morris, isa singko. I almost always have to have a baon for lunch so I don’t have to eat out, kung hindi kapos lagi ang daily allowance ko. Mabuti na lamang yung tia kong teacher sa high school ay binibigyan ako ng extra 10 pesos a month from her monthly salary of 120 pesos which made a big difference in my student life. Minimum wage at that time was four pesos a day and the rate of exchange was two pesos per dollar. How old am I? I just turned 70 but I still vividly remember the old days.

    Today, I pick a few dirt poor students from Pinas and give them an allowance of $150 per annum just to help them slide through school with a tiny bit of comfort like I did. I wish I can do more, but wala ako nuon, wala pa rin ngayon at retired living on a retirement pension na lang.

  11. medyo pamilyar sa akin ang intramuros. malapit lang kasi ang school ko dun. madalas din akong napapadaan sa mapua at lyceum ‘pag aatend ako ng church service namin. hanggang ngayon yata meron pa ring maliliit na carenderia dun eh. may mcdo na rin. and ‘di ko malilimutan nung college eh yung pagkain namin ng sisig sa penny’s restaurant. ganda ng pangalan no?

  12. Trivia lang po sa mga graduate ng nasasabing lugar.

    Alam nyo po ba kung nasaan na yong istatwa ni McArthur sa loob ng ground Lyceum?

    Nawawala na yata?

  13. im still a student though at boring ang school namin.
    well, what can i say? college life is where the life is given to you all the freedom is there. its how you would control it.. temptations is always there.. its up to you kung gusto mo mag cutting classes o hindi…
    kaya nga hindi ako pumapasok ngayong sem eh dahil pinili ko na mag cut class.. im being remorseful ehehe… nag brownout habang tinatype ko to..

  14. Ang sarap lang magbacktripping!!Lalo na nung mga panahon ng ating kabataan.Sa PCU naman ako naggraduate.Hirap ng buhay nuon bilang working student.Kailangan magbanat ng buto para makatapos,cant afford si fader kaya sariling sikap.Para nga makatipid eh,lutong kalye ang binabanat ko after class.I remember yung sabi ng classmate ko”mabitamina ang foods sa sidewalk,vitamin A,puro alikabok”.Sa ngayon ba,kapag nagpunta ka sa Maynila at makakita ng vendor na tinda ay fishball,take mo pa rin bang sumawsaw sa sauce ng publiko?Di ba madidiri ka na dahil iba-iba ng sumasawsaw duon,baka may mga hepa nga.Pero at that time nung college,quesijodang may hepa,sarap ng sauce eh,kaya hayun sawsaw!Hay!sarap talagang mag-imot-imot(my batangenya friend use to say it to me)

  15. nung HS (1998) ako nagkaron ng experience tungkol sa pares. nasa tapat ng notre ang tindahan ng pares pero tuwing breaktime, nasa may pader ng school kami naguumpukan na parang mga preso at tinatawag si manong para bumili. pero kanin lang (5pesos) ang binibili namin kasi may libre nang sabaw ng pares. yun na ang inuulam namin. swerte na kapag may sumamang taba o laman. hehehe haaay sarap magbalik tanaw. i miss my highschool friends.

  16. Hello jay,

    It’s nice to know that you still remember the “good old days”…
    na kahit sabaw lang ng adobo (my favorite) solved na ang hapunan
    ko with matching 1/2 cup of rice on the side (for 50 cents)…
    Mga maliliit at simpleng bagay but it taught us so many things…
    to struggle in life… to learn how to survive kahit na limited ang
    resources… to appreciate simple pleasures in life…

    Mapua has given us not only the math equations or the
    binary numbers na halos bukambibig natin araw-araw kundi ang
    mga tawanan, halakhakan, biruan, kalokohan, at ang mga mumunting
    pangarap nating magkakaklase na may kanya-kanya nang mga
    pamilya sa ngayon at nasa iba’t ibang panig na ng mundo.
    Biruin mo, maka ‘tres’ ka lang at the end of the semester, masaya
    na dahil magkikita na naman tayo sa susunod na sem…

    That Mapuan life we had gave us the will to face life with courage,
    determination and of course, with a great sense of humor…

    Ingat…

  17. masaya di nung college ako. after hs in letran, i moved to peyups in padre faura. dahil yung ermita ay red light district pa noon, madami talagang gimmick. what i remember most fondly was this food court at the back of robinson’s hotel where students from up, st. pauls and pcu used to hang out. sa halos araw-araw naming pagtambay at pag-inom doon ay nakilala namin lahat ng may-ari at tagabantay ng mga food stalls. pagkinapos ang tropa sa pangbili ng pagkain maghihintay kami ng gabi. binibigay sa amin yung mga pinaglagaan ng sopas at yung hindi nabiling ulam. bale kanin na lang ang kailangan bilhin. pati nga pag kulang ang pera pang bili ng pangtoma ay pinapautang kami nung mayari ng pub doon sa food court. yung school id lang ang i-iwanan mo. And the best feature of this place? the paulinian girls of course!

  18. nung mag college tayo pareng jay di na tayo nagkabalitaan…..dun naman ako sa recto nagawi….anyway… P15/day ang allowance at P6.00 naman ang lunch isang ulam at kanin… may pwesto sa gilid ng FEU -morayta gate….nagtitinda ng day old chick,lumpiang prito at mani, may maanghang at hindi…masarap ang luto ….sa gilid din ng UE marami din na murang kainan…kung tipid ang hanap eh bagay na kumain dito.

    btw….kung natatandaan mo pa….yung nagtitinda ng SAGO GULAMAN sa harap ng gate ng NDGM eh buhay pa….at ganoon pa rin ang negosyo….bumili nga ako minsan at ganun pa rin kasarap ang timplada……sana nga lang eh malins ang yelong gamit at tubig…..nung panahon natin medyo sigurado pa tayo…

  19. pare!

    buti pina alala mo ang sago sa labas ng notre. hanggang ngayon napapanaginipan ko pa rin ang lasa nito. oo nga, sabi ni nes, buhay pa raw ang pwesto niya. buti naman at hindi nag iba ang lasa.

    naalala mo pa yung fishball doon sa macapagdal gate? yun pa isang di ko makalimutan.

  20. oo pare naalala ko yun…….champion yung sauce ng fishball dun …walang katumbas…..lalo na pag hinigop ng fishball yung sauce…..nakakatulo ng laway ha ….bigla kong naalala yung lasa….

  21. BWEHEHEHE. ako rin, bigla akong natulala dahil naisip ko yung sarap ng lasa ng sauce ni manang.

    eh yung lumpiang sariwa na puno ng kinaskas na gulay na may maraming bawang na nilalako sa labas ng school, naalala mo pa yon?

  22. oo nga isa pa yang lumpia……yung sauce din champion……tapos may may bawang na durog at brown sugar…..pwede ring maanghang…..sarap

  23. kung hindi ako nagkakamali yung crust nyan ay hot dog bun na hinati at recipe ni mrs david……..wow….sarap …..imagine….isipin mo nga naman….tumatak na sa utak natin ang mga pagkain kinalakihan natin…..and that was more than 30 years…..

    pasensya na po sa ibang nakababasa….medyo memory lane lang…

  24. oo pare! tama ka – hotdog bun na may sardinas na topping na nilagay sa maliit na oven. hanggang ngayon, 30 years na nakaraan, naalala ko pa rin ang lasa ng mga pinag usapan nating pagkain.

    marami ring naimbento si mrs david na masarap. yung lumpiang prito niya na may maanghang na suka ay champion din.

  25. Maliit lang ang mundo ko nun umiikot lang sa Recto at Quiapo-pero parang ang saya sayang balikan lahat ng mga ala-ala nung kolehiyo. Kowloon lang ang kaya kong puntahan kasama ang ka date ko, at sa Japanese garden na piso ang entrance.

    27 pesos to a dollar ang palitan ng akoy grumadweyt, 3.50 ang pamasahe mula Recto hanggang Cubao,na minsan nasubukan ko ng lakarin dahil wala na akong pamasahe pauwi. Peborit snack ko ang kamote fries, panlaban sa lamok tuwing gabi 🙂 parang katol ang gas na lumalabas sa akin…he he… TMI ba? ( too much info)

  26. NAng ginagawa pa lang ang flyover sa Intramuros, high school pa lang ako sa Doroteo Jose. Dahil walang lugar dun, dyan kami sa Intramuros nag P PE at CAT. Minsan, naputikan ako papatawid sa island, Nakita ko mga kaklase ko, naputikan din at hinuhugasan ang kanilang sapatos sa isang parteng me tubig. Sa pagmamadali ko, me tinalon akong parte, e malalim pala yun. Hanggang hita ko at twing attempt kong lumakad, palubug ako nang palubog. Sa sobrang dumi ko, napilitan akong mag-taxi from Intramuros to our house in Marikina. Isip ko, sa bahay ko na lang pababayaran sa tatay ko pagdating. Somehow, sa Espana ako idinaan nung taxi. Nang nasa UST na kami, saksakan ng traffic at wag ka, nasiraang bigla yung taxi. Pinalilipat na lang ako nung driver, sabi ko, wala akong pera at sa bahay ko pa siya pababayaran sa tatay ko. Pinaghintay nya ko hanggang dumating yung mekaniko. In short, gabi na ko dumating at nagalit ang tatay ko dahil dito. Kaya nung sabihin kong bayaran nya yung taxi, naku lalong nagalit at ang mahal mahal daw. —
    sampung piso.

  27. Hehehe, Talipapa boy pala! Batang-Talipapa din ako – No. 9 Piko Street, Carreon Subdivision, Talipapa, Novaliches, Quezon City (mala- Malapit sa Silvina Village, dun sa dilaw na tricyle 🙂 1988 – Kinder ako sa St. James Tandang Sora nun. Wala pang Mindanao Avenue – lubak-lubak pa ang mga daan dun. Nadaanan mo siguro ang carinderia namin sa Quirino Highway, sa Sangandaan. Mga pulis at taga-Manila Paper Mills at Rubberworld ang mga customer namin. Tessa’s Kainan sa Sangandaan – kulay green at white, mala-Rudy’s at Jonas yung counter namin – proudly served Korean Beef at Tapsilog!
    Pag maysakit sa amin, punta sa Arty Drug o Farmacia Herrera, sabay daan sa LVT. Bongga nang magbukas yung malaking grocery (ano nga ba ang pangalan nun?) sa tabi ng Capitol Institute, na katapat ng Placido Del Mundo Elementary School. Schema ang bilihan ng school supplies.
    Kung nagsimba ka sa Blessed Sacrament, naalala mo si Father Sebastian? Mabait yun, sayang, nilipat sa Bayan.
    Haaay ….

  28. kung nagsisimba ka sa blessed sacrament nung time ni father sebastian, malamang ay kilala mo ako sa mukha dahil laman ako ng parokya (sa choir at bilang commentator). oo nga pala, kabarkada ko dati si fr. sebastian. hehehe. kabisado ko ang carreon dahil nilalalkad namin ito nung araw pag nagka-caroling kami. taga talipapa ka pa rin ba?

    BWAHAHAHAHA. sampung piso para sa taxi from intramuros to marikina. bossing, mukhang after liberation ata ito nangyari ah.

    marami na rin akong nalakad sa buhay estudyante ko. lalo na pag may bagyo dahil walang mga jeep. naglalakad akong mag-isa sa gabi sa gitna ng malakas na unos.

  29. Malamang nagkasalubong na tayo dati sa simbahan kung ganun. Yung huling pari na naabutan ko dun, kamuhka ni Brownie ng Ober Da Bakod, medyo mataray. Teka, baka barkada mo din yun. Kaya minsan sa OLAP o sa St. Vincent Seminary o sa San Nicolas de Tolentino na kami (kaso di naman maintindihan yung mga matatandang pari na nagmimisa sa San Nicolas).
    Nandun pa rin ang family ko sa bahay namin, sa Atlanta na ako. Tapat kami ng talyer (na dati may bilyaran), tabi ng tindahan (na dati parlor) na may Notary (lolo at uncle ko). Kapit-bahay pala tayo nun! Saang subdivision ka? Malamang GSIS o di kaya Villa Sabina?

  30. hindi ko kilala si brownie. hanggang kay fr. sebastian lang ako. pag tagal, hindi na ako nakibarkada. tapos nawalan na ako ng religion. oo, parang yung kanta ng REM. ngayon, wala na akong diyos. hehehe.

Leave a Reply to jun A Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.