The paper holds their folded faces to the floor

weird things about myself:

  1. tatlong beses ako kung maligo araw-araw kahit malamig
  2. minsan, pag ako lang mag-isa ang nakasakay sa elevator, umuutot ako.
  3. may dilaw na manok na nakasabit sa ding-ding ng opisina ko na umiiyak pag pinipisil
  4. parati akong may dalang spiderman doll sa mga business trip
  5. pag nag-iisa lang ako, tinatanong ko sa sarili ko kung may ilokano sa tower of babel
  6. pag nag concentrate ako, kaya kong pagalawin ang tenga ko
  7. nung bata pa ako, gusto kong magkaroon ng buhok sa kili-kili
  8. pag talagang nag concentrate ako, kaya kong pagalawin ang kanang suso ko
  9. pag nangungulangot ako, minsan hinlalaki ang ginagamit ko
  10. hindi ko kayang pagalawin ng magkasabay ang tenga ko at kanang suso

28 thoughts on “The paper holds their folded faces to the floor

  1. animo Notre Dame beat Tonyo!!!!

    ganyan din ba sigaw nyo nung panahon ng CSAA? ahead ako sayo ng ilang taon….

    just want to let you know we are so proud of you…kaming mga taga Notre..(para kasing kakailang gamitin kaming mga Damers)..hehehe….

    you are a GENIUS man!!!

    halos pareho tayo ng tnatakbo ng buhay…isang OFW…hmmm parang konti lang ang OFW na taga Notre…specially nung nasa Saudi ako…2 taga Notre lang ang alam ko na nandun…yung isa kasama ko sa work pero takbo kaagad at nag TNT dyan sa amerika nung nagkaroon ng chance bigyan ng traning ng company…i forgot the name pero he’s much on later batch than me…(batch 77 me…)…and the second one was guess who…si Mr. Frank Uy…the music and science? nga ba teacher….he called me while I was on cue sa isang padalahan ng pera duon..he is in-charge or somewhat the manager duon ng SSS…SSS employee sya…I believe nandun pa sya taking care of OFWs SSS requirements….

    umepekto talaga ang ating natutunan sa notre hehehee…i was laughing at your post to see it polo natin naka butones kundi ii-stapler ni de luna ang polo kapag nakabukas….

    si Tibo…malaking bagay din ahhhh….

    yun bro mo si Howlin’ Dave…once na meet ko yan during the Folk Rock Country Revival sa Rizal Memorial…sya ang inaawitan namin mag emcee para sa concert…..pero we dont know meron syang utol na taga notre that time…karamihan ng coordinator ng concert na yon is from Notre Dame batch 77 kaso nga lang it was a sad experience nagka stampede….:( tanda ko pa yosi ng utol mo (howlin’ dave) that time…Camel…filter kings…hehehehe….

    just sharing some thoughts sayo….and memories…tagal ko na basa ang mga blog mo…i emailed you once…then you replied pero matagal na yon….

    ulitin ko men…you’re a genius we are so proud of you!!!!!

    sori sa litanya ha…lungkot dito sa shanghai ehhh….

    more power…..

  2. “animo notre dame beat marist” ang sinisigaw nung panahon namin at PRADA na yung pangalan ng league. salamat sa dalaw at ingat diyan sa shanghai.

    i remember mr. uy – he was a music teacher. i didn’t have the privilege of being under him because he left when we were in high school. but our batch did invite him to judge our music extravaganza.

    oo nga pala, nagkita kami nina tibo nung december sa manila. it was a good thing he showed up – i’ve been wanting to meet him for the longest time to say thank you for being part of my life. i’ve even included mr and mrs chaves in the acknowledgement of my book.

    ingat.

  3. batjay and chinaman,

    i guess frank uy is still in dammam, ksa. he is still with sss. i didn’t know he is a notre damer till chinaman’s comment. frank’s a big help when he was in riyadh.

    well, cheers to all notre damers. too bad, am not. but am proud of you guys.

    am just wonderin, why are you interested if an ilokano exist at the tower of babel?

  4. Kuya BatJay,
    Curius na naman po ako pra sa ano a ng dilaw na manok mo? At sa tanda mong yan may spiderman doll ka pa? Goodluck charm mo pa si peter?
    As usual wala akong magawa ky visit ko site mo na nakaka-aliw!

  5. hindi naman kailangan magkaroon ng dahilan kung bakit mayroong dilaw na manok sa opisina ang isang tao.

    why am i interested kung bakit may ilokano sa tower of babel? wala lang. naisip ko kasi, kung tutuo yung kwento sa bible, dapat may mga ilokano doon sa itaas ng tower.

  6. yung number 2, pano kung oo nga’t nag-iisa ka sa elevator, e biglang pagkatapos mong umutot ng mabaho e biglang bubukas ito at me sasakay na magandang babae? ano gagawin mo?

    hinlalaking pangkulangot? Buti hindi lumalaki butas ng ilong mo no?

  7. ayaw ata sa ‘kin ng site mo, batjay. third try to post….

    #1 – ligo-ing thrice a day is weird? doesn’t that signify right hygiene? weird is when one ligo-es thrice a week, or not at all lol…

    #2 – ay grabe lol. tapos pag biglang may pumasok sa elevator, kunyari dedma?

    # 3 n 4 – self-explanatory

    #5 – is there a tinge of acerbity here? 😉

    #6 – when not concentrating, anong pinagagalaw mo? lol…

    #7 – weird is when you finally grew some hair there and now enjoys shaving your kili-kili

    #8 – lol din…

    #9 – ang weird, pag big toe ginamit mo…

    #10 – lol…

  8. just asked because i noticed that your humor borders on the satirical. k, gotcha. wit, basically, is your area of specialization 😉

  9. #1 – naks! parang ” i love you” 3 X a day ni Jimmy Santos

    #2 – pag me pumasok, paypay mo lang ilong mo at sabihin- ” sam pipols are so rude!”

    #4 – yung spidey doll is your answer to mr. bean’s teddy bear

    #9 – reminds me of the joke- ” why do gorillas have big nostrils? because they have big fingers!” hehheh

    keep on batting batjay!!!!

  10. uhmmm… ang tanong, pag ako ang nag-concentrate, ano ang gumagalaw sayo… hehehe

    I too love making lists, but this is a list like only you can make mylab. 😀

Leave a reply to edgar cadano Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.