Girl, ain't no kindness in the face of strangers

habang patagal ng patagal kang nakatira sa amerika, unti unti kang nagiging immersed sa kanyang kultura at way of life. natural tendency ito dahil pag hindi ka nag conform, mahihirapan ka. kaya nga halos lahat ng mga pumupunta rito ay nagiging assimilated and resistance is futile. it starts the moment you step off the plane.

mag-iisip ka kasi agad: kailangan mo ng trabaho para magkaroon ka ng pera pambili ng pagkain. bago ka magkaroon ng trabaho, kailangan mong kumuha ng social security number. ito ang simula ng assimilation. magiging statistic ka na kasi at ang numerong ito ang magiging identity mo porebereneber.

pag nag tatrabaho ka na, kailangan mong magsalita ng american english. minsan without you knowing it, iniiba mo na pala ang accent mo dahil hindi ka nila naiintindihan pag hindi ka nag fronounce ng mga “f” froferly. simula lang ito. after a while, you start using their expressions tulad ng “cool”, “uh-huh” at ang pinakamamahal kong “surreal”. if i hear “surreal” one more time, i’m gonna fucking kill the guy (yan, english na may curse word, matututunan mo rin yan pagtagal).

dito sa california, hindi ka pwedeng mag trabaho pag wala kang kotse, kaya kahit ayaw mo, mapipilitan kang matuto na mag drive (ng tama). kakalimutan mo yung mga natutunan mo sa pilipinas na pang gugulang, pag singit at pag busina.

pag may trabaho at kotse ka na, kailangan mo naman maghanap ng permanenteng bahay. siyempre, ayaw mong makitira sa mga kamag-anak mo habambuhay. mag iipon ka ng kaunti para mayroon kang pang down payment. marami kang matutunan na bagong salita tulad ng “equity”, “mortgage”, “realtor” at pag minalas ka, matututunan mo rin ang ibig sabihin ng “foreclosure”.

pag may trabaho, kotse at bahay ka na. gusto mo nang bumili ng mga gamit. magpapa member ka na ng COSTCO para makabili ka ng labindalawang taong supply ng toilet paper. pupunuin mo ang bahay mo ng mga gamit na hindi mo kailangan. bibili ka na rin ng bagong damit kasi unti-unti ka nang tumataba dahil malaki ang serving ng pagkain sa amerika at sinusunod mo lang ang tinuro sa iyo ng nanay mo nung bata ka na huwag magtira, kahit isang butil ng kanin, dahil maraming bata ang namamatay sa gutom sa africa.

after a while, bigla mo na lang napapansin na parati nang mainit ang ulo mo dahil wala nang natitira sa suweldo mo. baon ka sa utang dahil binabayaran mo ang dalawang kotse, bahay, credit card, gas, pagkain at kung ano-ano pang luho. natuto ka ng magsabi ng “mother fucker”, “shit”, “bullshit”, “holy shit”, “what the fuck” at kung ano-ano pang mabulaklak na salitang english.

then one day, gising ka na lang to find out that you’re already an american.

ang dasal ko nga ay sana pagdating ng araw ay ma retain ko pa rin ang pagka pinoy ko. marami naman akong mga role model na mga kaibigang pinoy na matagal na rito who’ve managed to be pinoy even if they’ve assimilated.

it’s tough but i know it’s possible.

ako? titingnan ko lang parati ang kulay brown kong kulubot na betlog para hindi ko makalimutan na ako’y isang true blue pinoy.

44 thoughts on “Girl, ain't no kindness in the face of strangers

  1. Yung mga sinulat mo ang hidden story behind the American dream and “land of milk and honey”, “land of opportunities” na sinasabi ng mga taong gusto pumunta/manirahan sa USA.

    Thanks for sharing…

  2. Awesome!

    What’s the freakin deal? Alam kong kahit na anong assimilation ang mangyari sa inyo jan e hindi mo makakalimutan ang pagiging pinoy dahil napakalalim ng dugong filipino na nananalaytay sa inyong katawan at kitang kita naman na proud ka sa pagiging filipino which is very laudable.

  3. nung mga hapon ang boss ko, natututo akong mag-english the way the japanese do. walang subject-verb agreement. nung mga chinese na ang katrabaho ko, unti-unti ring nag-adjust ang english ko sa kapareho ng pronunciation nila unless magkapon kaming mag-uusap nang hindi nagkakaintindihan. nung minsang magkausap kami ng misis ko sa telepono at narinig nya kung pano ko makipagusap sa mga intsik, pinagtawanan nya ko.

    nung bago ko sa china, puro lasang kikkoman ang mga toyo.. ayaw na ayaw ko nung lasa nun dati dahil parang panis na betsin pero ngayon nakasanayan ko narin. pati ang mga “yucky” na pagkain sa mga restaurant nila e sya ko nang madalas iniluluto. hindi narin ako naghahanap ng patis. nakikipagbalyahan narin ako sa bus dahil dati lagi akong hindi nakakasakay.

    assimilation parin ba’yun o annihilation? hahaha ๐Ÿ˜›

  4. bilib talaga ako sa mga pamilyang pinoy na nanirahan at lumaki ang mga anak sa amerika na may “PINOY VALUES”, sana ito ang hindi mawala…….mahirap siguro pero don’t know how they are doing it….sabi mo nga ang tendency eh magaya ka na rin sa mga puti in terms of culture,values etc…

    di bale ng hindi matutong mag salita ng tagalog (sana kahit PO at OPO lang)….basta marunong pa rin mag-mano at ru-mespeto sa matatanda.

  5. musta pareng jun – yung mommy ko, parating sinasabi, dami raw niyang nakikita na nagpupunta sa amerika na nag-iiba ang ugali. siguro, part ng americanization. kahit ayaw mo eh nagbabago ka kahit papano. ako, parating may PO at OPO kahit sa mga amerikano. hehehe.

    “surviving” ata ang tawag dito, KK, pag nakikipag balyahan ka na sa loob ng bus na puno ng intsik.

    oo nga bossing. gusto ko lang ipaalala sa sarili ko, kasi natatakot ako baka dumating ang araw, ayaw ko nang bumalik sa pilipinas kasi di ko na siya maintindihan.

    stay brown – in and out. sana ay huwag akong maging coconut. brown on the outside pero white inside.

    hi linnor. hidden story – oo nga. parang dirty underbelly na hindi pinapakita pero naroon.

  6. Totoong-totoo yung sa expression. Grabe adjustment ko before dahil yung American English e hindi “accepted” sa British English. I got a lot of sticks (o isa yan) for using the terms drawers and pants. At nahirap akong maintindihan na “sick” pala e suka, kasi sabi ko anong sickness ba??! Anong slang ang lagi kong gamit? WICKED, INNIT! At nun ka, di na ko ganong shet ng shet, crap na ๐Ÿ™‚

    Costco haha I was invited by a friend to join her, we saw one guy pushing a trolley crammed with just loo (o ayan pa) rolls! Buti ako toothbrush at toothpaste naman hehe

    What keeps me Pinay? Everytime I trip, I still blurt out “ay p—!” == pwet! O ano isip mo ha!

  7. OOh Kuya Batjay (kasi batang isip ako palagi, makikisawsaw na rin ako sa blog mo kasi tamad ako at sobrang hectic ng sked ko dito sa SF) sagot ko nga kay Ms Ca T, hindi na land of milk n honey kundi land of pierced ears(n other part of the boy), tattoos, and rainbow colored hair

    http://cathcath.com/?p=3316

    Actually, I dont call it land of milk and honey nowadays, I call it the land of ear piercings, tattoos, and rainbow colored hair

    Comment by Lorena C. Marzan – August 19, 2007 11:47 pm

    so far in my 11 years, napaglabanan ko yang credit caard, palaging bayad, ipon ko lang ang mileage points para someday makapamasyal naman ako. nakasurvive din ako ng walang kotse kasi maganda ang public transportation dito sa SF, pero magtiis nga lang sa mga intsik

    copied uli sa aking comment from Ms Ca T

    Comments ยป
    Magandang umaga sa lahat ng OFW at kay Ms Malu
    Dati din po akong OFW at ngayon ay isa ng Fil-Am pero pango pa rin amd I still consider myself 99% OFW dahil I send $$$monthly for my family sa bayan kong pinakamamahal. Pasalamat siya mababangong Pinay at Pinoy ang kasaybay nya sa plane, eh ako araw-araw mga mababantot na mga homeless sa Market St ang kasakay ko sa bus, pag mamalengke naman ako sa tsinatown , mga kabayang tsekwa na uber sa ingay tapos dahak/dura/kulangot at mga laway na nagtatalsikan ang aking nararanasan. pero noong umuwi ako sa Pil after 11 years ang kasabay ko naman eh sina DJVijay (courtesy of Michael V) kaya imaginin nyo na lang. Smile kayong lahat.

    Comment by Lorena C. Marzan – August 21, 2007 7:24 pm

    Pinay na Pinay pa rin ako kasi never akong iinom ng whitening pills, baka clorox ang laman, kaya noong umuwi ako sa Phils, hindi ako mukhang balikbayan mukha akong from da province

    Salamat nga pala kasi sa iyo dahil naaliw ako sa iyong mga posting, isa ka sa mga reasons kaya hindi ko kailangan pumunta sa psychiatrist

  8. Pa frame mo kuya betlog mo para araw araw may reminder ka..he he he..I work in a call center somehow i can relate on how white breads behave..sana wag kang gumaya sa iba na nakatungtong lang ng estates pagbalik dito amoy hamburger at asal poodle na..

    Cheers!

  9. call center. oo nga, dami kong nakakausap na mga pinoy sa call center. from dell to expedia.

    salamat din sa pagbisita. “the land of ear piercings, tattoos, and rainbow colored hair” – gusto ko yang term na yan.

    “ay puto” – auee?

  10. ay naku kuya yung mga pinsan ko din na nagkukuta sa new jersey, baluktot na ang mga dila ng magbalik-bayan, dito rin naman sila nagsilaki hindi ko maintindihan kung bakit hirap na hirap na sila magtagalog.

  11. BJ: tunay ka dyan kabayan. medyo sa 32 paninirahan ko din sa abord e
    living example ako ng tinalakay mo. sa una-una, khet na pilipit na dila ko
    para lang matuwid inles ko ng sa ganun ay maintindihan ako ng mga kasama kong puti e, sige pa rin. awa ng diyos hanggang ngayon, pilipit pa din pero sige pa rin ang pilit mag-inles.

    medyo assimilated na din – sa minu-minuto ko ba namang paghinga, pagkain, pamumuhay, pakikisalamuha at paghekspiryens ng salita at kulturang puti, ewan ko na lang kung makakabalik pa ako ng trabaho kinabukasan pag hindi ako na-assimilate sa kanila… tama ka BJ, baka nga annihilate kalalabasan ko.

    kay jojie: ewan ko nga ba, isa na ako eksampol sa sinabi mo… hirap nahirap akong mangapa ng tagalog words pag nagsasalita, dala na siguro ng pagpilipit ng dela ko… pero wag ka, bilib pa din mga nakakasulatan kong mga pinoy mula sa iba’t ibang panig ng mundo dahil diretso daw naman akong managalog.

    salamat BJ sa makulay at malaganap mong blog. madalas napapanaginipan ko ito… hehehehe

  12. parang debate kung ano mas nakakapekto sa behavior ng tao, nature (kinalakihan,kung ano ka nung pinanganak ka) o nurture (environment or culture na kinikilusan araw araw).kahit na Tibak ka pa from the philippines,pag nasa ibang bayan ka na,mejo hip hop na dating mo, mannn! eh panu ko, ako lang pinoy na stay sa office namin sa dubai (ibang pinoy nasa field kasi technical team),eh puro pana mga kasama ko,as in 95%, ibig bang sabihin pag uwi ko sa pinas mejo pasigaw na ko mag english, na parang naninindak, at iiling iling ang ulo twing mag eexplain??? nakowpo!

  13. nature and nurture, i guess. kamusta na sa dubai, kabayan?

    32 years ka nang abroad – wow. tagal na pala.

    stay brown – yes, inside and out.

    baka sinadya ng mga pinsan mong kalimutan mag salita sa pilipino.

  14. wow…sapul!!! bago lang kami ng mga magulang ko sa canada at ganyan na ganyan ang umpisa, kukuha ng SIN, tpos nkikitira pa sa tita ko, tpos naging member ng costco! hahaha ayos!!!

  15. hi sha. lahat ata ng Pinoy na kilala ko ay may Costco card. sarap bumili ng bulk. hehehe. minsan, isang taon na, di pa ubos ang toilet paper. hehehe.

    doesn’t france have Carrefor? i remember we had a big store in singapore.

  16. gusto ko tong sinulat mo dito bossing. survival instinct talaga ng migrants ang rason ng kanyang transcultural manifestations, lalo pa nga sa pinoy na may natural na abilidad ata sa pag-appropriate ng American culture. pero yun na nga, kahit anong assimilation ang gawin, pinoy pa rin talaga.

    naalala ko yung essay ni eric liu (2ng generation chinese-american) na notes of a native speaker, tatlo daw ang klase ng pagkaputi: those born white; those who achieve whiteness; and those whose whiteness were thrust upon them – in short, assimilation chuva, na kahit kailan di makakamit ang pagkaputi. sabi nga nya, kahit pinanganak sya amerika, walang accent, at ivy league bred, tusok tusok pa rin ang buhok nya.

    ang ayus dun, sabi nya sa huli, america is white no longer.

    mabuhay ang pinoy (or is it finoy?)

  17. oo nga, ang isang premise nung matrix movie ay in the end – the world will be dominated by colored people speaking english. dapat nga, hindi si keanu ang bida rito.

    nagtataka lang ako. we’ve been assimilating since god knows when (close to a hundred years siguro), pero bakit wala pa rin tayong senator or congressman pinoy dito.

    are we that good in assimilating that we become invisible.

  18. Bulls eye! I am a COSTCO fan. Kabibili ko lang ng dalawang dosenang toilet paper at paper towel kasi may coupon eh hanggang Sept 23.

    Even if I am well assimilated I know where to draw the line. Madali lang naman mag-adjust. However, I am not keeping up with the Joneses. Wala akong flat screen. I don’t wear 2 carat diamond studs. My house is not full of crap junk from China. I have an unfinished basement. But at least I can say it’s my house, well at least as long as we pay the mortgage.

    Igorot pa rin ako galing Baguio!

  19. kuya, wag mong kalimutan ang paraan ng paghugas ng pwet. masarap sa pakiramdam ang tubig sa pwet pag tapos ka nang jumebs. di katulad ng tissue, gumagasgas sa balat, pwera na lang kung wet ones di ba. hehehe

    maging pinoy all the time, hindi yung magiging pinoy ka lang for your convenience. ๐Ÿ˜›

  20. base sa aking experience masasabi ko na talagang amarkano na tayo kapag ituturn off natin ang ating mga cell phone kapag nanoond ng mga concert, cultural shows, symphony, broadway shows, at opera. regular ako sa Herbst Theatre, Davies at SF Opera. I was so annoyed when I watched Stephanie Reese’ show kasi ring ng ring yong cell ng mga sponsors, and then they keep on standing up going out to get their friends who came in late. kumpara sa mga Chinese, na all out support sa mga kababayan nilang mga pianist, violinist, at orchestra, tayo watak watak, ni hindi umaabot sa 100 ang mga Pinoy na nanood kay Jed at Reese. pero sila hindi rin marunong mag turn off ng cell so while Lang Lang was performing, ring ng ring yong cellphone nila, sayang, kasi mga real talent talaga na nasisira ang performance dahil hindi marunong mag turn off ng cell phone ang aaudience.

  21. hahaha, i’m in stiches and talaga lang na hindi ko mapigil tumawa mag-isa.
    talk about pinoy na nasa abroad feeling white (mostly stabs ng pinoy na nasa pinas). i listen to fm radio stations from pinas, natatawa ako sa mga bastardized american accent ng mga dj’s: manela, makale city, and matri-mony, cere-mony. hindi ba nila nare-realize na ang audience nila ay pilipino na nangangapa sa accent nila? why americanize it e wala naman sila sa merika? bale ba, kung nasa merika sila, at ganun accent nila, pagtatawanan sila ng kapwa pinoy na matagal tagal na din dine.

    katawa pa, pinagtatawanan ng mga kabayan natin nasa pinas ang mga pinoy nasa abroad tulad ng panlilibak ni malu fernandez sa mga ofw’s, e kagulat gulat mga pangalan nilang hindi na tunay na pinoy: APPLE, CHANNEL, CANDY, PEPSI, ORANGE, PIOLO at yung mga inuulit na pangalang: DINGDONG, JON-JON, LENLEN at mga palayaw na may H na ako’y hirap i-pronounce na para bang ako’y hihikain: BHOY, RHOMY, PHONZ, LHITA.

    la lang.. natatawa lang kabayang batjay.

  22. Ayos lang ang assimilation. Maging maingat lang tayo na huwag nating i-assimilate ang mga bad habits ng mga ‘Kano. Tulad ng utang. There are good loans and there are bad loans. Loans that support the purchase of a house and the education of a person are good loans. Loan for the purpose of buying a much-needed car can also be considered a good loan. However, mag-ingat din tayong pumasok sa mga so-called bad loans. Ito ay iyong mga utang that are not out of necessity. Maraming mga Pinoy dito sa States ang nagda-drive around in BMWs and Mercedeses. Huwag tayong padadala diyan basta-basta. We need to take stock of our priorities in life before we make any major purchases or investments.

  23. ako 17 years na dito sa ‘Merika, pero di pa rin ako assimilated sa puti, sa mga mexicano pa, kasi mukha raw akong kastila. Di ko gets ang mga kano, pag me handaan chips and dips lang ang ipapakain sa iyo. At kahit yayain ka nila kumain sa labas dahil berfdey nila, todo bitbit ka pa ng gift, asahan mo hihingan ka ng share ng pambayad sa kinain mo.

    Very dry ang humor ng puti unless “redneck”, at di naman ito “merika dahil mga tao dito halos kadamihan napadpad lang din dito. Kaya naman nandito tayong mga dayuhan at nagbenta ng kaluluwa natin sa pag renounce ng Pinoy citizenship natin eh dahil sa isang bagay lang ” the green dollah”!

    Tsaka yung ibang mga pinay dito karamihan nagiging orange ang buhok, gusto atang maging blond ba yun?

  24. minsan tampo ako sa mga kabayan na blondi ang buhok wiz nila ako kausap kasi mukha pa rin akong promdi, eh sa talagang ito na ang kulay ko, di na ako puputi, kahit uminom siguro ng whitening pills. anyway, its their loss pag hindi nila ako kinakausap coz i alwayz make people smile even for a little while with my sense of humor

    masarap ang singaporean noodles, yan palagi order ko sa Malaysian-Singaporean restaurant dito at saka yong garlic chicken

  25. haaay….sapul na sapul….bittersweet talaga ang buhay dito sa US….5 years pa lang ako dito pero parang gusto ko nang bumalik sa pinas….hindi ko pa rin masakyan ang values nila or lack of values thereof, lalo na ng mga teenagers, i sent home my 14 year old daughter last april to go to high school in the philippines….thank you for a a very well written piece!

  26. sarap nga sanang bumalik sa pilipinas kaya lang hindi naman pareho ang suweldo. so your daugther is back home. that’s good i guess, she’ll get an education at same time she’ll learn pinoy values.

    i hope you get to see her regularly.

  27. simple lang ang masasabi ko dito…kahit saang dako pa ng mundo mapunta ang pinoy…still PINOY remains PINOY…the culture, tradition, way of thinking, etc..proud to be PINOY..hanep!!

  28. gwahehehehehe ๐Ÿ˜›

    tumpak na tumpak ang blog mo! saktong sakto. lam mo, feeling ko, ayaw naman tlga ng ibang pinoy mawala pag-kapinoy nila. kaso mo, in order to survive, it’s somehow a must to get assimilated. yun nga lang, one has to know when and where to draw the line… dahil kapag hindi… nakuuu…

    ika nga ng mga indiang pana dito sa dubai:

    “problem coming, ah, problem coming!” sabay bend ng leeg na abot shoulder to the left and to the right ala bollywood.lolz!

  29. IMO, ok lang mag-adapt sa culture na ibang lahi(especially kapag OFW ka). Nakakainis lang doon ay ang mga nakakalimot sa pinanggalingan.

  30. kuya batjay thanks sa mga entry mo. i am a filipino who’s stayed in Bahrain during my childhood, in Dubai during my teenage years at nung tamang pagpatak ng college e umuwi dito sa Pinas. IMO everywhere i’ve been i never forgot that i was a filipino, kahit minsang sobrang inis ka na dahil walang magandang comment sau ang mga tao dahil sa lahi mo, i try to show my best way at being a filipino para mabago nman ang opinion nila, now i work for a consulting and sales company na based sa US pero may operations ofice d2 sa Pinas. para syang call center dahil sa oras pero ibang iba ang trabaho. lagi rin ako nakakausap ng pinoy jan, ung iba d na nga kayang magtagalog e. pero ung mga kaya pa ang laging tawag “KABAYAN!” with a hearty smile. as in ramdam na ramdam mo nakangisi sila sa kabila ng telepono. pero ang sarap din ng feeling kase parang i brought them a small piece of home. so ok din. anyway, more power to you kuya batjay and u can be sure i’ll be in ur site often.

Leave a Reply to iceski dubaibes Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.