dear unkyel batjay,
nakakita po ako ng picture ng kesong puti sa photo website ni doc emer at bigla po akong naglaway. mahigit 10 years na po akong narito sa amerika at hindi pa po ako nakakauwi. naalala ko po kasi nung nasa pilipinas ako, pag almusal, piniprito ng nanay ko ang kesong puti at ipapalaman po niya ito sa hot pandesal. tapos, sasabayan ko po ito ng mainit na kapeng barako. haay naku.
saan po ba pwedeng makakuha ng kesong puti rito sa amerika?
nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,
magtanong ka sa mga supot diyan, marami silang kesong puti.
ingat,
unkyel batjay
Grabe! Nakaka-gutom naman yung picture ng mga kakanin. Miss ko na ang Pilipinas! huhuhu.
sarap nga ng kuha ni doc emer.
Kung narito ka sa timog kaliporniya, sa Palmdale maraming supot na nagtitinda ng quesong puti. mamili ka ng klase, amoy at tagal ng pag-ferment. Balita ko Tatak BatJay ang pinaka concentrated at matindi sa amoy. Sundan mo lang ang amoy pag nasa freeway ka na at mararating mo rin ang tindahan niya.
sa pagkakaalam ko, feta cheese ang katumbas dito ng kesong puti dahil pareho silang gawa sa goat’s milk. iba nga lang ang texture ng kp, hindi firm tulad ng fc. siguro dahil mabilisan ang pagproseso.
pwede rin feta cheese as equivalent. pero iba pa rin ang lasa.
yung kesong puti na binibili ko kasi parati sa los banos ay gawa sa gatas ng kalabaw. iba ang timpla at malinamnam pag na fry mo ng once over.
ako biased talaga sa kesong puti. lalo na pag doon sa suki ko sa los banos ko binili. ewan ko ba – masarap talaga.
pero ang galing ng kuha mo doc emer. kita ko lang, gutom na ako.
Malayo lang ako pero dito madami kesong puti (central america). Iba’t iba ang lasa. Me maalat, me amoy ewan (matindi sa amoy ng kili kili ng hindi naliligo), meron din naman masarap na sabi nyo nga iprito (sa Costa Rica and the best). Marunong din ako gumawa. Tinuruan ako ng mga nanay dito. Nakakalaki pala ng braso na gumawa non (e saksaksan na ng laki ng braso ko). Kasi ilalagay mo yon pinatigas na gatas sa batong malaki tapos dudurugin mo ng isa pang bato (gigil to the max ka kung baga). Hanap ako ng picture ng nag gagawa. Teka pano ba mapapakita sa inyo yon?
wow. pwede kang gumawa ng sarili mong business na south american white cheese sa pilipinas.
magandang idea yan.
Naku naalala ko yang pritong kesong puti sa pandesal na yan. Ang sarap nga nyan! Yun nga lang, tuwing kakain ako nyan pakiramdam ko pumapak ako ng taba ng alimasag. Ang riche kasi ng flavor, hindi cholesterol friendly… hehehe.
sarap ano mylab? pag umuwi tayo next time, mag long drive tayo from antipolo to laguna para makabili ng kesong puti. tapos bili tayo ng hot pandesal sa kapitbahay.