Ev'ry stranger's face I see reminds me

nung nasa singapore pa kami nakatira, isa sa mga paborito kong gawin ay magpunta sa lucky plaza pag linggo. day off kasi ng mga OFW at lahat ng mga pinoy ay dito nagpupunta para tumambay, bumili ng mga kapinoyan na gamit tulad ng toyo, suka, manggang hilaw, chocnut at pelikula ni judy ann santos.

pero para sa karamihan ng mga tulad kong sabik na may makausap na kabayan, excuse lang yung may bibilhin na gamit. ang talagang puntirya mo para magpunta sa lucky plaza ay para may maka kwentuhan, kahit na sandali. ang paborito kong gawin pag narooon ako ay makipag landian sa mga sales lady habang bumibili ng patis.

walang lucky plaza rito sa california. there is no need dahil karamihan ng mga pinoy rito ay assimilated na sa kultura ng mga amerikano. mayroon siyempreng mga tindahan para bumili ng mga gamit na pinoy pero hindi siya pareho ng feel tulad ng sa lucky plaza sa singapore o ng central sa hong kong.

wala yung urgency para gumawa ng immediate connection. wala yung collective feel ng homesickness which in a way, binds the OFW group together. sa singapore kasi, pupunta ka sa lucky plaza para makaramdam ng kaunting pilipinas.

naalala ko tuloy, pag umuuwi kami ni jet sa maynila galing ng singapore, ang gusto ko ay katabi ang mga kapwa ko OFW sa airport at sa eroplano. tahimik lang kaming nakikinig sa mga kwento nila. kung saan-saang bansa na sila galing at karamihan sa kanila ay mga beterano na sa byahe.

nakakatawa, nakakaiyak ang mga storya.

habang nakikinig, you can’t help but be proud. alam mo kasing hirap kayong lahat dahil nakahiwalay sa pamilya pero hinaharap pa rin ninyo ang buhay OFW with courage, grace and a sense of humor.

36 thoughts on “Ev'ry stranger's face I see reminds me

  1. Oo nga, ang hirap magtrabaho sa abroad at mawalay sa pamilya kaya nakakasakit ng loob pag makakabasa ka ng kapwa pinoy na minamaliit ang kapwa niya pinoy na mga OFW.
    Nabasa ko lang itong isang blog na galit dun sa isang columnist sa Manila Standard, sa tingin ko masyadong below the belt ang tira niya sa mga Pinoy OFWs.
    Here’s the link:

  2. punuin mo na lang ang kulang.
    hey ronald, gayahin na lang natin sina rizal sa paris nung world expo nung 1889. mga OFW din sila na nagbuo ng Indios Bravos para kontrahin yung mga umaalipusta sa kanila.

  3. pre..isa rin sa nakagaiwan ko dito singapore ay pumunta ng lucky plaza pag week end,,,para kumakain ng lunch sa “KABAYAN”…malapit lang kasi sa lugar ko ang Orchard….para makakain din lutong Pinoy…. limang araw sa isang linggo ang kinakain ko ay lutong intsik ……dahil nag-iisa lang ako parang mas ok ang kumain na lang sa labas.

    nang unang salta ko dito….at pag na home sick …dyan sa LP ang punta ko….pakiramdamdam ko kasi parang nasa Pinas din ako….ang daming pinoy nagkalat.

  4. kabayan: i love that word.

    i was in cannes, france, walking around sa side streets around a convention center. may mga nakasabay ako sa tindahan na parang gusto akong kausapin, pero hindi sigurado dahil nag-pra-pranses ako. nang tawagin akong ‘kabayan’, e di siyempre, ang laki nang ngiti ko.

    the best conversation i’ve had travelling are with homesick pinoys, yearning for a connection to home. in a lot of cases, ini-imbita pa ako sa bahay nila — something we wouldn’t do if we were in the philippines.

  5. Karama naman ang tawag sa lugar dito sa Dubai kung san makikita mo karamihan ng pinoy na tumatambay, sa loob ng Al Atar Bldg. dito sa Karama, tagalog na ang usapan.
    Sikat dito ang salitang ‘kabayan’, tawagan ng kapwa pinoy dito sa UAE.

  6. “Karama” – what a great word. parang karma. sa tingin ko, lahat ng mga lugar sa labas ng pilipinas ay may equivalent ng lucky plaza or central. hindi pwedeng hindi. at oo, kabayan ang tawagan sa lahat ng lugar na napuntahan ko, except dito sa amerika.

    oo nga ate mona – i too love the kabayan word. pag nasa lucky plaza ako sa singapore at biglang sumigaw ang sales lady ng “bili na, kabayan” – i can’t resist.

  7. oo nga no? salamat sa feel good post na ito. Alam ko alam mo ang nararamdaman kong sentimyento sa paninira na sinabi ng kolumnista na ito.

    salamat

  8. hehey growen. miss ko na ang mga mixed drinks mo. miss ko na ring dumalaw sa LP, kahit bulok bulok na siya eh ok na ok pa rin. sana ay makadalaw kami one day ni jet at iinom tayo ng mixed drink mo sa mismong lucky plaza.

    hi ulit anton. oo medyo na offend ako. sana nga makatabi ko siya one of these days sa eroplano. i’ll be extra nice to her.

  9. Aww. Ang hirap pala talaga pag nagtatrabaho ka abroad.

    Asa school nga lang ako minsan namimiss ko pa bahay namin [i know. Napakababaw].. Pano pa kaya kung ilang libong milya ang layo mo..

    Wala akong kilalang OFW personally, pero I appreciate their efforts na matulungan ang family nila, kahit pa kapalit nito ay araw-araw na pangungulila at pagkalungkot [err..maybe?]..

  10. had to go a-bloghoppin’ to find out what the hullabaloo was all about. can’t blame the others for reacting the way they did though. anyway, after all those pigromix, balyena, kulang-na-lang-apple, and what-have-you — i had to go back to reading this post which, i’d say, is the breath-of-fresh-air reaction. nonconfrontational but hits the nail on the head. you’d be extra nice, if ever? reminds me of what tatay (sln) used to say when we were little: “kill… with kindness” and “if you have nothing good to say….”. now that am grown, let me add, “just ignore” and “act like he or she/they doesn’t/don’t exist” 😉

  11. bossing anton……sabi nga nang kaibigan namin ni batjay…”PACKING SHEET ” yang si Malu Fernandez….sana sa sunod na travel nya makatabi nya sa eroplano……. may putok (B.O)na foreigner……madami dito nyan sa SG…..

  12. init ulo mo, pareng jun. hehehe. umpisa pa lang yan, dami kang mami-meet sa mga travel mo na hindi pleasing ang personality.

    the hullabaloo has reached fever pitch in the pinoy blogging community. i just wanted to go the other way in this post. yes, killing with kindness sometimes hurts more.

    oo mahirap magtrabaho sa abroad, lalo na pag naiwan ang pamilya mo.

    hey kabayang auee. karamihan sa mga interesting na tao na meet ko ay mga OFW.

  13. “punuin mo na lang ang kulang,” as you put it. good there’s at least one who chose a different route. sana makatulong to refute whatever notion needs to be disproved, to enlighten the unenlightened

    re kindness, yep, especially if they know they don’t deserve it lol… but you know, some will still believe and say what they want to that any effort at diplomacy is an exercise in futility. so be it lol…

  14. d ko alam kung pano npunta sa site nto pero i learned a lot.. mgging OFW nrin ako lapit na.. sa singapore din.. ndduwag plang ako kc mg ttourist lng ako dun eh wlang sure job..sana me mbait na tumulong sakin..hehe.. peace!

  15. aaaw… lalim ah (re pagpuno ng kulang…). is that a lament or said with a tone of satisfaction? anyways, can be a topic for another blog entry, di ba? 😉

  16. pag napapadaan ako sa lucky plaza pag linggo, sobrang natutuwa ang puso ko dahil parati akong nakakarinig ng masasarap na halakhak na pinoy lang ang makakagawa! partida pa, halos lahat ng mga nakatambay eh mga DH na karamihan eh hirap sa trabaho — pero wag ka, sila pa yung ang sasarap talaga tumawa.. sila din yung madalas na nagyayaya sa kin, “kabayan, kain tayo!” kapag napapadaan ako dati sa gulong-gulong at merong isang grupo ng mga pinay na nagpipicnic. minsan nga nakisubo ako ng pansit don at nakipagkwentuhan… iba talaga ang lugar na yun!

  17. Hey this is a nice blog… totally agree with you regarding the kabayan term it’s a special term for us filipinos away from home. I am Dubai based too like Drew and in Karama & Fish market foreigners speaks our language like a native… haha. In a way this malu thing sort of united OFWs together. Some people have their noses up in the air and she embodied this type but let’s not go down to her level and use discriminatory terms. Hope she truly learned her lesson.

  18. thank you kabayan. hope to see you in one of the airports somewhere in the world, someday.

    JENNNNNYPOK – miss ka na namin. musta kay amor at pag nasa LP kayo, pakibati na lang yung mga kasama natin doon.

    yes, it can be.

  19. I experienced weekend nights at LP a few weeks back. I have 2 words to describe our Pinay Kababayans there – “extremely friendly”, especially after 10PM. lol. Kidding aside, thank God for LP. Tambay lang kahit thirty minutes don, may bago ka ng kakilala. Definitely home away from home. Galing lang ako dun last weekend, bumili ng “tuyo”.

  20. i’ve been to singapore last may, sayang nga i wasn’t able to go to that lucky plaza pero andami din namin nakasalamuhang pinoy sa mrt, sa bugis junction, sa sentosa theyre everywhere nakakatuwa. we went on a night out sa Ministry of sound, then a waitress went to our table smiled and asked “pilipino kayo?”, same question was asked by the gay cashiers on a 7eleven store near the hotel we’re staying, siyempre chinika namin sila kahit sandali lang. We met also a pinoy working sa zouk, binibigyan namin ng tip ayaw niya tanggapin. 🙂 sa vivo city naman, we asked the chinese girl about directions pinoy pala yung kasama niya kaya siya na ang sumagot. nakakatuwa isipin na kahit saan ka magpunta friendly talaga ang mga kababayan natin.

  21. tama ang sinabi mo. i travel a lot and almost everytime i see somebody from the philippines and most of them share warm smiles and interesting stories.

    take care,

  22. Pero teka..bakit ganun nalang diprensya nung nasa SG ka pa at now na nasa US ka na…mas malapit pa ang SG sa pinas pero mas “feel” ang pagkakaisa sa Lucky Plaza. Dahil ba sa sobrang laki ng Cali, ang hirap kumonek? Di tulad ng nasa SG eh isang MRT ride away lang lahat?

  23. Iba talaga kung magkakasama mga Pinoy sa kasayahan, kwentuhan, at gimikan. Nagkakaunawaan agad, parang magkakapamilya na kahit na hindi, basta magkasama-sama lahat ng mga OFW sa isang lugar.

    Nakakainip nga dito sa Singapore kapag wala kang makausap na kapwa Pinoy. Yung mga akala mong local na hindi agad napapansin eh mga kapwa Pinoy na pala (pag nag-Tagalog na, ayan na, sabay kwentuhan na). May mga kaibigan ako kasi dito Pinoy mukhang Instik, Malay, at isa pa na mukhang Bumbay.

    Lucky Plaza – ang official tambayan ng mga Pinoy para magsaya at maging totoo sa sarili bilang mga Pinoy!

Leave a reply to batjay Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.